CHAPTER 40- THE MUMMY'S REAL FACE

300 19 0
                                    

Sahara POV

Nanatiling seryoso ang kanilang tingin nang bigla nalang nagsalita si Blake.

"Why did you have to wear a bandage?" takang tanong nito.

Nakita ko itong napataas mula sa kina-uupuan at tinitigan ako ng napaka-seryoso. Seriously? Ganun ba ako kapangit?

"O-oo nga, Sahara. Bakit ka nakasuot ng benda sa mukha at leeg?"

Napa-tingin na ako kay Amara.

"Parati kitang nakikita na may benda, Sahara. Parang mula pagkabata yata ay suot-suot mo na yan."

Gatong pa ni Miranda habang tahimik at tila nagtitimpi si Megan.

Mas lalo akong kinabahan. Napaka-big deal ba ng mukha ko?

"Guys, don't be so rude. Let her speak," sabi ni Jonathan.

Grabe, sumosobra naman ata ang ka-creepihan nila. At bakit ba nila pinoproblema ang pagmumukha ko?

"I-im sorry, natakot ko ata kayo," nahihiya kong bigkas at napa-yuko.

Hindi ako sigurado kung ano ang mukha ko; baka nga pangit ito o may kung anong nakakadiri. Mabuti pang tingnan ko para malaman ko, pero wag dito—baka magulat ulit sila.

"What do you mean natakot?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Blake.

Umangat ako ng tingin sa kanila at nakita kong napakalawak ng kanilang ngiti. Okay? Ang creepy nyo.

"Eto ang blower, Sahara."

Tumabi naman sa akin si Andy kaya inabot ko ang inilahad niyang blower. Sinaksak ko ito sa saksakan sa gilid ng sofa malapit sa akin at mahina lang ang pagpapaandar ko nito, saka tinapat sa buhok ko.

Napansin ko atang lahat sila ay tinitigan ang bawat kilos ko.

Napa-buga ako ng hangin. Mabuti pang sabihin ko na kung bakit may benda ang mukha ko para matapos na ito.

"Kagagawan ito ng papa ko. Tila parang sinumpa niya ako kasi ayaw niya sa akin. Siya ang may kagagawan kung bakit mula pagkabata, suot na suot ko na ito sa mukha. Ang sakit mang isipin, pero ayaw sa akin ng ama ko."

Napabuga ulit ako ng hangin. Magsasalita na sana ako nang magsalita si Haven na syang kinabigla ko.

"Wag mo nang ipagpatuloy. I think it might hurt you if you continue, so better not."

Napa-titig ako sa kanyang mga mata na kulay pinaghalong lila at asul, ngunit light lang ang kulay nito. Nanatiling bato ang ekspresyon, ngunit may ipinapahiwatig ang kanyang magagandang mata. Hindi ko mapigilang ngumiti; hindi naman niya mapapansin iyon.

Nagulat ako nang ngumiti siya.

"Mabuti pa nga, wag mo na ipagpatuloy. We respect your decision, kaya lang sayang lang talaga ang mukha mo." Siniko naman ni Amara at Chase si Marko, na syang ikina-kunot ng noo ko.

Natawa naman ang katabi kong si Andy sa kanila.

Pero napapangiti ulit ako kasi parang nagkakamabutihan na kaming lahat, paunti-unti.

"Kaya lang, meron talaga akong gustong itanong, eh. Kaya lang bigla ko atang nakalimutan."

Bahagya akong natawa kay Miranda ng tila nag-iisip ito, kasi nasa panga pa niya ang hintuturo at hinlalaki.

Ang cute niyang tignan.

"Nakita mo na ba ang mukha mo, Sahara?" Napa-lingon ako kay Blake ng magtanong ito.

Ngumiti ako at umiling, na siyang halos ikinasinghap nilang lahat, kasi si Haven at Blake ay nanatiling seryoso. Totoo naman na hindi ko pa nakikita.

Matapos ang tanong ni Blake, tumahimik na silang lahat.

Matapos kong patuyuin ang buhok ko, tinulungan ako ni Amara at Andy sa pag-braid. Isang braid lang naman, pero nag-aaway pa sila. Gusto kasi ni Andy na dalawahang braid, pero si Amara ay gusto lang ng isahan, kasi hindi daw bagay sa akin kapag dalawa; para daw akong bata.

Napapa-iling ako at sa huli ay nanalo si Amara, yun kasi ang gusto ko.

Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Megan matapos kaming kumain; ang tahimik niya pa rin. Nag-kibit-balikat ako at dumiretso sa kwarto ko.

Hindi naman ako pagod, at alas-onse na ng gabi. Gusto ko lang pumikit, gusto kong matulog kahit hindi ko feel na matulog. Ang gulo ko, diba? Hahaha!

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Haven sa loob ng kwarto ko, at naka-upo pa talaga siya sa kama ko!

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon