Sahara POV
Tahimik lamang ako na nakaupo sa gilid ng kama habang mariin pa ring nakatitig sa akin ang hari. Napa-lunok ako.
"Oh? You've found your mother, Val." Nagulat ako nang ngumisi ito sa akin.
Mabilis namang tumakbo sa direksyon ng hari ang katabi ko. Nagulat pa ako nang mabilis niyang niyakap ang hari.
"Father! Mother, wake me up! And she's here! You said she's dead, and I always told you that she's not, right? I miss you, Father, also Mother." Napalingon ito sa direksyon ko.
Napa-iling ako ng ilang beses. Hindi ko yata alam ang mga nangyayari; parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit kakaisip kung ano ang nangyari dahil hindi ko maintindihan kung bakit tinatawag ako ng "mother" ng batang ito.
Bata kasi ang isip, kahit ang pangangatawan ay binata.
Napatayo ako ng wala sa oras at dahan-dahang humakbang. Pwede na siguro akong umalis?
"Where are you going? Don't think of escaping, woman." Halos maduling ako nang biglang nasa harap ko na agad ang hari at ang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.
Kitang-kita ko ang pag-ngisi nito at tila nasisiyahan pa sa naging reaksyon ko. Mabilis akong lumayo at napa-yuko.
Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko. Para akong natuod at natahimik sa kinatatayuan ko. Paano kong tanungin niya kung bakit ako nandito? Anong sasagutin ko? Paano na? Hinahanap ko lang naman si Andy at hindi sinasadyang mapasok sa kwartong ito. Paano kapag nagtanong siya at baka hinalaan niyang tatakas ako?
"A-ahh, babalik na ako sa kwarto namin. Hehe,"
Dadaan na sana ako sa tabi niya nang mabilis niya akong hinila at hinagis sa kama.
Nanlalaking mata akong napa-tingin dito.
"Stay," matigas na utos nito.
Nagtaka ako nang lumabas ito ng silid.
"Nag-away ba kayo ni ama, Ina?"
Nabaling ang aking tingin sa batang ito na nasa tabi ko na pala. Umiling ako dito. Bakit naman kami mag-aaway? Eh, hindi ko naman iyon asawa.
Inihiga naman ng batang ito ang ulo niya sa hita ko at naka-ngiting tumingin sa akin.
'Napaka-gwapong bata.'
Ngumiti ako dito.
"Sahara..."
Napa-lingon-lingon ako sa kung saan dahil sa tinig na tumatawag sa pangalan ko. Sinong tumatawag sa akin?
At teka, nasan ako? Bakit purong puti lang ang nakikita ko sa paligid?
"Sahara..."
Nanindig ang mga balahibo ko sa batok nang tila may bumubulong sa pangalan ko.
Mabilis akong tumalikod at halos masilaw ako sa isang tao.
Nakakasilaw siya kaya hindi ko makita ang kanyang katawan at mukha!
"Si-sino ka?"
Naitanong ko.
"Sahara, isang paalala... may sisiklab na digmaan sa pagitan ng sentrong kaharian at ng mapagmataas na nilalang. Madugo ang magiging labanan at kailangan mong maghanda."
Nagtataka ako sa pinagsasabi nito.
"Digmaan? Paano mo nalaman iyon? Sino ka? At nasaan ako? Maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari?"
Naguguluhan ako; anong ibig niyang sabihin?
Narinig ko itong bumuntong-hininga.
"Maari ngang dapat ay magpakilala ako," wika nito.
"Ang pangalan ko ay Victoria."
Nagulat ako. Ano? Victoria? Napa-lunok ako nang maalala ko ang paulit-ulit na tawag sa akin ng haring iyon.
Victoria, Victoria, ang paulit-ulit niyang tawag sa akin. Maaari bang... ang babaeng ito ang Victoria na hinahanap ng haring iyon? Pero bakit hindi ko siya makita?
Napapalibutan siya ng liwanag, ngunit nagkakatawang tao lamang ang bulto nito at hindi ko makita ang kanyang wangis.
"Alam kong nagtataka ka, at alam kong mas magtataka ka kapag sinabi kong iisa lamang tayo, Sahara."
Napa-lunok ako. Anong ibig niyang sabihin? Iisa?
Mas lalong lumapit ito sa akin at inangat ang isang kamay.
"Hawakan mo ang kamay ko. Ipapaalala ko sa'yo ang mga alaalang nakalimutan mo nang isinilang tayong muli. Hawakan mo ang kamay ko, Sahara. Wala na tayong oras. Magsisimula na ang digmaan na pinamumunuan ng isang mapanganib na nilalang. Malapit na."
Umiling-iling ako.
"Hindi," wika ko.
"Anong hindi? Bakit hindi mo hawakan ang aking kamay, Sahara? Natatakot ka ba? Natatakot ka bang malaman ang lahat-lahat? Sinaktan mo ang kaisa-isahang lalaking inibig natin ng buong-buo. Kaya nais kong hawakan mo ang aking kamay para makasama na natin siya muli."
Mabilis kong tinabig ang kamay niyang pilit inaabot sa akin. Hindi ko siya naiintindihan! Hindi... hindi ako siya. Aaahh!! Naguguluhan ako!
Napa-tigil ako nang marinig ko itong umiyak. Hindi man kita na umiiyak siya dahil liwanag lamang siya, ngunit rinig ko ang hagulgul niya.
"Namatay ako dahil sa kanya... namatay ako sa kamay ng kaibigang para kong tunay na kapatid. Pinaslang niya ako at ipinagkait sa akin ang buhay na kasama ang aking bagong silang na anak at asawa... namatay ako sa araw din ng kasal namin at sa araw din na isinilang ko ang aking unang supling."
Ramdam ko ang hinanakit nito at hindi ko malaman kung bakit sumisikip ang dibdib ko sa mga naririnig.
"Namatay ako sa mga kamay niya, pero ni anong emosyon ay wala man lang akong nakita mula sa kanyang mukha... s-sahara... nakikiusap ako, hawakan mo ang kamay ko. Tuwirin natin ang mga mangyayari; pipigilan natin ang digmaang magaganap. Nakikiusap ako... ayokong mamatay si Alexus... p-pakiusap."
Napa-kagat labi ako upang pigilan ang luhang malapit nang tumulo mula sa aking mga mata.
"A-alexus?"
Nakita kong bahagyang gumalaw ang ulo nito na parang tumatango.
"Ang lalaking iyon. Ang haring iyon. Siya si Alexus. Siya ang lalaking umiibig sa atin."
Bahagya pang namaos ang tinig nito. Totoo ba ang kanyang mga salita?
"Sa atin? Hindi ko alam kung sino ang haring iyon, Victoria. Ikaw ang kanyang hinahanap at hindi ako, kaya ikaw ang dapat na magpakita sa kanya upang magkasama na kayong dalawa," ani ko.
"Sahara, hindi mo naiintindihan! Wala na akong katawan! Isa lamang akong alaala ng nakaraan! Isang bahagi ng iyong isip, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Ikaw at ako ay iisa. Kaya pakiusap, tanggapin mo na ako sa isip mo. Alalahanin mo ang mga alaala mula sa nakaraan."
Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.
Napa-dilat ako ng mga mata at sumalubong sa akin ang madilim na kwarto ng batang ito. Napa-kusot ako ng mata at napansing nakatulog pala ako.
"Malalim po ang tulog niyo, Ina."
Napa-tingin ako sa nagsalita, at doon ko lang napansin ang batang katabi ko sa kama. Lumapit ito sa akin at niyakap ako, kaya nagulat ako.
"Masaya po ako dahil nakita ko na kayo." Napa-lunok ako.
Wala akong nagawa kundi himasin ang mahaba nitong buhok na kulay puti.
"Ano ang iyong pangalan?" tanong ko dahil sa kuryusidad.
Ngumiti naman ito ng tamang-tama sa akin, na siyang ikina-ngiti ko.
"Valmire po, Ina! Iyon ang ipinangalan sa akin ng ama."
Valmire? Hinaplos ko ang pisngi nito.
"Hindi ka maniniwala, pero nakita ko sa aking panaginip ang iyong tunay na ina."
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)