CHAPTER 19- MY SISTER

435 28 0
                                    

Victoria POV

"Are you okay? Feeling sick? Tired?"

Napatingin na lamang ako kay Alexus. Hindi pa rin ako nakapag-get over sa sinabi niya kanina.

Dugo? Dugo iyon nainom ko? Pero bakit ang sarap? Parang naduduwal ako habang iniisip kong naka-inom ako ng dugo ng tao. Seriously?? Pero hindi ko alam, ng iniinom ko iyon para bang napawi yung uhaw ko nitong mga naka-raang araw.

"Hindi. Matutulog na ako."

I answered. Humiga ako sa kama at pumikit na. Puyat na rin ako sa dinami-dami ba namang kain ko ng strawberries and chocolates e talagang makaka-tulog ka sa sobrang busog. Burp. Excuse me.

Ramdam ko syang tumabi sakin sa kama, bat ang sweet yata nito? Tumalikod naman ako para tingnan sya, nakatalikod kasi ako sakanya. Nagulat pa ako ng sobrang lapit lang ng mukha niya pag tingin ko sakanya. Napa lunok ako. Bat ang gwapo nito? Ang ganda ng pilik mata nya daig pa ang babae, ganun din ba kahaba ang pilik mata ko? Hindi ko kasi pinapansin yon kapag naka tapat ako sa salaman. 

Talagang tingin lang ginagawa ko kung maayos lang ba ang mukha ko bago umalis at makihalubilo sa mga kaklase ko at sa mga taong nakikipag usap sakin.

"I thought you wanted to sleep?" Kunot noong tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa ibang direksyon ng hindi inililiko ang aking ulo.

"Uhmm, bakit moko tinatabihan? Wala tayong relasyon." Napatapik ako sa bibig sa sinabi. 

"Tanga, bat ko 'yon sinabi sa mukha talaga niya?"

Narinig ko siyang tumawa ng mahina at umusog pa malapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko ng kanang kamay niya. Kita kong nagtaas-baba yung Adam's apple niya.

"Damn. I want to kiss you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-ano daw?!

"W-wala nga tayong rela—" Nakatigil ako nang bigla niya akong halikan nang torrid. Waahhh! Hindi ako gumanti; I'm in a state of shock!

Dahan-dahan naman siyang lumayo, hinihingal katulad ko. Nakapikit siya habang hindi napapawi yung ngiti niya sa labi. Nanatili pa rin ang kamay niya sa paghaplos sa pisngi ko.

"Sinong nagsabi na wala tayong relasyon? Are you kidding me?" Lumunok muna ako. Tumawa siya at pinagkatitigan ako sa mata. Ghad! Ang itim-itim nung mata niya!

"At ang ganda!!"

Bakit ba ang gwapo yata ng napagkakamalan kong manyakis sa park? Lumapit siya lalo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I almost smelled his scent. Ang bango!

Dahil sa nagugustuhan kong amoy niya, sumiksik ako lalo sa kanyang leeg. Ramdam kong natigilan siya, pero hindi ko na lang siya pinansin at pinikit ang aking mata.

Aaron POV

"Any news?"

Natanong ko sa kakadating lang na si Eagan. Siya kasi ang sinabihan kong alamin kung bakit nandito sa mundo ang babaeng dapat ay patay na. Nakita kong umiling siya. I tsked.

"Are you sure na siya talaga si Victoria? Yung dating asawa ni Hayes na namatay?"

Kunot ang noo nito. I don't have any clue, and I’m fucking fucked up!

Napapa-iling ako. Maybe she’s not Victoria. At sana hindi nga. My dad told me that she should be dead. If not, magagambala ang maaaring maging tadhana nito kapag isinilang siyang muli.

Victoria should be reincarnated as a goddess, the goddess who will provide fortune for every vampire. The goddess of vampires.

Iyon ang sinabi ng isang makapangyarihang mangkukulam ng Velkan. Ang Velkan ang tahanan ng mga bampira na pinamumunuan ni Haring Abraham Valerious, ama ng aking panginoong si Alexus. Ang bampirang mangkukulam na ito ang nagbibigay ng maaaring mangyari sa hinaharap. Sinabi niya ang naging kapalaran ni Victoria nang bumisita ito sa palasyo at natyempuhang naroroon din siya. I was shocked; we were shocked. Sanggol pa lamang noon si Victoria, kaya siya dinala sa palasyo para mabasbasan ng hari ang pagkasilang nito sa mundo.

The witch told us everything. She said that when Victoria turned 20 years old, she will die in the hands of someone she trusts.

At iyon ang magiging dahilan upang magliwanag ang kanyang espiritu sa kalungkutan at mamuhay lamang upang malaman kung bakit siya pinatay ng taong iyon. Halos nawalan kami ng hininga nang marinig iyon ng aking ama. Pero lahat ay mas lalong nagulat nang sumapit ang araw na bente na ito. Ilang araw na siyang naging bente anyos nang natagpuan siyang patay. The witch was right.

At baka nga siya na ang hinihintay na diyosa ng mga bampira.

"Hoy!! Kanina pa kita tinatanong! Bakit ba curious na curious ka sa babaeng 'yon? Kaano-ano mo ba 'yon ha?"

I looked at Eagan whe he clapped both his hands in front of me. Tss, gago talaga.

"She's my sister. My father's daughter in another human girl."

"WHAT?!"

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon