PROLOGUE

2.1K 46 3
                                    

Simula

Tahimik na sumunod ang grupo ng mga kababaihan sa di-katandaang babae, ngunit hindi mawala sa kanila ang pangamba.

Nanginginig ang kanilang mga kamay at nanlalamig; sa bawat hakbang na kanilang ginagawa ay palalim ng palalim ang kanilang naging paghinga. Nanginginig ang labing sumabat ang isang dalagita.

"M-ma'am? Saan po tayo pupunta?" Nanginginig man ay nagawa pa ring itanong ng isang dalagita. Ngumiti ng nakakakilabot ang babae at hindi pinansin ang tanong ng isang dalaga.

"Ayoko dito."

"Nakakatakot. Bakit tayo nasa gitna ng kagubatan?"

"Ah! A-ayoko na dito... umalis na tayo, please."

Nagsimulang magreklamo ang mga kababaihan habang tahimik na naglalakad ang ginang na tila hindi nito naririnig ang mga naging reklamo ng mga ito. Makalipas ang limang minuto, tumigil sila sa isang abandonadong mansyon sa gitna ng gubat. Halos mawalan ng kulay ang mga mukha ng mga dalaga sa kabuuan ng mansyon. Nakakatakot itong tingnan mula sa labas ng kinakalawang na tarangkahan. Hinawakan ng ginang ang tarangkahan at bahagya itong binuksan.

"Magandang araw, mga piling dalagita." Ngumiti ito ng nakakatakot sa mga dalaga na halos yakapin na ang bawat isa.

"Kayo ay espesyal na pinili upang pagsilbihan ang aming mga panginoon. Sa loob ng mansyon na ito ay nakahanda na ang inyong mga kinakailangang gamit. Katulad na lamang ng mga damit, pagkain, at mga kinakailangan ninyong gamit sa katawan. Kayo'y maghanda; tatlong araw mula ngayon ay darating ang aming mga panginoon at sa nalalabing araw na ito ay pagpapasyahan ko kung sino ang magsisilbi sa aming kataasang panginoon."

Umugong ang samot-saring komento mula sa mga kababaihan.

"Anong ibig mong sabihin? Anong pagsisilbihan? Hindi ba't ang usapan ay mamamasukan ako bilang isang katulong?" Nagreklamo ang isang dalaga.

"Hindi namin naiintindihan, ginang. Bakit kami nandito? Trabaho ang inaplayan namin!"

"Hindi na ito tama! Umalis na tayo!"

Nagsimulang maglakad palayo ang iba, at ang iba naman ay napaupo sa takot at umiyak.

"Hindi kayo makakaalis sa lugar na ito! Mga nimbus!" Humiyaw ang mga kababaihan ng bigla na lang silang dinakip ng mga lalaking nakaitim na tinatawag na Nimbus.

"Pakawalan n'yo kami! Ano ba!"

"Pinupwersa n'yo kami! Mali ito! Ah!"

"Ipasok ang mga babae sa mansyon!"

Humiyaw, umiyak, at nanlaban ang iba, ngunit hindi nila ito makaya ni katiting. Wala sila sa pwersa ng mga ito.

Tagumpay silang ipinasok sa loob ng mansyon at sumalubong sa kanila ang nakakasilaw na ilaw mula sa loob.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon