EPILOGUE

533 26 0
                                        


87 Years later~

"Sa kaliwa, Valmire!"

RAAAARRR!

"Ipukos mo ang iyong sarili!"

RAAWWRR!!

Napa-ngiti ako ng nagawang hiwain ni Valmire ang likod ng isang lobo. Napakalaki ng lobong ito at napakabagsik; naglalaway ito habang kaharap ang aking binatang anak. May ilan ding sugat si Valmire, ngunit mas maraming sugat ang natamo ng lobo sa mahahabang kuko ng aking anak.

"Ganyan nga, anak! Valmire, ILAG!"

Nagulat ako ng tumilapon si Valmire sa isang puno nang kinalmot siya ng lobong ito. Napapa-iling ako at mabilis na tumungo sa harap ng dambuhalang lobo at sinakal ang leeg nito gamit ang mahahaba at matutulis kong kuko.

Hindi na siya naka-hinga pa; mabilis kong hiniwa ang leeg nito kaya humiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan.

Nilapitan ko ang aking anak na nakaupo na ngayon sa lupa at bagsak pa ang mukha.

Naririto kami sa gitna ng gubat at nangangaso; ganun sana ang gagawin namin kung hindi lang sumulpot sa harap namin ang lobong iyon. Napakalaki nito at napakalakas pa.

"Tayo ka, anak."

Malumanay kong tugon sa anak ko at hinawakan ang kanyang braso. Ilang taon na din ang nag lipas.

Lumaki na din ang aking anak at masasabi kong maraming kahalintulad nya ang nakuha nya sa kanyang ama. Malimit itong magsalita at malimit ding nakikipag usap sa iba, matalino din sya at magaling magplano. Ang mukha nito ay kamukha ni Alexus habang ang mga mata nito ay sa akin. Sa ilang taon na nakalipas maraming nangyari, maraming nawala at nagbago.

Katulad ni Alexus, nawala sya sa akin at ang mas nakakalungkot ay naiwala ko ang kanyang bangkay. Pinagkaka ingatan ko ito at ginawa ang lahat upang ang katawan nito ay di maglaho gaya ng mga bampira kapag namamatay dahil naglalaho kami sa hangin. Pero hindi ko batid kong sinong lapastangan ang nag nakaw ng labi ng aking asawa sa liblib na kwebang iyon.

Hinaplos ko ang mahabang puting buhok ng anak katulad ng sa akin. Nginitian ko sya.

"Huwag maging malungkot, anak. Bata kapa, marami ka pang matutunan."

Hinaplos ko ang pisnge nito at pinilit syang tumitig sa aking mga mata. Nginitian ko sya at hinagkan ang kanyang pisnge.

"Nandito ang iyong ina at handa kang tulungan, mahal kong anak."

Napa ngiti ito sa tinuran ko.

"UGH!"

Bumulwak ang dugo sa aking bibig ng bigla na lamang may bumulusok na palaso sa aking likod at tumagos agad hanggang sa aking dibdib. Nakita ko naman kong paano natulala si Valmire sa kanyang nakita.

"INA!!"

Bumagsak ako sa lupa.

"Ina!!!"

Hinawakan ko ang braso ni Val upang pakalmahin.

Hindi ko ito inaasahan. Pinilit kong maupo habang umalalay lang sa akin si Val. Mabilis na nagsi-sulputan sa aking harap at mga vampire hunters. Napa ngisi ako at binunot ang palasong tumama sa aking dibdib. Nagtaka ako dahil hindi mabilis na gumaling ang aking sugat na natamo.

"Tila tayo ay sinusuwerte mga kapatid, isang mag ina ang ating natagpuan."

Ngumisi ang isang matanda na mayroon ng puting balbas sa mukha.

Impit akong napa inda ng sinubukan kong gumalaw ngunit rinig ko lamang ang tawa ng mga vampire hunters sa ginawa ko.

"Ang palasong iyon ay gawa sa pilak! Dapat nga ay naging abo kana ngunit nakakapag taka bakit hindi kapa namamatay, bampira?"

Matalim kong tinitigan ang isang babaeng kita ang beywang na may dala dalang armas sa katawan at ganon silang lahat may dala ding iba't ibang mga armas.

"Ina, wag nyo na pong piliting tumayo."

Pakiusap sa akin ni val ngunit inilingan ko sya. Kapag hindi ako kumilos mapapahamak si valmire. Ramdam kong may ibubuga ang grupo ng mga vampire hunters na ito. At napakarami pa nila. Tila nagpapatrolya sila sa kagubatang ito.

"Ako na po ang bahala sa kanila."

Hindi ko na napigilan pa si Valmire ng tumayo ito at humarap sa mga ito.

"Pagbabayaran nyo ang inyong ginawa sa aking ina."

Tila umikot ang paningin ko kaya sinapo ko ang aking noo at pilit tumitingin sa gawi ni Valmire.

Napa singhap pa ako dahil pinagkakaisahan sya ng mga ito. Isa laban sa higit dalawang dozena'ng mga vampire hunters. Kaya ba iyan ng aking anak?

Sinapo ko ng isang kamay ang sugatang dibdib. Nakita kong umilaw ang palad kong nasa dibdib. Kailangan kong gumaling, gumaling mg mabilis!

"HAHAHAHAHAHA!"

"Malakas nga ang isang to mga kapatid!"

Bumulwak uli galing sa aking bibig ang dugo. Pinahid ko ang gilid ng aking labi.

Lumingon ako sa gawi nila at halos manlaki ang aking mga mata ng makitang naka handusay sa lupa at namimilipit ang aking anak. Mabilis akong napa tayo kahit tila tumitibok sa sakit ang sugat sa aking dibdib. Tila natamaan ang aking puso.

Mabilis akong sumugod sa tatlong tao at hiniwa ang kanilang leeg ng mabilis. Tumalon ako sa harap ng isang tao at sinakal ito paitaas at doon binali ang kanyang leeg saka ko ito itinapon sa malayo.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

May ilang nagpa ulan ng bala sa aking gawi ngunit mabilis ko lamang itong naiwasan. Inangat ko ang palad at kasabay non ang pag angat ng sandamakmak na bato na tila isang kamao sa laki. Mabilis ko itong itinira sa mga nagpa putok kaya halos lumusot sa mga katawan nila ang bato.

"Ugh!"

Napa suka ulit ako ng dugo at napa luhod ang aking isang tuhod sa lupa. Napa ubo ako ng sunod sunod at napa hawak sa aking dibdib.

Pero hindi ako nagsayang ng oras at mabilis na tumayo.

"HANGGANG DYAN KA LAMANG, BAMPIRA! KUNG HINDI! UNA NAMING PAPASLANGIN ANG ANAK MO!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang tinutukan nila ng espadang gawa sa pilak ang aking anak na hawak ng babae kanina. Tinutukan sya ng may bigote sa mukha. Napa kuyom ang aking kamao sa galit ng makitang nagdudurugo ang gilid ng tyan ng aking anak.

Hindi pa nga ganon kalakas si Valmire, kailangan nya pang magsanay ng matindi.

"We can talk about this, hunters."

Pagsisimula ko at dahan dahang naglakad sa kanilang gawi. Tumigil ako ng makalimang hakbang.

"Release my son, and I will allow the others who are still alive to leave."

Seryoso kong hayag at kinumpas pa ang kamay. Umangat sa ere ang mga sanga ng kahoy at matutulis pa ang dulo. Nagpalibot sa tabi ko ang mga sanga na ito at naka tutok ang dulo sa kanila, Nakita ko kong paano manginig sa takot ang ilang hunters sa nakikita. Ngumisi ako,

"Ughhh!" Nanlaki ng bahagya ang aking mga mata,

Mabilis akong nawalan ng balanse at natumba, nawalan din ng lakas ang kinokontrol kong mga sanga at nagsihulog sa lupa. Sumuka ako ng sumuka ng dugo habang hawak ang dibdib. Tila natamaan nga ang aking puso sa palasong iyon.

"Aahhhhh!!!"

Napako ang tingin ko sa mga taong susugod na sa akin habang tutok sa akin ang mga dalang patalim. Hindi ako naka galaw sa kinalalagyan, nadako ang tingin ko sa aking anak at nakitang nanlalaki ang mga mata nito. Hindi agad ako nakapag aksyon.

"PATAYIN SYA!!!"

Napa pikit ako.

Hinintay ko ang pag lapat ng iba't ibang patalim sa katawan at hinintay ang aking katapusan. Ngunit nabigla ako sa nagsalita, ang tinig na sobrang pamilyar sa akin. Dumagundong ang puso ko at nanubig ang aking mga mata na nilingon ito.

"You've crossed a line, hunters.  I've seen many like you come and go.  They all met the same end.  But you still have a chance to walk away.  Leave now, and I'll forget this ever happened.  But if you stay... you'll regret it for the rest of your miserable lives."

I burst into tears when I confirmed it's really is him.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon