CHAPTER 26- VACATION

383 18 0
                                    

Alexus POV

"Talaga?! Dito talaga tayo magbabakasyon?! Waaaahhh! Ang ganda!"

Hindi ko mapigilang ngumiti. Talagang siya ang nagdadala ng saya sa akin. Ngunit biglang lumungkot ang aking mukha.

Tss. Damn that tradisyon. Kahit ang unang hari pa ang nagtakda noon, handa akong baliin iyon para lamang sa kanya.

"Alexus, bilis! Don tayo!" Hinigit niya ang aking braso. Nalukot ang aking mukha.

"Victoria, ang iyong kilos."

Sabi ko sa kanya habang siya'y nagpa-talun-talun.

Nandito kami sa isang beach na pag-aari ko, at oo, akin ito. Pero ito ay isang pribadong beach; ako lang ang may desisyon kung sino ang pwedeng magpunta rito. Kaya kong mag-expose sa araw nang hindi nasusunog. May kakayahan akong gawin iyon, kaya ako lang ang nandito. Si Eagan at ang iba ay puwedeng mag-expose sa araw, pero may mga limitasyon sila habang ako, wala. 

Lalo na't napaka-init dito sa aking resort. Tanging kami lamang dalawa ni Victoria ang nandito, maliban sa ilang tao na nag-aasikaso sa beach.

"Gusto kong maligo sa pool!" Malapad ang ngiti niya, at agad akong pumayag.

Ngumiti siyang muli.

Victoria POV

Masaya akong nagtatampisaw sa malapad na pool. Marunong naman akong lumangoy kahit malaki pa ang tiyan ko—kaya ko 'to! Naka-shorts ako at isang napakalaking t-shirt. Walong buwan na kasi akong buntis. Sumisid ako sa tubig, pero sa mababaw na bahagi lang ng pool. Kailangan nating maging maingat. Mag-siyam na buwan na kasi ito, baka bigla akong manganak dito. Hahaha!

Natanaw ko si Alexus sa malayo, ngunit napatigil ako ng makita ang kabuuan nito. Naks! Sarap ulamin ng abs, mga bes! One, two, three, four, five, six, seven... shit, eight! Walong package! Ansarap, lols. Naka-trunks lang ito na kulay asul at naka-shades pa. Gwapo nitong tatay ng anak ko, ah! Para akong di makapaniwala na siya ang naka-buntis sa akin.

Lumapit siya sa akin at walang pasabing sumulong din sa pool. Naka-ngiti ito at hinalikan ang aking noo, na syang ikina-ngiti ko. Sigurado na ako sa nararamdaman ko—mahal ko na ata si Alexus.

"How's the water temperature?" tanong niya na may kunot noo.

Dinamdam ko ang pool. Okay lang naman, sarap nga bumabad. Hehe.

"Okay lang," nakangiti kong sagot, pero siya ay lumapit at binigyan ako ng peck sa lips.

Jusme! Ramdam ko ang init sa aking tenga. Ganun ako mamula, ghorl.

"Your ears are red," natatawang sabi nito. Malamang, hinalikan mo ako! Tumawa ito habang ikinukunot ko ang noo. Sinimangutan ko siya; pinagtatawanan ba ako nito?

"Damn. I really love you."

Napatigil ako sa pagsimangot sa sinabi niya. Ngayon lang niya ito sinabi sa akin.

"W-what?" tanong ko na may kunot-noo.

"I said I love you." Natuwa ako at niyakap ang leeg niya. I'm thankful. Parehas lang kami ng nararamdaman.

Pagkatapos naming mag-swimming, nagbihis na ako kasi pagod na ako sa kakalangoy. Natatawa naman siya habang sinundan ako matapos kong umahon. Ang walanghiya, pinag-hahampas ako ng tubig, kaya't hinampas ko din siya ng tubig hanggang sa napagod ako.

Naka-upo lang ako sa sofa dito sa bahay na pinagtuluyan namin ni Alexus. Ang ganda nga, puro glass lahat ng dingding, at ang loob ay napakaayos. Hanggang second floor ang bahay na ito, at sa itaas, makikita ang napakagandang tanawin ng dagat, habang sa likod ay ang malaking pool na pinapaliguan namin kanina.

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina at humanap ng makakain. Habang kumakain, napapatingin ako sa paligid at napansin kong may telephone wire na may lalagyan pang kulay pula. Sinigurado kong wala si Alexus bago ako lumapit sa telepono matapos kong kumain at mabusog.

Wala kasi akong kahit anong gadgets sa mansyon nila, at parang nasa liblib na lugar pa talaga sila dahil halos sampung oras kaming bumyahe para lang makarating sa resort na ito.

Sinalpak ko ang telepono sa aking tenga at sinimulang pindutin ang numero ni Sheila. Gusto ko siyang kamustahin; baka nag-aalala na siya. Ilang ring pa bago niya ito sinagot.

"Sheila! Si Victoria to. Kamusta ka na? Okay ka lang ba?" sabi ko sa kabilang linya. Rinig kong napasigaw siya sa gulat at ilang minuto pa bago siya nagsalita.

["V-Victoria? I-ikaw... okay ka ba? Nasa puder ka pa ba ni Hayes?! Ha?!"]

Nangunot ang noo ko.

"Wala, may nagligtas sa akin at dinala ako sa totoong ama ng dinadala ko. Huwag kang mag-alala sa akin, okay lang ako. E ikaw, kamusta ka na? Maayos ka lang ba diyan?"

Tanong ko naman.

["V-Victoria, I'm sorry... huhuhu! I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana di ko nalang kayo sinet-up para mapasali sa Mecca, ay sana di mangyayari ito. Huhuhu!"]

Nagulat ako sa sinabi niya... talagang may alam nga siya?

"May alam ka ba sa mga nangyayari sa akin?" Kagat-kagat ko ang labi ko habang naghihintay sa sagot niya. Rinig ko siyang napalunok sa kabilang linya.

["I-I'm sorry..."]

Napa luha ako at napa-upo. Nabitawan ko ang telepono at lumaylay iyon sa malapit sa pag-upuan ko. Napa-hagulhul ako. All this time, nasa tabi ko lang pala ang taong makakapagsagot sa lahat ng tanong ko noon pa. Nasa tabi ko lang! Pero hindi niya sinabi... wala siyang sinabi.

Bakit siya nagsinungaling? At bakit alam niya? Mabilis ko ulit ibinalik sa aking tenga ang telepono at rinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya.

"S-Sheila... tell me, please be honest. A-Are you..." Napa-lunok ako at pinigilan ang kumakawalang hagulhul sa labi.

"... are you also a vampire?" 

Naka pikit kong tinanong ito. Narinig kong mas lalo itong umiyak.

At ang naging sagot nito ang siyang nagpahagulhol sa akin ng sobrang lakas.

["Y-yes."]

Agad akong napa kagat sa labi at pinutol ang tawag sa kanya. Tumayo ako at humawak sa sandalan ng malapit sa telephone wire dahil sa biglang pagkirot ng aking tiyan.

"Aahh!" Inda ko. Shit, ang sakit! Tila may kumakalam sa tiyan ko na kung ano at ayaw tumigil sa paggalaw na siyang ikinasakit pa nito lalo.

"Fuck!"

Nakita ko si Alex na mabilis na lumapit sa akin at hawak-hawak na ako ngayon sa beywang at binuhat ako. Inilagay niya ako sa sofa sa sala.

"What happened?!"

"I-it h-hurts!! Ahhh!!"

Hinawakan ko sa braso si Alexus dahil sa sakit. Napaka sakit! Parang gustong kumawala ng kung ano sa tiyan ko! Hindi pa naman ako manganganak dahil walong buwan pa lang ito!

"What the fuck really happened?!"

Halos mawalan na rin ng kulay ang mukha ni Alexus habang nakatingin sa akin. Kitang-kita kong nag-aalala ito.

Napahawak pa ako lalo sa kanyang braso. Shit! Di ko na kaya! Bigla nalang umikot ang paningin ko na tila bumibigat ang katawan ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod.

Napapikit ako at nagpalukob na lamang sa itim na kapaligiran.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon