CHAPTER 48- FLASHBACK

328 19 1
                                    

Sahara POV

Ramdam kong bumibigat na ang aking katawan dahil halos mawalan na ako ng lakas. Inangat ko ang tingin sa harap at tinapunan ng tingin ang mga nasa taas.

Kay lupit. Ang pagtatag ba ng isang tribo ay kasumpa-sumpa? Lihim akong napatawa sa sarili.

Tama nga siguro, dahil ang mga napupunta sa tribong iyon ay mga kasumpa-sumpang nilalang na pinatapon lamang ng kanilang mga ama dahil sa walang kwentang kadahilanan.

Katulad ko... isang babaeng kasumpa-sumpa.

"S-sahara?"

Napalingon ako kay Andy, puno ng luha ang kanyang mukha.

"T-tahan n-na." Pilit akong ngumiti.

Huminga ako ng malalim at nagpumiglas sa mga taling nasa aking kamay.

Tumigil ako sa pagkalas nang tila pansin kong tumahimik ang buong silid. Iwinaksi ko ang aking mukha upang mabaling sa ibang direksyon ang buhok na humarang sa aking mga mata.

Nahintatakutan ako sa mga matang inihahagod ang tingin sa aking kabuuan. Napaangat ako ng tingin sa kisame na unti-unting nagsasara. Nagtaka ako,

H-hindi pa ako patay?

'P-paano?'

Napapikit ako at muling nagmulat. Buhay nga ako!

"Get her the fuck out of there! Putsangina!"

"Cut those fucking chains! Hurry! Damn it!"

"Calm down, Alexus! Calm down-FUCK!"

Tila nabingi ako sa tatlong lalaking sumigaw.

Parang bumagal ang pagkilos ng paligid, at tanging nakikita ko ngayon ay ang paglapit ng apat na lalaki sa aking kinaroroonan. Ang mas ikina laki ng aking mga mata ay ang pagsalubong ng aking tingin sa isang lalaki na may maiitim ngunit nanabik na mga mata.

'A-anong?'

Eagan POV
(Let eagan win the spotlight >0< fafa eagan w/ 8 abs daw)

"Si Alexus?"

Nilibot ko ang tingin sa loob ng malawak na silid. Naabutan ko lang si Caleb na nag-iisa sa sulok, at nagkibit-balikat lang siya saka inirapan pa ako. Sarap hambalusin ng gago para magtino at galangin din ako. Inggit lang ang taong ito kasi marami akong chicks kaysa sa kanya.

"Eh si Aaron? Asan?"

Umupo ako sa isang swivel chair.

"Aba, malay ko! Ako ba tagahanap ng mga nawawalang bampirang tarantado katulad mo?" sagot ni Caleb.

Masama ko siyang tinignan, pero napapasipol lang ito habang nasa loob ng bulsa niya ang kanyang dalawang kamay.

"Eh san ka naman pupunta?"

Balak ata umexit ng gago.

"Hahanapin ang mga nawawalang tarantado. Kailangan na nating umalis para lusubin ang kaharian ng Lukresha."

Napa-tango ako at sumunod sa kanya sa paglabas.

Naabutan namin ni Caleb sina Aaron at Alexus na tila nag-aaway sa malawak na pasilyo papuntang labasan ng palasyo. Ano naman ang bagong problema ng mga to?

Hindi ba sila nauubusan ng pasensya sa pag-aaway? Tss. Mabuti nga at nagtatalo lang sila at hindi nag-aaway. Kaya magpasalamat ka, Eagan; noong isang daang taon, halos mamatay si Aaron sa pambubugbog sa kanya ni Alexus. Well, past is the past.

"Yoowww! Pareng Aaron! Pareng Alexus! Anong ganap? Ha? Para kayong mga aso't pusa nanaman, problema? Care to share?"

Napapa-iling ako sa malakas na tinig ni Caleb.

Hindi lang pala malaki ang ilong; pati bunganga, ganon din. Hays! Lumapit kami sa dalawa na blanko na ang tingin sa amin ngayon. Aba! Malaki nga ang problema ng dalawa!

"Ayaw niyo mag-share? Aba, ang dadamot! Lunukin niyo nalang ng sagad at wala na akong paki! Saka may pupuntahan pa tayo," sabi ni Caleb.

"Handa na ang mga kawal at nagbigay na ako ng cue para magsimula na silang maglakbay patungo sa hilaga. Susunod na tayo," gatong ko naman.

Pero ang dalawa ay tumango nga lang.

"Let's go."

Malamig na turan ni Alexus.

Brr! Sa halos isang daang taon mula ng mamatay si Victoria, naging ganito na siya. Hindi na siya ang dating mapaglarong prinsipe; saka hindi na siya ngumingiti, na syang ikinalungkot namin. Mas naging masungit na ito lalo, saka ang lamig pa ng pakikitungo kahit sa amin at sa kanyang ama. Kaya hinahayaan nalang namin siya, pero...

Swabeng gwapo pa rin naman ako, at ganon pa rin, gwapo! Lumaki din ang mga muscles ko pati na ang abs ko. Ilang training ba naman ang ginawa ko nitong isang daang taon.

Marami-rami na rin akong nakokolekta na chicks, kaya sobrang saya ko; iba-ibang lahi pa ang mga yon. Hahaha!

Halos tatlong oras ang aming nilakbay bago makarating sa kaharian ng Lukresha. Balak ni Alexus na parusahan ang hari na namumuno dito dahil napag-alaman namin na itinaguyod nito ang tribong sinambit nito noon na hindi sinang-ayunan ni Alexus. Tatanga-tanga din ang haring ito, e no?

"Psst!"

Bumaling ako kay Caleb.

"O?"

Walang gana kong sagot saka lumabas sa kotse ko. Lalakarin na kasi namin papasok ng Lukresha.

"May nakita akong dalawang bulto malapit-lapit dito, naharangan na naman ng mga Nimbus."

Tumango ako.

Nakita ko sa likod namin ni Caleb sina Aaron at Alexus. Nauna namang naglakad si Alexus, kaya sumunod na lang kaming tatlo sa likod niya, may tatlong Nimbus naman sa likod namin.

Natigil ako.

"Teka? Si Haven yon diba? Yung tarantadong kapatid ni Klinton! Puta! Yari sa akin ang gagong to!"

Nangigigil kong bigkas nang namataan ko si Haven kasama ang isang babae.

Naabutan namin silang magkayakap. At talagang may kayakap pang chicks ang mokong! Pero teka? Sino namang chicks ang yakap-yakap nito?

"What a scene," walang emosyon namang wika ni Alexus sa unahan. Kitang-kita niya talaga, nasa harap siya e.

Bitter pa naman ang lalakeng ito. Pfft.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon