Victoria
Mabilis akong tumalikod at hinawakan ang door knob. Mahigpit akong humawak sa kamay ni Sheila.
“Ahh!”
Mabilis akong napalihis ng tingin kay Sheila na hawak-hawak na ngayon ni Sir sa leeg. Lumaki ang aking mga mata ng pinulupot nito ang kanyang kamay ng mahigpit sa leeg ni Sheila.
“No! Wag mo siyang saktan! Sheila!”
Gusto ko siyang hilahin palapit sa akin, pero natatakot akong baka anong gawin nito kay Sheila kaya nanatili ako sa aking kinatatayuan. Wala bang tao sa labas?
Bakit walang nakakarinig sa mga naging sigaw ko? Bakit walang dumating para tumulong? May bampira dito!
“Pumili ka, Victoria… sasama ka sa akin o papatayin ko mismo sa iyong harap ang iyong nalalabing kaibigan?” Nanubig muli ang aking mga mata.
Oh god, bakit ito nangyayari sa akin? A-ayokong mawalan ulit ng kaibigan.
Ayokong mawala si Sheila… gagawin ko lahat para maligtas siya. Napa-takip ako ng bibig at pinigilan humagulhol… bakit ito nangyayari sa akin?
“N-no! No m-matter what happened… w-wag kang sumama sakanya-Aahhh!”
“Sheila! Tama na! Please… sasama na ako, bitawan mo na siya… please. Sasama na ako.”
Nasapo ko ang aking mukha.
BLAGG!
Ibinaba ko ang aking kamay mula sa aking mukha ng makita kong itinapon nito si Sheila sa isang sulok ng office nito at pansin kong hindi na ito gumagalaw.
“Hindi ko sinabing saktan mo siya! Why do you have to throw her away?”
I faced him with my fury eyes but I was still. A-anong?
“Come.”
He’s smiling while extending his right arm to me. At bakit parang ibang tao ang nasa aking harapan?
“Come, Victoria… let’s go home.”
Sheila
Malungkot akong tumingala sa langit. Hanggang kailan pa ako magdudurusa sa mansyon na ito?
Puno ng demonyo ang mansyon na ito. Napa-yuko ako.
“Bakit malungkot nanaman ang iyong mukha?”
Nagulat ako ng may sumabat sa aking likuran kaya mabilis akong tumalikod.
“Lady Victoria!”
Masaya akong lumapit sa kanya at niyakap ito ng napakahigpit… ang sarap talaga ng amoy ni Lady Victoria. Napapikit ako ng ginulo nito ang aking buhok.
“Kamusta ka? Munting Sheila?”
Napatingala ako sakanya, ang ganda ng kanyang ngiti. Ang init ng pakikitungo nito sa akin. Para ko na siyang ina, siya lamang ang nagtrato sa akin ng tama sakanya lang ako nakakaramdam ng kaginhawaan. Ayokong mawalay kay Lady Victoria. Pati ang kanyang yakap… ang init. Kaya gusto kong habang buhay na maka-piling siya. Kung hindi lang…
“Mahal kong Victoria.”
“Hayes, bumalik na ako.”
Kumalas ito sa aming yakap at nagsimulang lumapit sa lalaking tumawag sakanya. Hindi… Lady Victoria. Wag! Wag kang lumapit sakanya!
WAGGGG!
“Wag! Lady Victoria!”
Hingal-hingal akong napa-balikwas, nilibot ko ang tingin sa paligid.
“Ahh.”
Napa-hawak ako sa aking ulo ng kumirot iyon. Muli ko na namang naalala ang dating Victoria. Napatigil ako ng may napansin,
Si Victoria? Hindi! Wala na siya dito!
Mabilis akong napatayo sa kinahihigaan, nandito pa rin ako sa office ni Hayes.
“Victoria!”
Nasaan ka na? Umiyak na ako. Wala na si Victoria… talagang kinuha na siya ni Hayes. Napa-hagulhol ako.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
مصاص دماءVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)