CHAPTER 30-BETRAYAL

347 24 0
                                    

AUTHOR'S POV

Naghihinagpis si Victoria at tila hindi alam ang gagawin, pilit nitong tumayo ngunit bigo sya.

Ramdam nyang nananakit ang kanyang buong katawan. Humagulhul ito ng iyak habang nakahiga sa kama. Tumuloy lamang ang samu't saring ingay na nanggagaling sa loob ng mansyon. Ang dating malinis at magandang kabuuan ng mansyon ay tila dinaanan ng pinakamalakas na bagyo. Naroon ang ilang nimbus, sila'y sugatan at nakikipaglaban parin sa nagwawalang si Alexus.

Halos lahat sa kanila ay batid ang kakayahang mayroon ang prinsepe ngunit ito'y kanilang isinabawalang bahala dahil kailangan nilang tapusin ang kanilang misyon at yoon ay ang paslangin ang lapastangang mortal na babae. Nanlilisik ang mga mata ni Alexus na syang ikinatakot ng mga lumalapit dito.

Naka tayo si Alexus sa dulo ng hagdan at tila hinaharangan ang sino mang umakyat dito. Wala itong pakialam kung sino ang kanyang mapaslang hanggat maaari ay ayaw nitong may manakit sa asawa.

"Panginoon, ang iyong pag bali sa tradisyon na ito ay ang kahihinatnan ay kamatayan. Mayroon pa kayong panahon upang ito'y pag isipan, hindi kayo hari at walang silbi ang pagiging prinsipe ninyo para hadlangan ang aming trabaho." Ani ng namumuno sa nimbus.

Mas lalong nanlisik at nagalit si Alexus sa binigkas nito.

Malakas na pwersa ang dumapo sa nagsalita at napatalsik ito sa kung saan na syang ikina suka nito ng dugo dahil sa lakas ng pagsalpok.

Sunod sunod na sumugod ang ilang nimbus dito na syang sinalubong lamang ng binata ng isang nagbabagang mga mata at sa isang iglap lang ay tila napisa ang mga ito. Nagkalat ang kanilang mga dugo sa kabuuan ng mansyon na halos hindi na nakikita ang ilan nilang mga parte sa katawan dahil halos pisa na ang mga ito.

"I'm Alexus Valerious. No one can tell me what I should do and not do."

Halos kulog na tono nitong sambit sa natitirang Nimbus sa paligid na syang ikina atras ng ilan.

Wala ang mga taga pag silbi ng prinsipe dahil halos lahat sa kanila ay napaslang na ng mga nimbus bago pa sila pumasok sa loob ng mansyon at tanging si Alexus na lamang ngayon ang nananatiling naka tayo.

Wala ang kanyang mga kaibigan, at alam na ng binata na hindi sila makiki alam dito. Mas lalong kumulo ang kanyang dugo.

Naiinis ito sa kanyang sarili, hindi sapat ang kanyang pagturing sa mga ito. Naglakas loob silang gawin ang kanilang nais, hindi man halata ay mayroong magandang kalooban ang prinsipe. At galit siya sa kanyang sarili dahil sa mga nangyayari.

"LEAVE. OR. DIE."

Madiin at nakakatakot na sambit ng binata sa halos sampung Nimbus na naka tayo.

Hindi umalis ang mga Nimbus at sunod-sunod pang umatake sa prinsipe. Nagpatuloy ang madugong labanan sa pagitan ng malalakas na Nimbus at ng prinsipe.

"Jusko. Tulungan n'yo po ako... ayoko pang mamatay, nais ko pang makita ang aking anak at asawa." Naiiyak na panalangin ni Victoria dahil sa lumukob na takot sa kanyang dibdib. Napaka bigat ng kanyang pakiramdam.

"Ugh!" Daing nito.

Nagsimula siyang tumayo.

Dahan-dahan niyang tinahak ang direksyon papuntang pinto ngunit bago pa siya makalapit dito ay may kung sino na lamang na sumulpot sa kanyang harapan. 

Namilog ang kanyang mga mata at unti-unting napa atras. Isang taong naka-balabal na may hood na naka-takip sa kanyang ulo, pero kitang-kita niya ang nanlilisik at pulang-pula nitong mga mata. Takot ang lumukob sa buong pagkatao ng dalaga. Namumukhaan niya ito. Ito ang taong nagtulak sa kanya sa bangin.

"I-ikaw?" Nanginginig ang kanyang labi.

Hindi lamang ang kanyang labi pati na rin ang buo niyang katawan. Ngayon niya lamang ito naramdaman, tila napapalibutan ito ng nakamamatay na awra na siyang nagpa-nginig kay Victoria.

Nakaya siya nitong itulak sa bangin at alam niyang hindi ito magdadalawang isip na saktan siya, ngunit hindi niya batid kung bakit ito ginagawa ng taong nasa kanyang harapan.

Kitang-kita niya itong ngumisi at nag-angat ng isang punyal sa kamay.

Tatakbo na sana ito ngunit bigla na lamang may bumaon na isang matulis na kung ano sa kanyang tiyan dahilan upang mapa-tigil at masuka siya ng dugo. Napa-luha ito ito sa taong may gawa. Hindi sya makapaniwala sa taong nasa harapan nito ngayon.

Nakikita niya na ang kabuuan ng sumaksak sa kanya at hindi siya makapaniwala. Binunot nito ang itinarak na patalim sa kanyang tiyan at sinaksak ulit ng paulit-ulit na siyang ikina-inda sa sakit ni Victoria kasabay ang walang humpay na luhang tumulo sa kanyang mukha. Napahawak ito sa braso ng sumaksak sa kanya.

"B-b-bakit...?"  Hindi tumigil ang kanyang luha habang walang humpay na dumaloy ang dugo nito sa kanyang bibig lalong-lalo na sa kanyang tiyan kung saan siya sinaksak ng paulit-ulit ng kanyang matalik na kaibigan. Nag-iba ng tingin ang sumaksak ng may maramdamang mayroong papalapit na nakakapanindig-balahibong presensya palapit sa loob ng silid.

At sa isang iglap ay naglaho sila sa loob ng kwarto at naririto na sila ngayon sa loob ng kakahuyan. Madilim. Madilim ang paligid na siyang ikina-takot pa lalo sa diwa ni Victoria kahit halos mawalan na siya ng buhay.

Lumiwanag ang paligid dahil sa liwanag ng buwan na kanina ay natatakpan ng maitim na ulap. Pinagka-titigan niya ang bampirang nasa kanyang harap. Hindi pa rin siya makapaniwala at makapag-isip ng maayos kung bakit ito ginagawa sa kanya ng kanyang kaibigan.

Itinulak siya nito sa damuhan kaya napahiga siya dito at sunod-sunod na sumuka ng dugo. Hindi siya makapaniwala. Tila pinipiga ang kanyang puso sa rebelasyong nagaganap sa kanyang harapan.

"S-sheila... w-why... w-why?" Halos bulong nalang nitong naisabibig dahil ramdam na ng dalaga ang pamamanhid ng kanyang katawan na parang nasanay na ito sa sunod-sunod na sakit na naramdaman. Hindi tumigil ang paglandas ng kanyang luha.

Hindi siya halos makapaniwala sa mga nangyayari. Nais niya lamang puntahan ang kanyang anak at hagkan ito sa huling pagkakataon dahil kahit isang sulyap ay hindi pa nito nagagawa sa anak. Nais niya munang makita na lamang ito bago siya malagutan ng hininga dahil batid na niya ang kanyang katapusan.

Napa-titig si Victoria sa naka-tayo ngunit naka-tingalang si Sheila. Oo, si Sheila ang walang awang sumaksak sa kanya pero walang mababakas na kung anong ekspresyon ang kanyang mukha habang naka-tingala sa langit. Ini-angat ni Victoria ang isa niyang kamay upang abutin ang kamay nitong may hawak ng punyal na siyang ginamit nito sa pagsaksak sa kanya ng paulit-ulit ngunit tinitigan lamang siya ni Sheila na tila walang paki-alam.

'Sheila, bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin? Ano bang nagawa ko?' Hindi na maisa-tinig ng dalaga ang mga ito dahil hindi na niya maramdaman pa ang pagbuka ng kanyang bibig para sabihin ito.

Victoria POV

Nanatili akong naka-titig sa taong nasa harapan ko. Siya pa ba ito? Si Sheila pa ba ito? Ang babaeng parati akong ipinagtanggol sa lahat ng mga taong nagkukutya sa pagkatao ko? Ang palaging nandyan sa aking tabi upang daluhan ako sa aking mga problema? Ang tumutulong sa aking maglutas ng mga iyon?

Bakit... bakit niya nagawa sa akin ito? Magkapatid na ang aming turingan. Siya ang nandyaan at nagbibigay sa akin ng lakas para bumangon.

"S-sheila... w-why... w-why?" Mahina kong tanong.

Ramdam ko na ang panghihina ng aking katawan na tila bumibigay na ito dahil sa halos nawalan na ako ng dugo. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makasama ng matagal si Alexus at ang aming anak. Ito ba ang ibig sabihin ni Hayes noon, nang nasa opisina niya ako? Na siyam na buwan lamang ang aking buhay?

Kung sana hindi ko iyon binalewala! Kung sana inalam ko pa kung bakit. Nagpakatanga ako sa mga nangyayari, nagpabaya ako, at inaamin ko iyon. Napaka-tanga ko.

Iniangat ko ang aking kaliwang kamay upang abutin ang kamay ni Sheila, ngunit tila hindi ko iyon maabot. Nakatikom ang aking bibig, ngunit lumalandas pa rin ang walang humpay kong luha mula sa aking mga mata.

Napa-hawak ako ng mahigpit sa damo. Siya... siya rin ang taong tumulak sa akin sa bangin sa kagubatang iyon, pero bakit?

Bakit? Mas lalo akong napaluha.

Tinitigan niya ako, ngunit walang ni katiting na emosyon ang lumabas sa kanyang mukha. Nais kong malaman ang lahat, pero tila ito na yata ang aking katapusan.

Sunud-sunod ang aking paghinga. Hindi na ako makahinga. Napaluha ako. N-no... no.

Muli kong tiningnan ang aking pinakamamahal na kaibigan, ngunit isang napakalamig na tingin ang kanyang iginawad. Pilit akong ngumiti.

Bakit kailangan kong mamatay? Napa-ngiti muli ako ng mapait.

Unti-unti nang nawawala ang aking paningin, at nakakaramdam ako ng pagod. Bago pa man ako mawalan ng buhay, binigyan ko ng isang maliit ngunit matamis na ngiti ang babaeng nakatayo lamang sa aking harapan.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon