Sahara POV
Sinimoy ko ang sariwang hangin sa hardin ng palasyo. Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kanina, kaya't napangiti ako. Malalim na ang gabi ngunit napaka-liwanag ng buwan. Inabot ko ang isang kulay pulang rosas at ito'y pinitas. Walang tinik ang rosas na ito, kaya’t mabilis akong pumitas at inamoy ito.
Napapikit ako at ninamnam ang magandang halimuyak nito.
"Ang bango."
"Kay gandang binibini. Ano ang iyong pangalan?"
Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig at namangha ako sa kakisigan ng lalaking ito. Puti ang buhok nito ngunit naka-tali, at hindi gaanong mahaba. Nakatayo siya sa aking harapan, malawak ang ngiti sa akin.
Nagtaka ako ngunit ngumiti.
"Sahara, sahara ang aking pangalan, binata," naka-ngiting tugon ko.
Tila nahiwagaan yata ang lalaking ito, dahil bahagyang umawang ang mga labi nito.
"Kay gandang dilag. Ako nga pala si Alexandro, handang maging alipin mo habang buhay. Handang maging alipin ng iyong pag-ibig."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa pagbibiro nito.
"Anong ibig mong sabihin? Anong alipin ng pag-ibig? Nakakatawa ka, binata." Bahagya akong natawa, ngunit tinitigan niya lamang ako nang matagal.
Nakaramdam ako ng kilig sa kakaibang titig nito.
"Hindi ako nagsisinungaling, binibini."
Hinawakan niya ang isang palad ko at hinalikan ang likod nito.
"SAHARA!"
Dumagundong ang boses ni Alexus, na tila kidlat na tumama sa lupa. Mabilis akong lumingon sa kanya, at ang madilim na mukha at aura nito ang aking nasaksihan. Napa-singhap ako sa takot at nabitawan ang hawak na rosas.
Mabilis siyang nakalapit, at higpit na hinawakan ang aking beywang.
"Stay away from her," diin niyang babala kay Alexandro.
Ngunit si Alexandro ay ngumisi lamang.
"Hindi ko alam na pagmamay-ari mo pala ang isang napaka-gandang diyosa na ito, Alexus." Panimula nito, tinitigan ako.
"Napaka-amo ng kanyang mukha kaya ko siya napansin. Patungo na sana ako sa iyo, ngunit napahinto ako upang tanawin ang isang napaka-gandang tanawin. Maari mo ba siyang ihandog sa akin?"
Napa-tiim bagang si Alexus sa huli nitong salita, at ramdam kong humigpit ang hawak nito sa aking beywang. Nahintakutan ako ng biglang pumula ang mga mata nito at mabagsik na binalingan si Alexandro.
"Hinding-hindi ko siya ihahandog sa iyo, Alexandro. Kaya umalis ka na, lisanin mo na ang Velkan kung gusto mo pang mabuhay. Wala na akong pakialam sa pakikipag-ugnayan ng ating kaharian."
Nagtitimpi niyang bigkas.
Tumawa si Alexandro at binalingan kami ng tingin. "At sa iyong akala ay nandito ako upang makipag-ugnayan sa iyo?"
Nagulat ako nang mabilis na sumulpot sa kawalan ang purong naka-itim na bampira. Nakatakip ang kanilang mga mukha at pinapalibutan sila ng itim na usok.
"Naghahanap ako ng magiging reyna, Alexus. At ang babaeng bampira na iyan ang aking napili. Nais ko siya upang maging aking kabiyak."
Mabilis na nawala ako sa hardin at halos magulantang ako nang matagpuan ang sarili ko sa isang silid, nakakulong. Hindi ko mabuksan ang pinto, at ikinabahala ko ito. Paano na si Alexus? Baka may mangyaring masama sa kanya!
![](https://img.wattpad.com/cover/230670416-288-k67004.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampiriVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.