CHAPTER 44- ANG PAGLUSOB SA LUKRESHA

287 17 0
                                    

Sahara POV

Napa-singhap ako nang mabilis na pinalibutan kami ng mga Nimbus, mga nasa walo din ang dami nila. Aisshh!

"Sasakupin namin ang kahariang ito, at kung isa kayo sa mga mamamayan ng Lukresha, tiyak ang inyong kamatayan."

Nanindig ang balahibo ko sa malamig na tinig ng isa sa kanila.

Nanlilisik ang mga mapupulang mata nila, at hindi ko mapigilan ang matakot ng kaunti. Buong buhay ko, nakakulong lamang ako sa malawak na tribo. Maari ngang sinasanay kami kada buwan, pero hindi ko naramdaman ang ganitong katinding panganib. Hindi pa ako gaanong kalakas; ni hindi ko alam ang kapangyarihan ko. Ang alam ko lang ay mayroon akong katangian ng isang bampira. Yun lang.

'Stay beside me, okay?'

Napa-tingin ako kay Haven, ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa mga pumapalibot sa aming mga bampira.

"Dakpin sila," rinig kong utos ng isa.

Naalarma ako nang tila inambahan ako ng hawak ng isa sa kanila, ngunit mabilis akong hinawakan sa braso ni Haven at dinala sa mga bisig niya.

Natuod ako. Umangat ang aking tingin sa seryosong mukha ni Haven. Ramdam ko ang malamig niyang palad na mahigpit ang hawak sa aking beywang. Tila tumigil ang paligid habang nakatitig ako sa maamo ngunit gwapong mukha ng bampirang naka-akap sa akin.

A-ano ba itong nararamdaman ko?

"I won't allow any of you to touch her." Bumalik ako sa realidad.

Nilibot ko ang tingin sa mga Nimbus at napansin kong naka-ngisi sila.

"H-Haven... we are outnumbered," mahina kong bulong.

Totoo, hindi namin kaya ang walong malalakas na Nimbus na kami lang dalawa. Ramdam ko pa lalo ang paghigpit ng hawak ni Haven sa aking beywang.

"Haven."

Tawag ko sa kanya, ngunit nanatili siyang bato.

"What a scene."

Naninindig ang balahibo ko sa narinig na boses na tila kulog mula sa langit.

Naging mabilis ang pagtibok ng aking puso sa hindi ko malamang kadahilanan. Napa-pikit ako at idinikit ang mukha ko sa malapad na dibdib ni Haven, na tila ayokong makita ang taong nagpa-tindig ng aking balahibo at ang nagpa-tibok ng puso ko na tila hinahabol ng mga leon.

"Don't be afraid, I'm here."

Hindi ko alam kung kakalma ba ako sa tinuran ni Haven o makikinig sa mga boses na nagmula sa aking isip.

Napa-hiyaw ako sa biglaang paglakas ng hangin.

Andy POV

"Aargh! Fuck! Let me go!"

Napapikit ako matapos tingnan ang nagpupumiglas na si Chase habang hawak ng mga malalaking kawal na nakapasok dito sa loob ng palasyo.

Kaming dalawa ni Chase ang naatasang bantayan ang hari, ngunit nabigo kami. Ang mga kawal ng hari na parating sumusunod sa kanya ay hindi pala totoong mga kawal. Bago pa kami makagawa ng kilos, mabilis kaming pinalo sa likod at tinalian. Inunahan na kami bago pa kami nakalaban. Aish!

"Chase!"

Napa-hiyaw ako nang bumulagta ito sa sahig dahil sa atake ng isang kawal.

Kahit nakatali ang kamay at paa, pilit akong lumapit sa kanya.

Naka tayo lamang ang mga kawal sa aming harap.

Nang mag dampi ang balat namin ni Chase ay napangiwi ako. Sobrang init nya!

Nakita ko syang namamawais na at tila namumula ang buong katawan dahil sa init. Napa angat ang tingin ko ng humalakhak ang isang kawal.

'Fire user' Damn him!

"C-chase..." 

Nag aalala kong tawag sakanya, kahit naiinis ako sa lalaking ito ay may awa pa din naman ako!

"Who are you?! Bakit niyo ito ginagawa sa hari?! Isa itong kalapastanganan!" narinig ko ang malakas na hiyaw ng hari habang nakatali siya sa paanan ng kanyang trono.

Wala kaming nagawa dahil mabilis ang mga pangyayari. Nainis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa!

Ngunit nagtataka ako kung bakit hindi pa nila kami pinaslang, at tila may hinihintay pa sila.

"Chase..."

Naaawa ako sa kanya; nanginginig na siya sa init.

Shit! Kailangan ko itong gawin! I'm sorry, self!

Mabilis akong lumapit kay Chase, specifically sa mukha niya. Hinalikan ko siya. Humihip ako ng malamig na hangin sa bibig nito upang mawala ang init na pumasok sa katawan nito.

Yes, I'm an ice user. Mabuti na lang at nandito ako, kundi patay na ang bwisit na lalaking ito.

Nang magmulat ako, kitang-kita ko ang mga mata niyang napakalaki sa pagkamulat. Tss, nagulat ata siya. Who cares? E ako nga itong nagsakripisyo ng aking unang halik.

"Okay ka na ba?"

Mahina kong tanong, ngunit isang tango lang ang tugon niya, pero gulat pa rin.

"Ipasok ang mga yan!"

Napalingon ako sa mga pumasok sa loob ng trono ng hari. May mga kawal na pumasok; kasunod noon ang mga muchacha dito sa palasyo at ang ilang kawal na puro sugatan. Ipina-upo silang lahat sa gilid, hindi kalayuan sa amin ni Chase. Malaki ang pasilyong ito kung saan naroon ang trono ng hari.

Napapitlag ako nang makarinig ng sigaw.

"Bwisit ka! Let me go! Papatayin ko muna ang babaeng 'to! Napaka walangya mo!"

Napatingin ako sa sumunod na pumasok.

Si Miranda kasama si Jonathan, na halos masakop na ang buong katawan ng tali. May nakasunod sa kanya si Blake, na tahimik na sumusunod, at minsang tinutulak pa ng mga kawal. May tali din siya sa katawan kasama ang dalawang braso. At ang mas ikinainit ng ulo ko ay ang kasama ng mga kawal na lumusob dito, ang bruhildang si Megan! Walangya! Pangisi-ngisi pa siya habang nakatingin kay Miranda.

"Guys!"

Sigaw ko sa kanila. Itinulak naman sila sa kumpol ng mga alipin na unang ipinasok.

Natahimik ako nang nakaramdam ng isang nakakapanindig-balahibong aura. Shit! What is this?! Ramdam ko rin ang pagtaimik ng lahat. Ang mga kawal na nagbihag sa amin ay nakaluhod na ngayon at tila nag-aantay sa nilalang na papasok sa loob ng malaking pinto.

Nanindig ang aking mga balahibo nang pumasok ang isang makisig ngunit nakakatakot na nilalang. Nasa likod niya ay may kasama siyang mga lalaki at nasa likod nila ang halos sampung nimbus.

Sino siya? Sila? Bakit may kasama siyang nimbus? Ano nang mangyayari sa amin?

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon