CHAPTER 20- CALEB WALTER

433 27 0
                                    

Caleb POV

Naglalakad lang ako sa gilid ng hardin sa palasyo nang may namataan akong bampira na kahawig ni Eagan. Malapad akong ngumiti at mabilis na lumapit dito.

Nang makalapit ako, agad ko itong binatukan ng pagkakalakas-lakas.

"Eagan, my man! Kamusta? Isang linggo kitang hindi nakita matapos kong ihatid yung babae ni Alexus ah."

Todo-ngiti ako habang namimilipit sa sakit si Eagan sa pagkakabatok ko. Aba! Dahil yan sa batok ng langyang Alexus, hindi ko naman magawang batukan din; baka wala sa oras, mapatay ako ng gago. E itong si pareng Eagan na lang, tutal gago naman to e.

"WTF!! Ang sakit non, putangina ka! Gago!!"

Tumawa ako ng pagka-lakas-lakas sa pamimilipit niya at inakbayan siya, pero ang gago, umiwas habang kinakamot-kamot yung ulo sa pagbatok ko. Sinigurado kong malakas yung pagkakabatok ko, no.

"Hahahahahah!" tawa ko pa. Aba! Nitong mga nakaraang araw, ako lang palagi ang inutusan ni pareng Alexus na bumili ng ganito’t ganyan! Habang siya?! Wala dito at baka nagkakasasa pa sa mga babae niya. Ang unfair non, mga gago!!

Nabilaukan naman ako nang pinulupot ni Eagan ang braso niya sa leeg ko at sinakal ako. Putaaa!

"P-putangina!! Bitaw! ACCKKK! Papatayin mo ba ako, gago ka?!!"

Siniko ko siya ng siniko, pero ang gago, mas lalo pa akong sinakal ng mahigpit! Putaaa!! Nakita ko naman si Aaron sa malayo, naglalakad papunta sa direksyon namin.

"P-pareng Aaron! Heeelllllpppp!!!"

"Wag na wag mong tutulungan!!"

Sigaw ng gagong sakal-sakal ako. Puta! Yung damit ko, nagugusot! Nakita ko sa gilid ng mata ko ang naglalakad na dalawang babae, nakatingin ito sa direksyon namin kaya naalarma ako.

"Puta, may chicks!!"

Mabilis na bumitaw sa pagkakasakal si Eagan sa akin. Langya! Chicks lang pala ang katapat.

"Tss. Umayos kayo, mga gunggong." Napa-nguso ako sa sinabi ni Aaron. Mangiyak-ngiyak akong lumapit at kumapit sa braso niya, at tinuro-turo si Eagan.

"He hurt me! He hurt me! Uwaaah!"

Pagsusumbong ko kay Papa Aaron. Pero ang tukmol, inirapan ako at naunang lumakad. Napa-kamot ako sa batok at tumigil sa pag-iyak. Ano naman makukuha ko doon eh ang gago hindi sumakay sa trip ko. Tangina.

Ngingitian lang ako ng gagong Eagan at binilatan pa. Abay puta! Tumakbo ako papunta rito pero tumakbo rin siya papunta kay Aaron. Walangya!!

"Bumalik ka dito, ulol!!"

"Tumigil nga kayong dalawa! I said stop!"

Tahimik akong nakaupo sa isang upuan, kaharap ngayon ang mga kataas-taasang konseho ng hari. Ah, kaya pala pinatawag kami; may pagpupulong ang hari.

Mga isang dosena rin ang mga konsehal at puro mga ugod-ugod na. Hahaha! Djoke lang, hindi kasi tumatanda ang mga bampira; hindi halata sa katawan at mukha ang edad. Ako nga, 323 years old na, gwapo pa rin. Nasa dugo lang nila ang katandaan; malalaman mo kapag sobrang tanda na ng isang bampira kapag ininom mo yung dugo nito, makakalasahan mo ang pait at pagka-dry. Ewww!

Kinurot naman ako ni Eagan, naiinis ko siyang tinitigan. Gago ba to? Ay, matagal na palang gago. Katabi ko kasi ito, at katabi rin niya si Aaron.

Puta, sarap hambalusin. Nakita ko namang umupo ang hari sa pinakasentral na upuan, kaya mabilis kaming yumuko bilang paggalang. Aba! Baka makita ang aking kagwapuhan at mapahinto ang hari. Eheheh.

Seryoso niyang nilagay ang dalawa niyang braso sa lamesa at doon ipinatong ang baba. Nagkunot-noo ako. Sinunod ko ang ginawa ng hari; ang cool kasing tignan.

Rinig kong humagikhik si Eagan kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nagsimulang magsalita ang hari.

"Let's just wait for my son; any minute now ay nandito na siya."

Tumango-tango ako at sinunod ang ekspresyon ng hari na siyang halos ikahagalpak ng tawa ni Eagan na natatawa sa pinanggagawa ko.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon