Sahara POV
Maingat kong iminulat ang aking mga mata. Nagulat ako. Buhay pa ako? P-paano?
"Sahara? Gising ka na!"
Humahagulhul na niyakap ako ni Andy na nasa tabi ko lang pala.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Parang nasa isang selda kami o kulungan; madilim ng kaunti, pero nakikita ko naman ang paligid.
Pinakiramdaman ko ang aking katawan. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong maramdamang sakit; baka naghilom na ang mga sugat ko.
"Andy, bakit tayo nandito?" takhang tanong ko sa umiiyak paring si Andy.
Hindi din nga ako makapaniwala na iiyakan niya ako. Ang luha ng mga bampira ay banal; maaari itong gamitin bilang kasangkapan sa anumang mahika o pagsasalamangka, pati na rin sa pag-eeksperimento.
"Dinakip nila tayo," tumatangis na wika ni Andy.
Nagtataka ako, bakit naman? Ang akala ko papatayin nila kami?
"Ilang araw ka ding walang malay; akala ko nga hindi ka na gigising."
Ilang araw?
"Ilang araw na tayong nandito?" tanong ko.
"A-ang mga kasama natin? Sila Miranda? Nasan sila?" sunod-sunod kong tanong.
"Dinakip ang ilan sa ating mga bihag, pero hindi ko alam kung nasaan sila. Basta ang alam ko, dinakip din si Chase, at wala na akong alam sa iba nating kasama. Alam kong dapat magpakatatag ako, p-pero Sahara, natatakot na ako. Baka anong gawin nila sa atin."
Mabilis kong niyakap si Andy nang muli itong umiyak. Natatakot din ako, Andy, pero wala akong magagawa kundi ang magpakatatag.
"B-bakit parang nakakaramdam ako ng kahinaan? Parang ang hina-hina ng pakiramdam ko sa aking sarili. A-ano bang nangyayari sa akin mula nang mawalan ako ng malay?"
Hindi ko mapigilang itanong dahil pakiramdam ko para akong nawalan ng lakas, pero nakakakilos pa rin naman. Lumungkot ang mukha ni Andy.
"M-may pinainom sila sa'tin. Hindi ko alam kung ano iyon, pero pinilit nila akong pinainom. Noong mainom ko iyon, nakaramdam ako ng hilo, at kalaunan, hindi ko na maramdaman ang kapangyarihan ko. Hindi ko na magamit para makatakas tayo. H-habang ikaw, pinainom din nila kahit wala kang m-malay," mahabang paliwanag niya.
Napa-hawak ako sa aking noo nang tila sumakit iyon. Napatingin ako sa rehas nang may narinig akong ingay mula doon.
Binalot ng kaba ang aking dibdib nang may namataan akong mga kawal na papunta dito sa aming selda.
Nakangisi ang mga kawal habang nakatingin sa amin.
"A-anong gagawin niyo sa amin? Ano ba!?"
Nagpumiglas ako nang hinawakan ako ng mga kawal matapos buksan ang rehas at pumasok. Pero para lamang kaming mahihinang nilalang dahil mabilis nila kaming nahila ni Andy.
"Bitawan niyo kami! Aahh!" rinig kong sigaw ni Andy.
Natatakot ako.
Hinila nila kami palabas ng selda at dinala sa hindi namin alam kung saan. Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa malaking chandelier sa taas. Narito kami sa isang malawak na pasilyo; napakalawak kaya wala akong makitang anumang kagamitan kundi ang malawak na espasyo.
Mahigpit akong hinawakan ng isang kawal sa likod. Nakaramdam ako ng kahinaan; namumungay na ang mga mata ko, tila isang pitik na lang at mawawalan na ako ng ulirat. Pati ang buhok ko, natatabon na sa mukha ko. Pero hindi maaari.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)