Megan POV
Tahimik akong naglalakad papunta sa kwarto ni Haven habang naka-ngiti. Now is my chance.
Mabilis akong pumasok sa kwarto niya at hinalughog ang ilan niyang gamit. May hinahanap kasi akong napaka-importanteng dokumento. Ngunit tila wala akong nakita. Tsk! Napaka-maingat talaga ng lalaking ito! Alam kong nasa kanya ang ilang dokumentong pinapahanap ng aking panginoon.
Nainis ako at mabilis na inayos ang nasira kong mga gamit at kinuha ang papeles sa table niya bago ako lumabas na bagsak ang balikat.
Damn it! Kapag wala akong naipakita na kung ano man sa aking panginoon, tiyak na paparusahan ako nitong muli! At ayaw ko noon! Ayokong makadena! Nasisira ang maganda kong pulso!
Mabilis kong tinahak ang kwarto kung saan kami nagpupulong. Nang makapasok ako, tila kaka-simula pa lang nila ng pagpaplano. Napa-ngisi ako ng palihim.
Ñ
Naka-ngiti kong inabot kay Haven ang inutos niyang papeles.
Sahara POV
Tapos na naming napag-alaman ang plano, at tila nagkunwari si Haven na parang kakasimula niya palang sa pagpaplano.
Kaya pala, kasi pumasok na si Megan. I can't believe she's a spy.
Nagkunwari din kami dahil alam na namin ang ipinapahiwatig ni Haven. Kaya matapos ang fake plan discussion niya, nag-pair kami para sa mga gagawin. Marami kaming dapat tapusin, kaya kailangan naming mag-pair para ma-divide ang mga tasks, katulad ng pagkuha ng impormasyon at kahit anong lead sa mga nangyayari. As soon as possible, dapat matapos na namin ang misyon na inatasan sa amin.
"Okay, mag-pair na tayo. Boy and girl," seryosong paliwanag ni Blake.
Tumango kami,
May isang box na nasa harap ni Blake, at ang box na iyon ay naglalaman ng mga pangalan naming mga babae. Ang mga lalaki na daw ang bubunot kung sino ang pair nila sa amin.
Orihinal na plano naman namin ito. Kahit iba ang sinasabi ni Haven na plano kanina nung dumating si Megan, pinagdugtong-dugtong niya naman ang iba para hindi maghinala si Megan.
He's smart, though.
Binigay ni Blake ang kahon ng mga pangalan naming mga babae sa mga kasama niya. Nagsimula na silang bumunot lahat.
Please! Sana hindi ako ang mabunot ni Blake. Ayoko mapunta sa lalaking ito! Hindi ko lubos maisip ang mga mangyayari kapag siya ang pair ko. Psh.
"Nabunot ko si Amara."
Ipinakita ni Marko ang papel na hawak niya na may pangalan ni Amara.
Hindi ko mapigilang mapansin ang lihim na ngiti ni Amara. Hmm, something fishy.
Ang sunod namang tumaas ng papel niya ay si Jonathan, naka-ngiti pa ng malawak.
"Si Miranda."
Ngiti-ngiti pa ito habang si Miranda ay nakasimangot, na tawa na lang ako.
Hindi kasi gusto ni Miranda si Jonathan. Ayaw daw niya sa mga lalaking katulad niya-masyadong masayahin. Maganda nga iyon, pero iba lang talaga ang takbo ng utak nitong si Miranda. Haha.
"Si Andy! Nabunot ko si Andy! Paano ba 'yan, Miss Sungit? Pair tayo! Hahaha!"
Masayang lintanya ni Chase. Napa-tingin ako kay Andy, na tila lumubo ang pisngi nito sa pagpipigil.
Hindi ko mapigilang matawa, ganun din si Amara, dahil sa ekspresyon na ginawa ni Andy.
Napa-tingin ako sa natitirang si Blake at Haven. Tila kinabahan ako sa titig na ibinigay ni Blake sa akin. Huwag mong sabihing siya ang nakabunot sakin!
Please lang! Ayoko nga.
"Nabunot ko si Megan."
Ikling anunsyo ni Blake na siyang ikinahon ko ng maluwag.
Hoo! Akala ko ako na. But wait...
Napa-tingin ako sa gawi ni Haven na nakatitig din pala sa akin.
Ngumiti ito, na siyang ikinagululat naming mga babae.
"Woah! Ngumiti si Haven! See that?"
Hindi makapaniwala na wika ni Amara.
"Hindi kami bulag, Amara. Pwede ba, itikom mo na ang bibig mo?"
Wika naman ni Miranda.
"Ang pogi-pogi pala ni Haven kapag naka-ngiti," sabi ni Andy.
"I think I'm in love!"
Nabalik ako sa huwesyo sa sinabi ni Megan. Nakakainis na siya, ha!
"Well, it's settled. Go to your respective pairs. Gawin niyo na ang naatasang dapat gawin for this morning," wika ni Blake bago lumabas, sinundan lang ni Megan.
Napa-tingin ako sa wristwatch ko; alas tres na ng umaga. Well, ngayon na nga namin gagawin.
"Tara?"
Umangat ang tingin ko kay Haven nang inaya niya ako. Naglahad pa siya ng kamay, kaya naiilang ko iyong tinanggap.
Narinig ko naman ang mga kantyawan ng iba naming kasama sa ginawa niya.
"Ayiee! Bagay kayo!"
"Oo nga!"
"Nice move, pare."
Napapa-iling kaming pareho at lumabas na lang.
Nandito kami ngayon sa labas ng kabuuan ng palasyo, at isa lang ang masasabi ko: Huge! Ang laki ng kaharian ng Lukresha sa puwesto namin dahil halos tanaw namin ang kabuuan nito. Maraming dugtong-dugtong ang palasyo na siyang ikinakalapad nito. Pati dito, kitang-kita ko ang malawak na hardin. Ang ganda tignan! Ang ganda din ng structure ng mga kabahayan, pero natanaw ko ang ilang bahay na natupok ng apoy.
Wala na ang apoy; may nag-apula na.
"Look..."
Napa-tingin ako kay Haven nang magsalita siya sa tabi ko, may itinuro pa siya na siyang sinundan ko ng tingin.
Namilog ang mga mata ko nang may nakita akong grupo ng mga mandirigma sa kalayuan. Mga kawal-mga kawal na bampira-ngunit kaninong kaharian? Para naman atang hindi galing dito sa Lukresha ang mga kawal na iyon dahil iba ang kanilang kasuotan. Mas lalo akong nabigla nang makita kong may kasunod pang mga kawal sa likod nila, at tila napakarami nila na papunta sa direksyon ng Lukresha!
"May madugong labanan na magaganap. Kailangan natin itong ibalita sa hari sa lalong madaling panahon."
Napa-tingin ako kay Haven, ngunit bigla niya akong hinigit.
Nagpatianod lang ako sa kanyang pag-hila. Nasa kalagitnaan na kami ng pagtakbo nang bigla na lang may humarang sa harap namin. Nabalot ng takot ang aking loob, ngunit hindi ko iyon ipinakita sa aking mga mata.
"Mga Nimbus sila, Haven. Wala tayong laban sa mga Nimbus."
Mahina kong bulong sa katabi kong si Haven, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay.
Mas malakas ang mga Nimbus kaysa sa mga Feliece dahil mas grabe ang kanilang pagsasanay kumpara sa amin. Mula pagkabata, sinanay din sila gaya namin, pero triple ang kanilang mga pagsasanay kung ikukumpara sa amin.
'Don't be afraid.'
Napa-tingin ako sa seryosong mukha ni Haven nang magsalita siya sa isip ko gamit ang telepathy. Ngunit mas nabigla ako sa sinabi niya. Hindi dapat ako matakot...?
Ngunit... bakit parang narinig ko na ang mga salitang iyon? Bakit napaka-pamilyar ng mga salitang iyon?
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampiroVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)