CHAPTER 57- A LIFE TO TAKE

283 18 0
                                    

Sahara POV

"Ako'y isang babaeng may asawa, nagkaroon ng anak, at hindi ko hahayaan na basta mo na lamang akong halikan!"

Nanggagalaiti ang aking mga mata sa galit habang kinumpas ko ang hawak na tungkod na kulay ginto.

Ngumisi siya, kahit na nakatutok sa kanya ang nag-iilaw kong tungkod, handang iparating ang pwersang kayang ikamatay niya.

Nalito ako sa kanyang reaksyon.

"Hindi mo ako pwedeng patayin, dyosa. Hawak ko pa ang buhay ng iyong itinuturing na asawa."

Nanlaki ang aking mga mata.

"H-hindi maaari..."

Napasinghap ako.

"Hindi mo siya nilason ng iyong kamandag, hindi ba?! Ibigay mo sa akin ang lunas! Ibigay mo!"

Sumigaw ako at lumapit, ngunit mabilis siyang nawala bago ako makalapit.

"You can't save him. Ang kamandag sa katawan ng iyong iniibig ay tiyak ang magdadala sa kanya sa kamatayan."

Ngumisi siya, at sa gawi ko’y tila nawala ang aking pasensya.

Hindi ko batid, ngunit biglang nag-init ang aking mga mata sa pag-iisip na mamatay si Alexus. Hindi maaaring mangyari iyon! Dapat siyang mabuhay! Magkakasama pa kami bilang isang buong pamilya!

"Lapastangan!"

Mabilis kong kinumpas ang tungkod at ginawang espada, ang mga mata kong nanlilisik ay tumungo sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa, ngunit bago pa siya makabalik sa ulirat, itinusok ko na ang espadang hawak ko sa kanyang dibdib.

Hindi niya mapapantayan ang kapangyarihan ng isang dyosa. Isa lamang siyang kalahating diyos. Dapat noon ko pa siya pinaslang.

Bumulwak ang maraming dugo mula sa kanyang bibig, ganun din sa kanyang dibdib.

Ngunit nagawa pa rin niyang ngumisi.

"M-mapapaslang mo nga ako, ngunit s-sisiguraduhin kong makakasama ko sa pagpanaw ang l-lalaking i-iyan."

Mabilis kong hinigit ang espadang nakatusok sa kanyang dibdib, at bumagsak siya sa lupa habang hawak ang sugat. Nanghihina na siya, pipikit-pikit ang mga mata.

Kung ikukumpara sa aking kapangyarihan, mahina siya. Ramdam ko ang lakas ng aking kapangyarihan sa pagkakataong ito.

Namataan ko sa malayo ang ilang pamilyar na mga mukha. Ilan na lamang sila na lumalapit sa akin.

Ramdam ko ring biglang natahimik ang kaninang puno ng kalansing ng espada, ang hiyaw ng mga nasasaktan, at ang sigaw ng mga taong naka-itim. Wala na.

Unti-unting naglaho si Alexandro sa aking harapan, ngunit bago siya tuluyang nawala, ngumisi pa ito at pinikit ang kanyang mapaghiganting mga mata.

Nabitawan ko ang hawak na espada, at bumalik ito sa pagiging laso. Mabilis akong nawala sa kanyang harapan at tumungo sa kinalalagyan ni Alexus. Napaluhod ako at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"A-Alexus... nandito na ako. P-patay na siya, magiging maayos na ang lahat."

Idinantay ko ang aking ulo sa kanyang noo at doon ako nag-iyakan. Humagulgol ako ng malakas.

Maayos na, maayos na ang lahat. Makakasama na tayong muli.

"P-pakiusap... huwag mo akong iwan! Argh!!"

Napasigaw na ako sa sakit na nadarama, nakaramdam ako ng palad sa aking braso ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Alexus pakiusap! PAKIUSAP!"

Humagulgol ako at mahigpit na niyakap ito.

"V-victoria, tama na... patay na siya. Kailangan mong kayanin, bantog ang ginawang lason ng alexandro na iyon sa kanilang nayon. Walang ano o sino man ang makaka alis ng makamandag niyang dugo. Patay na sya, kong hindi lang ganyang kalakas na bampira si Alexus ay una pa lang ay dapat namatay na siya. Nanatili syang naka tayo kahit inda ang lason na iyan. Kaya tanggapin mo, Victoria."

Winaksi ko ang braso upang maalis doon ang mga kamay ni shiela.

Galit kong binalingan si hiela.

"Hindi! HINDI PA SYA PATAY! Hindi pa!"

Nakita ko kong paano lumambot ang mukha ni sheila sa harap ko ngunit hindi ko na sya pinansin at sinapo ang mukha ng minamahal na lalaki.

"A-alexus... h-hindi mo naman ako iiwan, d-diba?"

Sheila POV

Isa-isa akong napaluha sa mga nasasaksihan. Naipikit ko ang mga mata upang pigilan kahit papaano ang mga luhang umaagos. Bakit ba ito nangyayari?

Kung sana hindi ako kinontrol ng haring Abraham noon!

Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana umabot sa ganitong sitwasyon.

"SAHARA!"

Napa-lingon ako sa napaka-pamilyar na tinig at agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita si Andy. Si ANDY?! Sya'y buhay?!

Kasama niya ang ilang mga lalaki at babae na tatakbo na sana sa direksyon ni Victoria, nang mabilis akong sumulpot sa kanilang harapan at hinarang ang isang kamay.

"Stop."

Tinitigan ko sila isa-isa at alam kong napaka-bata pa nila, ganun din si Andy. Muli ba siyang nabuhay? Napa-titig ako sa kamukhang kamukha ni Andy at nilapitan ito, ngunit bago ako naka-lapit, may humarang na isang lalaki sa kanyang harapan.

Tinitigan ko ito at hinagod ang kanyang kabuuan.

"Hindi ko sasaktan ang aking matagal na kaibigan, kaya tumabi ka."

Tinapik ko ang braso nito, kaya mabilis siyang tumabi. Masyado silang mahina para sa akin. Ilang daang taon na akong nabubuhay sa mundong ito, marami na akong naranasang pagmamalupit.

Marami na rin akong naranasang digmaan.

Mabilis akong lumapit kay Andy at walang pasabing niyakap siya. Isa-isa nang tumulo ang aking mga luha. Napa-pikit ako.

"Andy."

Kumalas ako kaagad at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Kay tagal nating hindi nagkita."

Bulong ko, habang hinahaplos ang kanyang mukha. Kamukhang-kamukha niya talaga.

"Aahhh!!"

Lahat kami ay natigagal sa nakaka-binging sigaw na pinakawalan ni Victoria. Napatingin kami sa kanilang direksyon, at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang naka-lutang ang dalawa sa ere.

"VICTORIA!"

Napa-sigaw ako.

"Aahh!"

Nakatakip kaming lahat sa aming mga mata, naguguluhan sa mga nangyayari. Ilang minutong nanatili ang nakakasilaw na ilaw na iyon bago ito dahan-dahang nawala.

Nagulantang ako nang hindi ko na nakita si Victoria at Alexus sa paligid. Bumilis ang aking paghinga sa mga nasaksihan. Anong ginawa ni Victoria? Nasaan sila?

Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nila kanina.

"Nasaan sila?!"

Lumapit din sina Caleb sa aking direksyon.

"They're gone!" sigaw ko at napa-upo sa lupa.

Nasaan na si Victoria?

"Ngunit, patay na ang hari ng Velkan," wika ni Aaron, na tila natulala.

Napa-hikbi ako, hindi dahil kay Alexus kundi dahil kay Victoria. Mahal na mahal niya ang lalaking bampira na iyon, at alam kong gagawin niya ang lahat upang mabuhay ito muli.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon