Andy POV
"Hey, Andy right?"
Napa-tingin ako kay Amara nang tumango-tango siya.
"Bakit, Amara?"
Tanong ko pabalik habang naka-upo sa single sofa.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Sahara?"
Napa-tingin ako kay Miranda nang magtanong siya. Ngumiti ako.
"Hindi naman, mga dalawang buwan pa lang naman kaming magkakaibigan." Nangunot ang kanilang noo sa sagot ko.
"E, bakit kung magkasama kayo, parang ang tagal niyong magkakaibigan?" tanong ni Amara.
Ngumiti uli ako.
Hindi ko rin alam; basta feeling ko ang tagal-tagal na naming magkakilala. Para bang napakalapit namin sa isa't isa. Kaya nga masaya ako nang naging magkaibigan kami kasi noon, ang aloof niya.
Dumating naman ang limang lalaki at nagsiuupo sa couch.
"Hindi kasi lahat nababase ang pagiging magkakaibigan sa tagal ng panahon. Minsan, kahit ilang beses mo lang siyang nakikita o nakakausap, ay hindi basehan 'yon kung paano niyo ituring ang isa't isa."
Nakangiti kong paliwanag na siyang ikina-ngiti nilang dalawa.
Nagulat ako nang bigla na lang may humila sa likod ng damit ko.
"Aaahhhh!"
Napasigaw ako nang tumilapon ako sa pader at napa-hawak pa ako sa ilang vase na siyang naglikha ng ingay nang masalanta ito.
Napa-tingin ako sa may gawa. Ang sama talaga ni Megan!
"Ano bang problema mo, Megan?!" rinig kong sigaw ni Miranda.
"Stop it, bitch!" sigaw naman ni Amara.
"Aaahhh! SAHARA!"
Naisigaw ko na ang pangalan ni Sahara dahil hinila ni Megan ang buhok ko at sobrang sakit sa anit noon!
Nakita kong nanonood lang ang mga lalaki.
"Hindi ka talaga nandidiri kapag lumalapit sa babaeng 'yon? My gosh! Ang PANGIT PANGIT niya kaya! Kahit kunin mo pa ang benda niya sa mukha, alam kong napaka----"
"ANONG NANGYAYARI?!"
Hindi natapos ni Megan ang sinasabi niya nang biglang may sumulpot at sumigaw. Nagulat akong napatingin kay Sahara na ngayon ay may suot na roba.
Ngunit mas lalo akong nagulat nang makita ko ang kalahati ng kanyang mukha.
Nakikita ko ang napakaganda niyang labi! Pati na rin ang kanyang leeg at ilong, pero nakatabon pa rin ang mga mata at noo niya.
Ang ganda ng kulay rosas na labi ni Sahara, mamasa-masa iyon, pati na rin ang perpektong hugis ng maliit ngunit matangos niyang ilong. Ang kinis pa ng kanyang leeg, pati na rin ang kanyang pisngi na nakikita namin.
Hindi ako makapaniwala! Kahit kalahati lang ng mukha niya ang aming nakikita, ay nagsusumigaw ito ng kagandahan!
Sahara POV
Bigla akong nailang sa kanilang mga titig, mas lalo na ang titig ni Haven na halos tagos sa aking kaluluwa.
Mabilis akong tumalikod at inayos ang benda ng aking mukha. Walang dapat makakita sa aking mukha at baka mas lalo akong kamuhian ng aking ama, na siyang ayaw kong mangyari.
Huminga muna ako bago ulit humarap sa kanila na gulat pa rin.
Ngunit nagtaka ako sa sitwasyon nila, lalo na kay Andy at Megan. Hawak ni Megan ang buhok ng kaibigan ko, kaya bigla akong nainis at nilapitan siya.
"Anong akala mo, anong ginagawa mo kay Andy, Megan?"
Inis kong inalis ang braso ni Megan sa buhok ni Andy, kaya nailayo ko si Andy sa kanya.
Lumuhod ako upang pantayan si Andy at inayos ang kanyang buhok. May nakita akong sugat sa kanyang braso.
"Are you okay? Masakit ba?"
Nag-aalala kong tanong sa nakatulalang si Andy sa harap ko. Pumitik ako sa harap niya na siyang ikina-balik niya sa huwesyo.
"O-okay na 'ko... s-salamat." Napangiti ako.
Tumayo naman ako at inayos ang suot kong robe bago seryosong tinitigan ang walo na napatigil din nang tumingin ako sa kanila.
Napa-buga ako ng hangin at tumingin kay Andy.
"Maliligo muna ako, Andy, dahil ginambala ni Megan ang pagligo ko," inis kong ani at naglakad patungo sa kwarto ko.
Matapos akong maligo, nagsuot ako ng isang kulay itim na shorts at isang malaking t-shirt. Mabilis kong pinatuyo ang aking buhok na nakasayad; nahirapan pa ako kasi hindi ko dala ang blower ko. Kaya napagpasyahan kong lumabas sa kwarto ko para makapanghiram.
Naabutan ko naman silang lahat sa sala na tila napaka-seryoso ng pinag-uusapan, siguro tungkol sa misyon namin. Pero bakit hindi nila ako tinawag kung tungkol nga sa misyon?
Naramdaman nila ang presensya ko kaya lumapit na ako sa kanila habang hawak ang dulo ng aking buhok para hindi sumayad at marumihan. Nagulat ata sila sa akin pati sa buhok ko dahil doon sila nakatitig. Tumikhim ako.
"Andy, pwede ko bang hiramin ang blower mo?" tanong ko kay Andy. Tumango siya at umalis. Ang creepy niya, ha.
Naupo naman ako sa single sofa nang maramdaman ko ang seryosong tingin ng aking mga kasama. Iniangat ko ang tingin sa kanila.
"Bakit? May problema ba?"
Nakita ba nila ang nakakadiring hitsura ko? Hindi ko pa kasi nakita ang mukha ko.
Kaya ba sila ganito dahil nakita nila kung gaano ako kapangit? Nalungkot ako at nailang.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampiriVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.