AUTHOR'S POV
Umawang ng malaki ang butas mula sa kisame, at lahat ng sinag ng araw na nagmula sa labas ay nakatutok sa hari. Tahimik na nagmamasid ang ilang mga kataas-taasang panginoon na nasa ikalawang palapag, pinapalibutan ang entablado. Hindi namamalayan ni Andy at Sahara na naroroon ang iba nilang kasamahan sa kumpol ng mga bampirang nasa unang palapag.
Wala silang magagawa; humahanap sila ng tiyempo upang iligtas ang dalawa, pero tila hindi umaayon sa kanila ang panahon. Napa-kuyom ng kamao si Haven, katabi sina Marko, Amara, at ang nakatakas na si Blake. Nailigtas na nila si Chase at Miranda, ngunit nahuli sila sa plano para kay Sahara.
Hindi napigilan ni Sahara ang pag-angat ng tingin sa haring nasa pader, dahil muling nagsara ang kisame. Nagulantang siya nang makita na puro abo na lang ang nasa sahig.
Tuluyan na ngang nawala ang hari sa kanilang harapan.
"Isunod ang mga babaeng Feliece, itali sila sa pader!"
Utos ng taga-anunsyo.
Sahara POV
Natulala ako sa nasaksihan; wala na ang hari... at w-wala kaming nagawa. Napa-igik ako sa malakas na hawak ng isang kawal at iniangat ako nito upang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
"N-no! Huwag si Sahara! W-wag!! Please!! Sahara!"
Pilit akong hinahawakan ni Andy at hinihila palapit sa kanya, pero isang tadyak ang natamo niya mula sa isang kawal.
Napa-hagulhul ito habang nakahiga sa sahig, namilipit sa sakit.
Tila isa naman akong lantang gulay at hinayaan akong itinali sa pader, katulad ng hari.
Umangat ang aking mga braso nang maitali ako sa kadena sa itaas; ganun din ang ginawa nila sa aking mga paa, itinali rin nila ito gamit ang mga kadena.
Rinig ko ang mga sigaw ni Andy, kaya napa-lingon ako sa kanya.
"Ayon sa pagkilatis, ang babaeng ito ay isa sa mga tribo ng Feliece. Isa ring kamatayan ang igagawad sa kanya."
Umangat ang tingin ko sa nagsalitang taga-anunsyo bago tumingin sa gawi ng kataas-taasang hari sa itaas kasama ang iba niyang mga kasamahan.
Napaka-seryoso pa rin nito habang nakatingin sa aking gawi. Napa-pikit ako. Ito na ba?
Napa-ngiti ako ng wala sa oras. Bakit parang nasasaktan ako sa malamig na titig ng tinatawag nilang kataas-taasang hari? Tila nababaliw na nga ata ako.
"Buksan na ang kisame!"
Parang nabingi ulit ako sa sigaw na iyon.
"SAHARA!!!"
Umangat ang tingin ko sa taas ng kisame.
Umawang ito ng paunti-unti; sumalubong sa aking mga mata ang sinag ng araw.
"Aaaaahhhhhh!!!!"
Hiyaw ko nang tumama sa aking mukha ang mainit na liwanag.
Ang sakit! Sobrang sakit ng mukha at leeg ko!!
"Aahhh! Aaaahhh!"
Tila napapaso din ang buo kong pagkatao.
AUTHOR'S POV
Isang malakas na sigaw ang pumailalim sa bawat sulok ng silid. Pilit namang kumawala si Haven sa mahigpit na gapos ni Blake at Marko upang lapitan ang nahihirapang dilag sa harap.
Puro sigaw at nagmamakaawa ang isinisigaw ni Andy sa mga kawal at sa mga bampirang naroon, ngunit tila walang nakakarinig sa kanyang mga sigaw.
"PAKIUSAP! TAMA NA! TAMA NA!!! PAKIUSAP!"
Hiyaw ng dalagitang si Andy habang rumaragasa sa pisngi ang walang humpay na luha.
"Aaaaarghhh!! AAAHHHHH!"
Hindi mawari ng dalaga kung saan ibabaling ang mukha, dahil unang tila nasunog ang kanyang balat. Halos humiyaw sa saya ang mga bampirang nanonood.
Nagsimulang magtaka ang ilan kung bakit hindi pa nasusunog ang buong katawan ng dalaga, dahil halos bukas na ang kisame at tirik ang araw sa kanya.
"Aaaahhh! Hah! Hah!"
Habol ng dalaga ang hininga at napayuko. Nagtaka na ang ilan, pati ang mga katabi ng kataas-taasang hari.
Tila nadakip ng dalagita ang kanilang atensyon, kaya napatitig sila ngayon sa nakayukong dalaga na tila nasa isang spotlight.
"S-sahara..."
Impit na tawag ni Andy sa nakayukong dalaga. Parang naubos na ang lakas nito sa kakasigaw at pagmamakaawa na tigilan na ang ginagawa sa kaibigan.
Bilad na siya sa araw, pero hindi na ito nasusunog. Na siyang nakakapagtaka.
Nagsimulang umugong ng samu't saring komento ang silid ng Levere.
Maingat na inangat ng dalaga ang mukha sa harap, na halos ikinasinghap ng lahat.
Isang napakagandang dilag ang kanilang nasisilayan; ang mapuputi nitong balat ay kumikislap sa araw, na nakakuha ng kanilang pansin, pati na rin ang mapupulang labi na parang rosas, at ang perpektong hugis ng mukha, kasama ang maliit at napaka-tangos na ilong. Ang mamumungay at magaganda nitong mga mata ay tila nakikiusap.
Wala na ang benda nito sa mukha, kaya nasisilayan na ng nakararami ang angking kagandahan at alindog ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirgeschichtenVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.