CHAPTER 29-THE BIRTH OF THE NEW PRINCE

347 19 0
                                    

Victoria POV

Sobrang sakit!!! Ganito pala kapag manganak!! Ang sakit! Parang mabibiyak na yong kaibuturan ko, hindi ko na ata kaya. shit!!

"Aaaahh! Arghhh!!"

Daing ko kasabay ng impit na ere ko. Jusko!

"Sige po binibini, umere pa po kayo hindi ko pa nakikita ang ulo ng sanggol."

Mahigpit akong napa hawak sa magkabilang kumot dito sa kamang kinahihigaan ko, umere ako gaya ng kanyang sinabi. Pero shit! Ang sakit! Hindi ko na ata kaya.

"Wag po kayong mawalan ng malay!" Mabilis akong napa mulat.

No, gusto ko munang ilabas ng ligtas ang anak ko ayokong may mangyaring masama sakanya. Mabilis ang aking naging paghinga na tila kinakapos na ata ako. Lumanghap ako ng hangin bago...

"Aaaaahhhhh!!!"

Malakas kong ere. Pagod na pagod na ako at hindi ko na kaya. Ramdam kong nagmamanhid na ang katawan ko sa sakit.

"Uwaaahh! Uwaaahh!"

Napangiti ako ng makarinig ng iyak. Gising pa ang diwa ko ngunit nanatili akong naka pikit. Thank god. Nailabas ko ang anak ko ng tagumpay.

Iniwan ako ng nag panganak sakin sa loob ng silid matapos akong linisin, gown parin ang suot ko pero nababahidan na ito ng dugo. Mabigat ang bawat paghinga ko pero ramdam kong kaya ko pang gumalaw ulit.

Pero napapagod na din ang aking katawan. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpatangay sa antok.

"Hi there."

Nangunot ang aking noo ng makita ko ang napaka gwapong mukha ni Alexus habang nakangiting nakatitig sa akin sa labas ng bintana.

"Ahh--!"

Nagulat ako sa naging reaksyon ko ng makita ko sya. Bakit ako natakot? Hinila niya ako palapit sakanya mula sa loob ng bintana at pinatahimik ang aking labi.

Ito ba ang alaala ko noong una ko syang nakita? Gaya ng ginawa ni Alexus sa akin noon? Ito ba yon?

"Shhh... Don't make any noise, you might wake them up."

Nilingon ko ang ibig nyang sabihin at nakita ko ang mga kababaihan na naka tulog sa kanya kanya nilang higaan. Dito... nandito ako non.

"W-who... who are you?" 

Ito nga ang aming unang pagkikita. Ang una kong pag tanong kung sino sya. Ngumiti ako kahit hindi niya iyon nakikita.

Nagtataka ako ng mapagtantong wala na ako doon at hindi na ako akap sa bisig ni Alexus. Nasa isang kwarto na ako at mayroong kaakap na lalaki. Yakap yakap ko si Alexus! At nag iba ang silid!

"Shit. Another move, baka hindi na ako maka pigil."

Alam kong nag init ang aking tenga, ngingiti na sana ako ng magulat ako sa sunod kong ginawa at sinabi.

"A-anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas ako ngunit bakas sa aking mukha ang hiya.

"I want you to bear my child."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. I-ito ba? Ito ba ang gabi na kami'y naging isa? Napa lunok ako ng wala sa oras pero hindi ganun ang ginawa ko sa tapat nya.

Nagulat ako ng lumapit siya at kinagat ang aking leeg. Ibig sabihin ito ang sinasabi nyang marka na ako'y kanya?

"W-who are you?"

Napangiti ako. Ito ang pangalawang pagkakataon na tinanong ko sya kong sino sya. At ang pangatlo ay sa duyan.

Napakagat ako sa labi ng umiba na naman ang aking paligid. Nasa isang masulok ako na kagubatan at tila tumatakbo sa aking kamatayan. 

Anong nangyayari? Bakit ako takot na takot at tumatakbo? Nagulat ako at napa tigil sa pagtakbo at nagulantang sa aking harapan. May di kalamiman na bangin ang nasa aking harapan ngunit sapat upang mamatay ako kung mahulog man ako dito. Napalingon ako sa likod ko ng may naramdaman akong malalim at nakakatakot na presensya doon. Nanginig ako sa takot.

Isang taong naka balabal na may hood sa ulo. Nanlilisik ang kanyang mga matang naka tingin sa'kin!

"S-sino k-ka?"

Natatakot ako, sino ang taong ito? Bakit kong maka tingin sya ay parang gusto nya akong sakmalin at patayin?!

Napa atras ako ng lumakad na sya palapit sakin. Hindi, anong gagawin nya? Nangilabot ako ng ngumisi sya ng may pagka demonyo.

"A-anong gagawin m-mo?"

Alam kong naiiyak na ako sa kaba.

Tatakbo na sana ako ng bigla siyang sumulpot sa aking harapan at hinila ang aking braso. Napaka lamig ng kanyang palad na syang mas lalo ko pang ikinatakot.

"Aaaahhh!"

Nagmulat ang aking mga mata. Isang panaginip.

Napa hawak ako sa aking dibdib dahil hindi tumitigil ang lakas ng tambol na galing dito. Ramdam kong nanginginig ang aking labi at mga kalamnan sa kaba dahil sa aking panaginip. Napa tigil ako.

H-hindi iyon isang panaginip! Totoong nangyari iyon! Itinulak ako ng taong iyon sa bangin sa aming harapan! Nakakatakot, bakit niya iyon ginawa?

Iyon ba ang dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala? Kung bakit ako naospital at ilang linggong na coma? Yun ba?

Sunod sunod ang aking paghinga sa nalaman. Mabilis kong kinalma ang sarili at pinakiramdam ang aking katawan. Ramdam ko ang sakit ng aking pagkababae pati nadin ang buo kong katawan.

Shit! Nasaan ang anak ko? Bakit hindi pa nagbabalik ang babaeng nagpanganak sa akin?

Nangunot ang aking noo ng tila naka rinig ako ng ingay sa labas hanggang sa lumakas ito ng lumakas. Anong nangyayari?

"Victoria."

Napalingon ako sa nagsalitang lalake sa pinto.

Si Aaron. Pinakalma ko ang aking sarili.

Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko sa kama. Ramdam ko ang paghaplos nya sa aking pisngi, nangunot ang noo ko.

"A-anong g-ginagawa mo?"

Halos hirap kong tanong. Ngumiti ito ng mapakla.

"Alam mo ba ang nangyayari sa labas?"

Mas lalo akong nangunot.

Anong nangyayari? Bakit mas lalong umingay? Ramdam ko ang pagyanig ng paligid.

"Gumising lang naman ang natutulog na halimaw dahil sayo."

Nanlaki ang mga mata ko. H-halimaw?

"A-anong ibig m-mong sab-bihin?"

Halos hingal na tanong ko. Ano ba talagang nangyayari? Ang a-anak ko baka anong nang mangyayari sakanya.

"Ang a-anak k-ko..."

ngumisi ito. Hinawakan nito ang aking kamay at ramdam kong pinisil nya iyon.

"Magiging maayos sya kung wala kana, Victoria. Kailangan mong mamatay kung hindi ay papaslangin nila ang inyong anak."

A-anong ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan.

"Alam kung alam mo na isang bampira ang ama ng iyong anak, hindi lamang isang bampira ngunit isang prinsepe na syang papalit sa pwesto ng hari pagdating ng araw. Isa ka lamang hamak na mortal kapag hindi ka namatay ay kapalit non ay ang buhay ng iyong anak. Dahil kapag nanatili kang buhay magiging kalahati siyang tao at bampira na siyang hindi papayagan ng mga kunsehal."

Namasa ang aking mga mata sa sinabe nito. Hindi, hindi ang aking anak. Pilit akong umupo. Bakit ba kasi nangyari ito sa akin? Bakit ba kasi napaka malas ko sa buhay?

S-si Alexus at ang anak namin. Sila nalang ang nagbibigay sa akin ng lakas. Ayokong mawala ang aking anak.

"W-wag na wag m-mong sasaktan ang anak ko, Aaron."

Diin kong sabi rito pero ngumisi lang sya. Buong akala ko mapapagkatiwalaan si Aaron. Minsan ay nararamdaman kong matagal ko na siyang kakilala. Pero bakit sinasabi nya ito ngayon sakin? Bakit nais nya akong mamatay?

Tumayo sya at humakbang palayo. No! Wag na wag mo akong tatalikuran! Gusto kong sabihin nya pa sakin ang alam nya!

"Hindi ako ang papaslang. Wala na ako sa bagay na iyan, nandito lamang ako para bigyan ka ng kaunting kaalaman."

Sinabi niya iyon at umalis sa kwartong aking kinasisidlan.

"Ano ba talaga ang nangyayari?!"

Napa hagulhul na ako sa iyak.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon