CHAPTER 51- FAILED ESCAPE

305 24 1
                                    

A/n: Pic above is alexus.

Sahara POV

"We're going out."

Napalingon ako sa direksyon ni Andy nang seryoso niya itong sinabi. Nagtataka na ako sa mga kinikilos niya mula kahapon. Madalas na siyang hindi nakikipag-usap, na siyang ikinakalungkot ko.

Umayos ako ng pagkakatayo malapit sa gilid ng bintana. Dito lang kasi ako nakatanaw nang biglang nagsalita si Andy na nasa upuan sa malaking lamesa dito sa loob ng malawak na silid.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya, dahil napaka-seryoso nito.

Hindi ako sanay sa pakikitungo niyang ito. Gusto ko nang bumalik ang dating Andy na unang kong kilala—yung medyo madaldal at clingy.

"I secretly talked to Blake. Ngayong gabi din ay tatakas na tayo dito, and whatever relationship you have from that king, I don't care. Basta sumama ka sa amin." 

Nagulat ako sa tono ng pagsasalita nito.

"Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin nung una? At anong relasyon? Wala akong relasyon sa hari, alam mo yan."

Tila suko ko nang bigkas ito dahil mula pa kahapon, matapos umalis ang hari, sinabi ko nang hindi ko siya kilala.

Mukhang hindi siya naniniwala. Ano bang gagawin ko para paniwalaan ako ni Andy? Lumapit siya sa akin at mabilis na niyakap ako.

"Sorry, hindi ko lang mapigilang maguluhan kung bakit ganun ang pakikitungo sa iyo ng hari na may pamamay-ari sa limang kaharian. Isang napaka-importanteng lalaki ang lumuhod sa iyong harapan, Sahara. Isang hari, ang haring namumuno sa bawat kaharian dito sa Velkan. Isang misteryoso at napakapanganib na bampira ang naghihingi ng kahit kaunti ng iyong atensyon, na siyang kagulat-gulat, at minsan iniisip ko kung sino ka bang talaga dahil naguguluhan na ako."

Napa-yuko ako.

"Naguguluhan din ako, Andy... naguguluhan din ako."

Ramdam kong niyakap ako nito ng mahigpit, na siyang ginantihan ko lang. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, dumagdag pa ang isiping wala nang sumusulpot na panibagong tela para sa mukha ko. Para bang nabali na ang sumpa dahil nagbilad ako sa araw.

Naguguluhan din ako kung bakit ganon ang hari. Sino ba itong si Victoria? Parang pakiramdam ko, sobrang sobra ang pagmamahal ng hari sa babaeng ito. Napagkamalan pa niya akong si Victoria, eh hindi ko naman siya kilala at ngayon ko lang naman siya nakilala. Tila lumabas sa isip ko ang nasasaktang mukha ng hari kahapon, kung paano siya umiyak at nagmakaawa sa akin—ang ibig kong sabihin, kay Victoria na ako lamang ang pinagkamalan. Iniling ko ang sarili kong ulo para wakasin ang mga imahe sa aking isip.

"Maghanda na tayo. Paglubog ng araw, kikilos na tayo para makatakas dito. Kailangan nating bumalik sa Lukresha." Tumango ako sa sinabi ni Andy.

Umalis siya at tumungo sa kama. Napa-lingon naman ako sa labas ng bintana at tinanaw ang malapit na palubog ng araw. Ano kaya ang pangalan ng haring iyon?

Kay kisig niya rin at tinalbugan pa ang mga babae sa ganda ng mukha. Una kong haplos sa kanyang pisngi, napa-tingin ako sa mga kamay ko at dahan-dahan iyong hinimas. Bakit ko ba siya iniisip? Napa-iling ako at inalis ang tingin sa labas. Nababaliw na ata ako, eh...

"Sahara."

Pagtawag ni Andy, inabot niya sa akin ang isang kulay itim na balabal.

Inabot ko ito at isinuot, hindi ko muna isinuot ang hood nito sa ulo ko. Napalingon ulit ako sa bintana. Oras na.

Nakita kong naka-suot na rin ng balabal si Andy at natakpan na rin ang ulo nito, kaya isinuot ko na rin ang akin.

"Tara," aya nito.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon