Sheila
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Victoria, nang makabalik ako kanina kasama ang doctor at naabutan namin itong tila namimilipit sa sakit sa kanyang ulo.
Mabuti na lang at pinatulog siya ng doctor. Sinabi ko sa mga doctor ang napansin ko mula ng gumising siya kaya gumawa sila ng sunod-sunod na test kay Victoria.
Hindi ko mapigilan umiyak. Wala na si Andy at heto nasa ospital naman si Victoria. Nagsimula lang ito ng tinanggap nilang dalawa ang offer ng nagre-recruit sa kanila. Napansin ko namang gumalaw ang kamay ni Victoria at dahan-dahan itong nagmulat ng mata. Napa tayo ako sa pagkaka-upo at inalalayan siyang maupo, nilagyan ko ng unan ang likod niya.
"Victoria, okay na ba ang kalagayan mo? Ang sabi ng doctor maaari raw na nagkaroon ka ng amnesia. Pero huwag kang mag-alala ang sabi din ng doctor babalik din ang nawalang alaala sayo. Hindi lang matukoy kung kailan pero babalik ang mga alaala mo."
Hinaplos ko ang likod niya.
"O-okay na ako, Sheila. Salamat." Ngumiti ito sa akin kaya napa ngiti na rin ako.
Victoria
Ilang araw na rin ako nakapag-discharge sa hospital, at nandito ako ngayon sa kusina. Naghahanda ako ng almusal bago pumasok sa eskwela.
"Good morning, Victoria." Tumango naman ako sa bati ni Sheila. Naka-bihis na itong uniporme namin. College na kami at tatlong buwan na lang ay gragraduate na kami bilang isang accountant.
Napapangiti ako sa imahinasyon pumasok sa aking isipan. Matatapos na rin ang paghihirap ko para lang makapagtapos.
Napahawak ako sa bendang nasa ulo ko. Hindi na rin masakit ang sugat ko pero wag ko daw kunin sabi ng doktor.
"Ako na diyan, maghanda ka na. Papasok na tayo baka ma-late pa tayo."
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
"Okay ka na ba, Victoria?"
"Bakit ka pumasok? Baka sumakit ang ulo mo."
Napangiti ako sa mga kaklase kong naging malapit sa akin.
"Okay na ako. Ang sabi ng doctor, humihilom na daw ang sugat ko. H'wag kayong mag-alala."
Nakangiti kong paliwanag sa kanila.
"Class, settle in."
Bumalik na naman ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang upuan ng pumasok ang aming guro.
...
"Victoria!"
Napatingin naman ako kay Sheila na tumatakbo papunta sa akin. Natawa pa ako ng muntik itong matisod.
Sa aming magkakaibigan si Sheila lang ang may maginhawang buhay. Habang kami ni Andy ay nabuhay sa hirap.
Nakangiti ako habang tinitignan siyang lumapit sa akin. Nandito kasi ako sa cafeteria nakapila kaya hindi ko siya mapuntahan.
Napahawak ako sa babaeng nasa harap kong nakapila ng tila umikot ang paningin ko.
"Ugh!" Daing ko ng matumba ako at unti-unting mawalan ng ulirat.
Nagising akong nasa loob ng clinic, walang tao. Napahawak ako sa ulo kong tila umiikot na naman ang paningin na parang magkakaroon ako ng sakit.
"Gising ka na pala, Miss Sanchez."
Napatingin ako sa kakapasok lang na school nurse.
"Nahihilo ka pa rin ba?"
Tanong nito sa akin. Tumango ako. Napahawak ako sa tiyan at bibig ko ng tila parang naduduwal ako.
"Paprangkahin kita, Ms. Sanchez. Bakit ka nagpa-buntis? Tatlong buwan na lang at gagraduate na kayo."
Nanlalaking mata kong tinitigan ang nurse. B-buntis? No... Paano ako nabuntis? Wala akong kasintahan at mas lalong wala akong lalaki naging kilala upang magtalik!
"M-ma'am? Baka nagkakamali ho kayo. Paanong buntis ako? Hindi po ako nakipagtalik kahit kanino!"
Napahawak ako sa tyan ko. M-may... may namumuong bata dito? Pero paano nangyari to?
"As far as I know, nagkaroon ka daw ng amnesia. Maaaring nakalimutan mo rin kong bakit buntis ka ngayon."
Seryosong pahayag ng nurse sa akin. Ngunit naguguluhan parin ako.
Pina-uwi ako ng nurse kaya nandito ako ngayon sa children's park, naka-upo ako sa duyan habang hawak ko ang aking tiyan.
"I'm a week pregnant." Mahina kong ani. I can't believe this!
I-I want to know what happened. But why... why can't I remember? Gusto ko rin malaman ang nangyari kay Andy. Bakit siya namatay, anong nangyare? I'm clueless,
Na-pokpok ko ang aking noo. What should I do now? I can't just abort my child. Kahit anong nangyari anak ko parin ito.
Napatingala ako sa langit. Dumidilim na rin at alam kong hinahanap na ako ni Sheila sa apartment na inuupahan namin.
Pero, ayoko munang umuwi. Napayakap ako sa sarili ko at napapikit.
"It's getting cold. And why, a pregnant lady like you still hanging around here?"
May naramdaman akong pumatong ng jacket sa aking braso. Napalingon ako sa naglagay, dahan-dahan siyang lumapit sa harap ko habang ako ay nasa duyan parin. Napatingala ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko,
"Who are you?"
This man is giving me goosebumps! Naka itim na cap ito at naka mask.
"This is the third time you ask me that. Did you forget?"
Nagulat ako ng bahagya ng lumuhod sya sa harap ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nya akong niyakap sa tiyan.
"Hoy! A-anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!"
Napa-tayo ako at pilit siyang kalasin sa pagkakayakap sakin na syang nagawa ko naman kaya dali-dali akong tumakbo palayo.
Sa panahon ngayon, napakarami na ang mga manyak!
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)