CHAPTER 34- ANG PAG EENSAYO

330 18 0
                                    

Sahara POV

Isang buwan na din ang nakalipas ng makilala ko si Andy. Naging mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at masasabi kong ang gaan nya kasama saka sumasabay na din ako sa ano mang trip nya.

"Sahara, matanong ko lang anong pipiliin mong sandata sa ensayo mamaya?" Napatingin ako kay Andy ng magtanong ito.

Kada buwan kasi ay may palaging ensayo na nagaganap sa loob ng malawak na gym na ginawa talaga sa paglalabanan ng bawat bampira o pag-eensayo.

"Isang pana at palaso." sagot ko sa tanong nya.

Nanatiling nasa libro ang aking tingin. Naka-upo kasi kami dito sa loob ng cafeteria kung tatawagin kasi dito kami kumukuha ng makakain namin ng libre. Kumakain kami ng pagkain gaya ng mga tao pero hindi mawala ang pag-inom namin ng dugo mapa tao man o hayop.

"Akala ko ba close combat ang mangyayari mamaya? Kapag ginamit mo ang pana sa malapit mong target ay parang hindi naman yata yon tama."

Napa-tingin na ako kay Andy at ibinaba ang hawak na libro.

"Malalaman mo mamaya." 

Sagot ko at ibinalik ulit ang libro sa aking harap.

Nandito kami ngayon sa malawak na gym at nandirito na din ang halos isang daang babaeng feliecians. 

Oo, mga isang daan lang kami dito na nag-aaral bilang maging isang ganap na feliece. Malawak ang gym kaya hindi kami siksikan, may kanya-kanyang mundo ang iba habang ang iba ay nagchichismisan at sino pa ba ang topic, edi ako.

Dumating ang panginoon ng feliece kasama ang kanyang anak. Umupo sila sa dulo ng arena sa kanilang sariling upuan na espesyal para sa kanila dito sa loob ng gym. Nandito din ang ilang mga nagtuturo sa amin, sila ang magiging coach sa aming pagsasanay.

"Mga babaeng feliece, please prepare. Nakikita nyo ba ang malaking kahon na ito?" Napa-tingin kaming lahat sa isang gurong nagsalita sa gitna ng arena.

Doon napukos ang aming atensyon ng magsalita itong muli.

"Nandirito ang inyong mga pangalan, bubunot ang panginoong Edwardo at panginoon Blake ng tig-iisang papel at kung sino man ang mabubunot nila ay siyang aking tatawagin sa gitna ng arena upang mag-laban."

Ibang estratehiya yata ang pakulo ngayon ng mga guro. Dati ay kami ang hahanap ng aming kakalabanin o pag-eensayuhan.

"Umpisahan na ang pag-eensayo, John." 

Narinig kong inip na bigkas ng anak ng panginoong Edwardo sa guro sa harap ng arena.

Tumango naman ang panginoong Edwardo sa guro bilang pang-sang-ayon kaya lumapit ito dala-dala ang malaking kahon sa kanila. Nagsibunot naman ang mga ito.

Nagsimula itong magbigkas ng mga pangalan kaya ang mga tinawag nito ay lumapit sakanya sa gitna ng arena.

Sumipol ito bilang tanda upang magsimula na silang maglaban.

Nagsimula silang magbigay ng atake sa bawat isa, hindi ko na lamang pinansin ang kanilang laban dahil wala naman akong pakialam. Kinalabit naman ako ng katabi ko.

"Sa tingin mo sino makaka-laban natin? Baka tayo pa ang magkalaban, Sahara. Hahaha!" 

Tumawa pa ito.

Napapa-iling ako.

"Pwede din." Natawa ako ng konti na syang ikina-tigil nya sa pag-tawa.

Kinunutan ko sya ng noo kasi na tahimik siya.

"Y-you... tumawa ka!" Pa-talon talon pa itong napa-yakap sakin.

"Eww! Niyakap nya yung mummy! Yuck!" Napa-tigil kami pareho.

Nakita kong inismiran sya ni Andy na syang ikina-ngiti ko.

"SAHARA STEWARTS AND MEGAN BRUCE."

Napa-tigil ako, ang bilis ata. Nabunot ako pagkatapos ng unang nag-laban.

Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng arena.

"Go Sahara!" 

Narinig kong sinabi sakin ni Andy bago ako tuluyang maka-layo.

Nakangisi kong naabutan ang gurong nasa gitna. Biglang tumahimik ang lahat sa loob ng arena, bakit yata biglang natahimik? Nasagot ang katanungan ko ng may narinig akong bulong-bulungan.

"Si Megan Bruce? Siguradong patay yang mummy na yan."

"Buti nga e, para walang madumi dito sa section ng mga babaeng feliece."

"Hindi ba't bihasa ito sa paggamit ng kanyang kapangyarihan?"

"Oo girl, sa combat skills nya palang talo na yan."

Ano ang kanyang kapangyarihan? Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalitang muli ang guro sa aming harapan.

"Kunin nyo na ang inyong mga sandata."

Hindi ko mapigilang mapansin ang pag-ngisi ni Megan sa aking harapan bago tumalikod at kumuha ng sarili nyang sandata na nasa gilid lamang ng arena. Tumalikod din ako at kumuha sa isang lamesa na naka-hilata ang samu't saring sandata. Mayroon kasing mga mesa sa magkabilang arena na mayroong mga sandata.

Kinuha ko ang pana at mga palaso.

Bumalik ako sa harap habang isinusuot sa likod ko ang mga palaso habang hawak ko ang pana sa kaliwang kamay. Naroon na rin si Megan hawak ang kanyang napiling sandata at isang itong napaka-laking espada at napakahaba.

Mabilis na sumipol ang guro kaya nagtaka ako kasi hindi man lang sya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

Hindi ko dapat ipagmaliit ang kakayahan ng babaeng ito.

Napasinghap ako sa mabilis niyang pag-atake.

"DIE." Diin nitong bigkas.

Mabilis akong umiwas sa malaki nyang espada at umatras sa malayo. Inihanda ko ang aking pana sa palaso at inasinta ang kinaroroonan nya ngunit nagtaka ako ng wala na ito sa kinalalagyan nya. Hindi maari!

"Aaahhhh!" 

Namilog ang mga mata ko ng makita kong nasa likod ko pala sya at huli na upang makaiwas ako ng mabilis.

Dumaplis ang malaki nyang espada sa kaliwang braso ko kaya mabilis akong napa-atras ngunit na-alarma ng muli nya akong enatake na syang ikina-bilog ng aking mga mata.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon