Sahara POV
Inihanda ko ang aking bagahe, hindi naman ganun kadami ang dala ko. Nakasuot ako ng fitted na jeans color black saka sando na kulay puti saka isinuot ko nalang din ang itim kong blazer.
Napa-tingin ako sa sulok ng kwarto, kinuha ko doon ang boots ko na hanggang tuhod kulay itim. May lace sya kaya inayos ko pa.
Inayos ko nadin ang buhok kong sobrang haba, ewan ko ba kung bakit hindi ko to maputol-putol. Hanggang talampakan ko na kasi ito saka ang curly pa sabi nga ni Andy maganda daw kasi kulay brown gaya sa mata ko. Nag-braid ako ng buhok na lagi kong ginagawa kaya ayon hindi na naka-laylay.
Napakapa ako sa puting bendang nasa mukha ko parin, dalawang beses ko lang nakita ang mukha ko. Mga noong sampung taon pa ako at yung isa nung nasa 12 years old ako.
Ngayong 18 na ako, hindi ko pa nakikita ang mukha ko. Sabi nila, titigil ang pagtanda ng mga bampira pagtungtong nila sa edad na dose otso.
Muli kong kinapa ang benda; malayang nakikita ang aking buhok, pero ang mukha ko ay hindi.
Napa-tingin ako sa pinto at nakita si Andy na nakaayos. Naka-fit shorts siya hanggang gitna ng hita, saka may boots naman siya hanggang sa itaas ng tuhod.
Naka-long sleeves siya na kulay pula, pero bukas ang ilang butones sa dibdib, at nakita ko doon sa panloob niya ang tube niyang kulay pula rin.
"Tara?"
Tumango ako at sinundan siya.
Nagtipon-tipon na kaming sampu. Oo, sampu kami, kasama ang maangas na Blake. Binigyan kami ng paalala na mag-ingat at dapat safe daw kami makauwi matapos ang misyon, na siyang ikina-iling ko.
Nagsipasok na kami sa itim na van. Doon kami umupo ni Andy sa pinakalikod, katabi ang isang babae, habang ang iba ay nasa harap namin. Nakita ko pa ang matalim na tingin ni Megan. Anong problema nito? Hindi ko naman siya inaano; palagi na lang siyang ganito, kaya minsan nasanay na ako.
Umandar ang van, at nakita kong isa sa mga lalaki ang nagda-drive. Nasa gitna kami ng biyahe nang may nagsalita.
"Uhm, mabuti pa magkakilala na tayong lahat bago tayo sumulong sa misyon."
Napa-tingin ako sa nagsalita; mukha siyang masayahin. Bigla namang may imahe ang lumabas sa isip ko, kaya napa-iling ako para wakasin iyon.
"I'm Jonathan Williams."
Pagpapakilala nito. Well, may itsura siya, pero wala akong time para i-describe ang mukha niya.
"Marko Thompson nga pala, girls."
Pakilala ng isa na tinapunan ko lang ng tingin.
"Chase White, at your service."
Pakilala naman ng nagda-drive:
"Well, dapat pa ba akong magpakilala? I think kilala niyo naman ako."
Napa-irap ako kay Blake habang tumango ang ibang mga babae.
Ngunit naagaw ng pansin ko ang katabi ni Blake. Puti ang buhok nito; yun lang ang nakita ko kasi hindi siya humarap sa amin sa likod, habang lahat ng lalaki ay umupo sa harap.
"Haven Lacousta."
Nanindig ang balahibo ko nang magsalita siya.
Ang boses nito'y mahina ngunit sapat upang aming marinig. Bakit tila ang lakas ng dating niya para sa akin?
"I'm Amara Reighns pala, nice meeting you guys."
Nakangiting pakilala ng babaeng malapit sa kanila.
"Megan Bruce is the name, babe."
Napaismid ako sa malanding tono ng pananalita ni Megan. Hayyst.
"Miranda Hidalgo ang aking pangalan."
Nakangiting tipid si Miranda at biglang natigil ang tingin sa akin. Mabilis itong lumihis ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. O-okay?
Ayoko sanang magpakilala; alam kong wala naman silang pakialam. Nag-lean na lang ako kay Andy at ipinikit ang mata.
"Ako nga pala si Andy Bracken at itong katabi ko naman ay si Sahara Stewarts. I hope we can be friends."
Napa-tahimik ako at ganun din ang iba sa sinabi ni Andy.
Nope. That's impossible.
"Okay."
Napa-mulat ako sa nagsalita-si Haven.
Nagsisunuran naman ang iba.
"It's okay, walang problema sa akin."
"Oo nga."
"Okay then."
Matapos ang "introduce yourself" portion, tumahimik na ang loob ng van. I can feel some tension. Isinawalang-bahala ko na lang iyon at sana'y matulog na, ng bigla nalang nag-preno si Chase. Muntik pa akong masubsob, buti na lang at hinawakan ako ni Andy.
"What happened?!" Rinig kong sigaw ni Blake.
Unti-unting lumingon sa amin si Chase. Nagtaka ako.
"Nimbus."
Isang salita ang nagpa-tigil sa amin. Kapag nalaman ng mga Nimbus na mga Feliece kami, tiyak na papaslangin kami ng mga iyon! Tanging ang kaharian lang ng Velkan ang kanilang pinagsisilbihan at wala nang ibang kaharian. Thanks to my knowledge, nagbabasa na kasi ako ng history tungkol dito simula nung magkwento sa akin si Andy.
Ayon sa binasa ko, hindi alam ng sentrong kaharian, ang Velkan, na mayroong tribo ang Lukresha, at iyon ay ang mga tribo ng Feliece. Kami. Hindi daw inaprubahan ng kataas-taasang hari ang pagtayo ng hari ng Lukresha ng tribo, kaya pasimpleng itinaguyod ng hari ng Lukresha ang tribo namin ngayon.
"Be calm. We got this."
Umupo ako ng tuwid. Kitang-kita ko ang halos limang naka-itim na bampira sa harap ng van namin sa gitna ng kalsada.
Lumabas naman si Blake at si Chase, na nagda-drive kanina.
Nangunot ang aking noo nang tila nagtatalo ang dalawa sa limang Nimbus, at maya-maya ay halos mapatayo ako ng tumalsik si Chase sa gilid ng kalsada.
"Damn! Alam ata nila kung sino tayo!"
Nagtatarantang sabi ni Amara.
Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Andy sa aking braso. Mula pa lang sa araw na pinili kami para sa misyon na ito, alam kong pwede kaming mamatay kahit anong oras. Pero mas pinili kong sumama kahit sinabing pwede naman palang mag-back out. Si Andy ang nag-insist na tumuloy, kaya wala akong magawa kundi sumama rin, kahit gusto kong mag-back out.
Binuksan ni Blake ang pinto ng van.
"They're insane! Ayaw nilang umalis sa gitna ng kalsada!"
Inis na salubong ni Blake pagbungad pa lamang ng pinto ng van.
Ika-ika namang lumapit sa van si Chase.
"I tried to get them off the way, pero pinatalsik lang ako ng isa na hindi ko napansin."
Alam kong nababadtrip ito.
Lalabas na sana ako ng...
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)