CHAPTER 58- KALUNGKUTAN

338 21 5
                                    

Sahara POV

Hinaplos ko ang pisngi ni Alexus at inayos ang mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Binigyan ko siya ng isang halik sa labi bago siya iniwan sa lugar na iyon.

Napa-tingala ako sa maliwanag na sikat ng araw at napangiti ng mapait. Inayos ko ang balabal na suot ko sa katawan at sa ulo, pinipigilan ang mga alaala ng mga nangyari. Kailangan kong maging matatag.

Dahan-dahan akong lumakad palayo sa lugar na iyon, ngunit hindi ko napigilang lumingon. Tatanggapin ko ba? Tatanggapin ko bang wala na talaga siya?

Mabilis kong pinahid ang aking luha at ipinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng kakahuyan,

"Ang sakit isipin... ito pala ang ating sasapitin pagkatapos ng isang daang taon nating paghihirap para makasama ulit ang isa't isa."

Mapait kong wika at patuloy pa ding nag lalakad. Kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga, iniwan ko na si alexus sa isang madilim na kweba.

Doon na sya naka higa at nasa pagka himbing. Hindi ko napigilan ang muling umiyak kaya pilit ko itong pinipigilan at napapakagat ng labi.

Nakarating ako sa isang malawak na ilog. Tinanaw ko ang napakalinis nitong tubig at kinumpas ang kamay sa harap ng isang malaking puno sa tabi nito. Bahagya akong ngumiti habang ang mga bulaklak mula sa punong iyon ay nalalaglag at tinatangay ng sariwang hangin.

Ito ang punong gustong-gusto ko sa mansyon ni Alexus. Palagi akong nandoon, nakaupo at tanaw siya mula sa malayo, na parang nagmamasid din sa akin. Ang mga alaala ng mga simpleng sandali kasama siya ay nagbalik sa akin-mga tawanan, mga lihim, at mga pangarap. Ngayon, ang mga iyon ay tila mga aninong naglaho, ngunit ang sakit at ang pag-asa ng muling magkikita ay nananatili.

Parang puno ang aming pag-ibig. Kahit gaano katibay at kalakas ang puno, kapag namukadkad ang mga bulaklak nito, wala pa ring magagawa ang puno para mapanatili ang mga ito sa kanyang sanga.

Hindi ko kailanman mapapanatili si Alexus. Ang mga alaala at pangarap na sana'y magkasama kami ay unti-unting naglalaho, parang mga talulot na dahon-dahong nalalaglag. Ang sakit ng pag-ibig na ito ay tila isang sugat na hindi matatakpan, at sa bawat hakbang ko palayo sa kanya, alam kong bitbit ko ang pighati.

Ang mga ngiti nya, ang mga yakap nya.

Nayakap ko ang sarili at napa-luhod sa harap ng puno, nag-iiyak. Ang sakit, ang sakit-sakit. Ginawa ko ang lahat para mabuhay siya. Binigyan ko siya ng aking dugo, ngunit hindi siya nabuhay. Wala akong kwenta! Wala!

Ilang araw din akong nagkukulong sa kweba na iyon habang ginagawa ang lahat para muling mabuhay si alexus. Pero hindi... hindi ako nagtagumpay.

Ilang araw din akong nagkukulong sa kweba, sinubukan ang lahat para muling mabuhay si Alexus. Pero hindi... hindi ako nagtagumpay.

"Aaahhh!!"

Naisigaw ko sa sobrang pag-iyak. Maya-maya, natahimik ako, patuloy na umiiyak habang hinahaplos ang mga bulaklak sa aking harapan na nahulog mula sa puno. Umangat ang tingin ko sa puno, pinagmamasdan ang mga sanga nitong tila tahimik na nagmamasid sa akin.

Bakit kailangang maging ganito? Bakit kailangan pang mawala siya? Nagpakatatag ako, pero sa mga sandaling ito, tila ako'y nag-iisa sa madilim na daan ng lungkot.

Higpit kong niyakap ang sarili at pilit pinapahid ang luhang lumalandas sa aking pisngi.

"Valmire."

Naibulalas ko, at biglang napatayo. Si Valmire-siya na lamang ang tanging naiwan sa akin ni Alexus. Napaangat ang aking tingin sa himpapawid. Kaya ko ba?

Ngayon ko lamang ito nalaman, mayroon akong pakpak. Puti ang kulay ng aking mga pakpak, ngunit may halong itim na nagsisimbulong na ako'y isang dyosa ng bampira.

Iniladlad ko ang pakpak at mabilis na lumipad sa himpapawid. Nais ko mang mamangha sa magandang tanawin, nanatiling walang ekspresyon ang aking mga mata.

Habang nasa gitna ng paglalakbay, ipinikit ko ang aking mga mata, sinusuyod ang buong mundo gamit ang aking matalas na pandama. Hindi ako mahihirapan, dahil hawak ng aking anak ang pulseras na galing sa akin.

Napa-ngiti ako ng maramdaman ko ang pulseras. Sa gawing timog. Mabilis pa sa dragon ang aking lipad, tumungo sa timog, puno ng pag-asa na muling makasama ang aking anak.

Halos tatlong araw ang aking nilakbay makapunta lamang sa kaharian ng katimugan ng Velkan, ang kaharian ng aking ama. Nandito ba ang aking anak?

Bumungad sa akin ang maraming bampira na abala sa mga paninda. Nakikita ko ang ilan na may buhat-buhat na mga basket ng gulay at prutas, habang ang iba ay naglilibot at nag-aalok ng kanilang mga paninda. Maraming tao, at nagtataka ako kung bakit.

Nang naglapit ang aking mga paa sa lupa, napatigil ang lahat dahil sa aking presensya. Tila nagulat sila at biglang yumuko, ngunit hindi ko sila pinansin. Bantog sa lahat na kapag mayroon kang pakpak, isa kang diyos o dyosa, kaya't ganun na lamang ang kanilang pagyuko.

Naglakad lamang ako ng diretso sa daan habang ang iba ay umaalis sa aking harapan at binibigyan ako ng daan. Nagtataka sila sa aking anyo, lalo na't may nakatakip sa aking mukha at nakabalabal ako.

Sa wakas, nakarating ako sa harap ng palasyo dito sa timog. Gaya ng ibang palasyo, ito'y napakalaki, ngunit hindi nito maikukumpara ang kagandahan ng sentrong kaharian, at doon ang Velkan.

Walang nagbabantay sa labas ng gate, kaya kinumpas ko ang kamay at bigla na lamang bumukas ang malaking tarangkahan patungo sa loob ng palasyo. Tulad ng labas, puno ito ng mga halaman at bulaklak.

Nang makarating ako sa harap ng mataas na pinto, bumukas ang dalawahang pintuan. Walang kaalam-alam na mayroong dinaraos sa loob, kaya't sa pagbukas nito, napansin ko ang lahat ng nakatingin sa akin.

Sinuyod ko ng tingin ang bawat sulok ng silid.

"Victoria."

May lumapit sa akin at nakilala ko kaagad. Niyakap niya ako, tinitigan ang aking kabuuan.

"Aaron." Sabi ko, medyo naiinis.

"Aking Valmire, nasaan siya?"

Ngumiti siya, ngunit ito'y ngiti ng pag-aalala. Pinagkatitigan ko siya ng masama.

"ANG AKING ANAK, AARON. NASAAN?"

Dumagundong ang aking tinig sa silid, at mabilis na pumula ang aking mga mata.

"Ina."

Lumingon ako sa nagsalita.Mabilis na nanabik ang aking puso nang makita si Valmire.

"Valmire!"

Hinubad ko ang balabal na suot at ibinalik ang aking mga malalaking pakpak. Mabilis akong nilapitan siya at hinagkan.



---------------------------

Authors note// -

'What's up, guys! So how's the story so far? I'm still unprofessional and inexperienced in writing but still, i'm doing my very best to fulfill my duties(sanaol duties). HAHA, so epilogue nalang po at nagtatapos na ang ating istorya. Hope you vote and leave a comment to my last update which is sa SPECIAL CHAPTER ng story na ito. At sana po basahin nyo din ang ibang stories ko dito. LOVELOTS.'

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon