Victoria POV
Pitong buwan na akong buntis at nahihirapan na ako dahil lumalaki na ang umbok. Nandito ako sa likod ng mansyon ni Alexus, nakaupo habang humihiga sa ilalim ng isang puno. Hindi ko alam ang tawag dito, pero bumubunga ito ng mga bulaklak at ang bango. Napapikit ako nang tangayin ng hangin ang ilang hibla ng aking buhok. Gusto ko ang lugar na ito dahil napaka-sariwa ng hangin.
Dito ako nagmumuni-muni kung kamusta na kaya ang school at si Sheila. Pero sa ngayon, si Alexus ang laman ng isip ko. Ayokong aminin, pero parang nahuhulog na ako sa kanya. Tama ba ang nararamdaman ko? Paano kung gusto ko siya, pero hindi niya ako gusto? Sa mga nakaraang buwan, palagi siyang nandiyan, nakakapit sa akin at nagbibigay ng matatamis na salita, na para bang mag-asawa kami, kahit hindi naman.
"Hayst!"
Ginulo ko ang aking buhok. Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya tumayo na ako at bumalik sa loob ng mansyon. Nandito ako ngayon sa harap ng naka bukas na ref nang makita ko ang ilang supot ng plastic na naglalaman ng dugo. Para naman akong maduduwal sa naisip.
Jusmeyo! Hindi pa rin ako makapaniwala na nainom ko 'yan! Pwe!
Inabot ko ang isang box ng gatas na isang litro, isinara ang ref, saka kumuha ng baso at nagsalin. Ininom ko ito, pero bigla akong napa-duwal at nagsusuka-suka sa basurahan dito sa kusina.
"Ugh! Ano ba 'to?! Expired na ba tong gatas na 'to?!"
Mabilis kong nilinis ang kalat ko at nagmumug, saka in-check ang expiry date ng gatas. Mas kumunot ang aking noo nang makita kong hindi naman ito expired, pero bakit ang sama ng lasa? Sumipsip ulit ako ng konting gatas na siya namang isinuka ko ulit. Jusmeyo! Ano ba 'tong nangyayari sa akin? E, nainom ko naman tong gatas kahapon ah?!
"May problema ba?"
Napalinga ako sa pinto ng kusina nang pumasok doon si Caleb, nakapamulsa pa at ang gulo ng buhok. Napasimangot ako at ibinigay sa kanya ang isang box ng gatas.
"May mali ata sa gatas, Caleb. Ang dugyot ng lasa, binabaliktad yung sikmura ko sa sama," naka-ngiwing sabi ko sa kanya.
Inabot naman niya ang gatas sa kamay ko, sumalin sa ibang baso, at ininom ito na parang okay lang.
"Ano 'yung lasa?" tanong ko pa.
"Gatas, syempre."
Binatukan ko siya dahil namilosopo ang gago.
Close naman na kami, kaya di siya magagalit. Sinimangutan niya ako at uminom ulit ng gatas sa baso niya.
"Wala namang masama sa gatas, Victoria. Pero bakit ka naduwal?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin.
Bakit nga ba? Uhaw na talaga ako, parang feel ko na ang pagka-dry ng esophagus ko, anuba!
"Uhaw na talaga ako, Caleb. Help me... please." Pagmamakaawa ko pa. Kumamot siya ng batok niya at lumapit sa ref.
Kinuha niya ako ng bagong baso at sumalin ng malamig na tubig na inabot ko naman at ininom. Wala namang pinagkaiba ng lasa kasi tubig nga, pero uhaw pa rin ako kahit naubos ko ang laman ng baso.
"Uhaw pa rin ako," maktol ko, kaya kinuha niya ulit ako ng isa pang baso ng tubig. Ininom ko ito, pero ganun pa rin, uhaw pa rin ako.
"WTF? Uhaw ka pa rin? Ano bang nangyayari sa'yo, babae ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Halos limang baso na kasi ang nainom ko kaya nagreklamo na siya.
Kinuha niya ako ng juice, pero ganun pa rin; pati ata alak binigay ng loko. Tumanggi ako kasi nga BUNTIS ako. Gago talaga 'to, parang walang isip. Halos lahat na ata ng maiinom ay sinubukan ko na, pero ganun pa rin.
"Anuba? Mas lalo lang akong nauuhaw sa ginagawa natin!" Binigyan kasi ako ng apple juice kaya biglang nasuka ako ulit, at nasuka ko lahat ng nainom ko.
Sumimangot naman ito at humalungkat sa loob ng ref. Napansin kong napahinto siya at unti-unting may inaabot na kung ano. Namilog ang mga mata ko sa kinuha niya.
"Ewww! Ayoko!"
Pagtatanggi ko nang sumalin siya sa baso ng isang plastic na dugo saka inabot sa akin iyon.
"Psh. Maka-eww e, natikman mo naman 'to dati ah?! Andami mo pang nainom! Bilis! Baka ito na 'yung hinahanap-hanap ng butsi mo."
Malapit na lang at sasabunutan ko na talaga 'tong Caleb na 'to. Bakla ba 'to?!
"Aishh! Alisin mo nga yan sa harap ko!" Natabig ko ang basong kanyang hawak kaya nabasag iyon sa sahig at nagkalat.
"Shit!" mura nito.
Nagpanick naman ako at bumaba sa silya sa pagkaka upo at hahawakan na sana ang basong nasira ng pigilan ako ni caleb.
Nag-panic naman ako at bumaba sa silya, hahawakan na sana ang basong nasira nang pigilan ako ni Caleb.
"Don't. Baka ikaw ang masugatan. Come on, drink this. I know this is what you want; tinetest lang kita kanina." Binigay niya ang isang basong dugo sa akin.
Napalunok ako. Jusme! Nakapikit kong ininom iyon. Napatigil ako.
"Ansarap! Pramis!!!"
Masaya kong wika at inubos ang isang baso. Sinalinan naman niya ako ulit na siyang ininum ko.
"Told 'ya." Ngingiti-ngiti pa itong sabi at sinalinan pa ako ng bago.
"What's happening here?"
Kahit nasa bibig ko pa ang baso, lumingon ako sa pinto dahil nakatalikod kasi ako roon sa pagkaka-upo.
"Alexus!" Kumaway pa ako at dahan-dahang lumapit dito. Aba, syempre baka maapakan ko 'yung nabasag na baso saka dugo, e buntis pa naman ako. Baka madisgrasya pa ako.
Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit ako, na siyang ikina-tigil ko. Aba! Namimihasa na 'to ah, halik na lang ng halik parati.
"You're drinking it again?" Tumango na lang ako nang nakangiti. Hindi ko din alam kung bakit ako nasarapan. Hehe.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.