Victoria
"You're pregnant?!"
Napa-pikit ako sa sigaw ni Sheila. Tumango lang ako.
"So, totoo nga? Halos kumalat sa buong eskwelahan ang balitang buntis ka daw, Victoria!"
Tahimik at walang imik lang akong naka-upo sa aking kama sa loob ng kwarto ko. Nang maka-uwi ako wala pa si Sheila kaya dumiretso ako sa banyo para maglinis ng sarili at ng matapos kong magbihis ay bigla nalang sumugod si Sheila papasok sa kwarto ko.
"Hindi ko rin alam, Sheila. Nagulat din ako ng malaman ko iyon." Malungkot kong ani.
Rinig ko siyang bumuntong hininga.
"So, anong plano mo?" Pumikit ako at nagmulat.
"Hindi ko ipapalaglag ang bata, I will continue my studies. At tsaka tatlong buwan na lang graduate na tayo."
Ngumiti ako kahit na nababahala na ako sa maaaring mangyayari sakin simula ngayon. Napa-tayo ako sa aking kama at kinuha ang pregnancy test sa banyo.
"Hindi ako makapaniwala, Sheila. Magiging mommy na ako." Napangiti akong nakatitig sa hawak ko. Hindi dapat ako maging malungkot, biyaya ito ng panginoon sa akin.
Kaya ko to.
"Ghad, Victoria! I really can't believe it! Ginahasa ka ba? Kilala mo ba ang lalaking gumahasa sayo? Tell me!"
Sunod-sunod akong napa-iling, wala akong maalala. At natatakot ako. Rinig kong bumuntong hininga siya at lumapit sakin.
"Sige, ganito nalang. H'wag mo munang pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat, may oras pa tayo. Don't worry, tutulungan kita. Hindi kita pababayaan, ikaw nalang ang natatanging kaibigan ko na itinuturing kong kapatid kaya walang iwanan."
Napa-ngiti ako sa sinabi ni Sheila, lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Napapikit ako. Kahit anong pait ng mga karanasan ko sa buhay nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya sa gitna ng aking paghihirap. Tinulungan niya ako, kami ni Andy. Kaya naging malapit kami sa isa't-isa kahit napaka laki ng puwang niya mula sa amin, pero tinuring nya kaming mga kapatid. Napaka swerte namin na nakilala namin siya. Napa-luha ako.
"Salamat. Napakaraming salamat, Sheila. Kong nandito lang si Andy." Napa-hagulhul ako at mahigpit pang niyakap ito.
"Sshh. Tahan na." Tumango-tango ako.
Maaga kaming pumasok ni Sheila sa eskwelahan para maiwasan ang mga pangungutya, marami daw kasing nagchichismisan tungkol sakin. Pero hindi namin maiwasan na may mga naunang estudyante kaysa samin. Napa-yuko ako habang tinatahak namin ni Sheila ang lobby papaunta sa kwarto namin.
"Akala ko ba mahinhin yan? Ba't nabuntis?"
"Running for Summa Cum Laude yan diba? Sayang naman."
"Sirang-sira na image nyan. May kati rin palang tinatago."
Hindi ko napigil ang pag-patak ng isang butil ng luha mula sa aking mata. Mabilis ko itong pinahid.
"Don't mind them." Rinig kong bulong ni Sheila sakin.
Nakarating na rin kami sa classroom namin, umupo ako sa tabi ni Sheila sa gitnang row. Inayos ko ang gamit ko ng maka-rinig na naman akong mga bulong. Ba't pa sila bumubulong? Rinig na rinig ko naman.
"Si Victoria nabuntis daw." Rinig ko itong humagikhik.
"Talaga? Nauna pang nabuntis kesa sa mga malalandi dito? Aba, hindi makapag-hintay."
Tumawa ito ng mahina.
"Sshh. nakatingin sya."
Napa-tingin nalang ako sa harap. Ilang minuto lang ay pumasok na ang aming guro. Si Sir Jones ang binatang guro namin dito. He's only 24 at naging guro na ito.
Napansin kong napatingin ito sa akin.
"Good morning." Seryoso nitong bati at nagsimulang mag-klase sa harap.
Hindi ko na pinansin ang mga babaeng pinag-chichismisan ako at tinuon ang atensyon sa pagtuturo sa harap.
Ngunit nangunot ang noo ko ng minu-minuto akong binibigyan ng tingin ni Sir Jones.
Tumunog na ang bell kaya tumigil sa pagtuturo si Sir sa harap. Kaya isa-isa naming inayos ang mga gamit namin dahil break na namin.
"Ms. Sanchez, please follow me in my office." Napa-tingin ako kay Sir ng diretso lang ito palabas.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampiriVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.