CHAPTER 33- ANG PAGKIKITA NG DALAWANG MATAGAL NA MAGKAIBIGAN

347 20 0
                                    

Sahara POV

Seryoso akong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa sopa nang marinig ko ang ingay sa taas, kung nasaan ang aking kwarto. Nangunot ang noo ko at sinimulang maglakad patungo rito habang nasa libro ang aking mga mata.

"Anong nangyayari?"

Nakakunot kong tanong.

Ang OA naman ng babaeng ito, naabutan ko ba namang nasa sahig? Nahulog siguro. At bakit pa nga ba ako nagtatanong kung anong nangyari e alam ko naman pala. Haist.

"N-nasaan a-ako?" Utal-utal niyang tanong.

Ibinaba ko muna malapit sa tapat ng bibig ko ang libro at tinitigan siya, na siyang ikina-gulat niya. Tss. Siguro lalaitin niya ang mukha ko pero wala na din akong pake. Halos pagkabata eto na ang turing sakin ng mga kapwa ko feliece.

"T-thank you." 

Nagulat ako sa sinabi niya at may kasama pa siyang ngiti.

Hindi pa rin ako makapaniwala kaya ibinalik ko sa tapat ng mukha ko ang libro. Nahihiya ako sa pagsasabi niya ng "thank you." Sa halos kinse taong pagmamalagi ko sa mundong ito mula nang magka-isip, ngayon lang ako nakatanggap ng isang pasasalamat mula sa iba.

Umupo ako sa study table ko dito sa loob ng kwarto ko at hinayaan na lamang siya. Ang bawat bampira dito sa aming tribo ay may sari-sariling kwarto, para din itong dormitoryo kung sa mga mortal. Maraming building dito na pinag-eensayuhan at pinag-sisidlan namin para mag-aral.

Para na din itong academy o university, pero ang pinagkaiba lang ay dito na nakatira ang mga nag-aaral at isang lahi lang kami dahil kami ay pina-tapon lamang dito ng aming mga ama. Puro kami babae pero mga lalaki naman ang nagtuturo. Mayroon ding mga lalaking feliece pero nasa ibang lugar sila, pinaghiwalay talaga ang babae at lalaki at ewan ko kung bakit.

Ang namamahala sa tribong feliece ay si Edwardo Leviticus, siya ang kataas-taasan dito kasama niya ang kanyang anak na lalaki na si Blake Leviticus.

Naramdaman ko naman ang presensya niya sa aking gilid. Humanap siya ng mauupuan at umupo sa tabi ko. Nailang ako bigla.

Halos lahat ng babaeng nakatira dito at nakakasalamuha ko ay halos lumayo at pandiriian ako pero siya? Bakit siya tumatabi sa akin?

"H-hi..." Tinignan ko siya.

Mayroon siyang bilugan ngunit magandang mata, maalon ang kanyang kulay itim na buhok na hanggang beywang, magaganda ang mga pilik-mata, ganoon din ang kanyang labi na mapupula... hindi ko alam ngunit parang may nag-udyok sa sarili ko para yakapin siya. Para bang matagal ko na siyang kilala.

Ngumiti siya at naglahad ng kamay sa akin.

"Alam mo bang matagal na kitang nais lapitan? Para kasing matagal na kitang kilala. Ngayon, tadhana na ang nag-udyok sa atin para magkakilala at mabuti pang magpakilala ako."

Tinitigan ko siya ng ngumiti lang ito sa aking harapan.

"Ako nga pala si Andy Bracken, pwede ba tayo maging magkaibigan?"

Pasimple akong ngumiti kahit alam kong hindi nito nakikita kasi nga pati bibig ko ay may puting benda. Tela lang naman ito.

Tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Sahara Stewarts."  Ikli kong pakilala ngunit nakangiti.

"Waahhh!! Did you smile?! Nakita ko! Gumalaw yung benda mo sa bibig!"

Napapailing ako sa kanya ngunit tumango nalang, na siyang mas lalo niyang ikina-tuwa.

Pakiramdam ko ang lapit-lapit ko sa bampirang ito. Hindi ko alam pero ito ang nararamdaman ko.

Nagtaka ako nang napatigil siya at may naisip.

"Wait, bakit ka ba may benda sa mukha at leeg?" Napa-tigil ako sa tanong niya.

Nakita kong natauhan siya sa tanong niya at biglang nailang.

"I-i'm sorry--"

Umiling ako.

"Mula pagkabata ganito na talaga ang mukha ko. Sabi ng nag-aalagang babaeng bampira sakin kagagawan daw ito ng aking ama." Pagsisimula ko habang siya nangalumbaba para makinig.

Huminga muna ako. "A-ayaw sakin ng ama ko dahil... dahil isa akong babae at hindi lalaki. Pinatapon nya ako dito dahil ayaw nya ng anak na babae... saka ayaw nyang may makakita sa mukha ko baka daw kasi magkamukha kami at malamang may anak syang babae." Malungkot kong pagkukwento.

Naramdaman ko ang yakap nya sakin. Napa ngiti ako at napa pikit.

"May ganun talagang bampira, pero wait... pano kapag naligo ka? E diba naka benda yang mukha mo?" Napangiti ako ng wala sa oras.

"Maaari ko itong alisin ng isang oras pero kapag lumagpas ng isang oras ay kusang may susulpot nalang na panibagong benda sa harapan ko para lamunin ang pagmumukha ko."

Hindi ko mapigilang matawa ng ma alala ko ang nangyari noon.

Bagong ensayo kasi kami ng mga panahong iyon kaya ng makarating ako sa kwarto ko e naligo ako bago inalis ang benda sa mukha ko at sa sobrang pagod e napa salampak ako sa kama. 

Makaka tulog na sana ako ng biglang may sumulpot na puting benda sa harapan ko at sinakop ang aking mukha at leeg.

At doon ko napagtanto kung gaano ako kinamumuhian ng aking ama.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon