CHAPTER 22- 3 MONTHS LATER

507 26 0
                                        

AUTHOR'S POV

3 Months Later~

Masayang pinaglalaruan ng dalaga ang mumunting bulaklak na nagsilaglag mula sa isang puno dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin. Napakaganda ng dalaga sa suot nitong kulay rosas na damit na hanggang ilalim lamang ng kanyang tuhod. Hindi nakasintas ang mahaba at bagsak nitong buhok na umaabot hanggang ilalim ng beywang, sumasabay sa ihip ng hangin. Kitang-kita ang umbok ng kanyang tiyan.

Tumigil siya sa pag-abot ng mga bulaklak na nagsilaglagan at napa-upo sa damuhan. Amoy nito ang halimuyak na nanggagaling sa mga bulaklak. Hindi mapawi ang ngiti ng dalaga. Matiyagang tinatanaw ni Alexus ang dalaga, na siyang laging laman ng kanyang isip. Sa bawat araw na lumipas, mas lalo siyang nahuhulog sa dalagang sinisilayan. Hindi nito inaamin sa babae, ngunit nais niyang iparamdam sa bawat kilos na kanyang ginagawa para sa dalagang iniibig.

Hindi mawari ng dalaga ang dahilan kaya’t napalingon siya sa direksyon ng binata. Ngumiti siya habang tanaw ang binata, na siyang ikinagulat nito. Maya-maya lamang ay napangiti ito sa ginawa ng dalaga.

"Hindi mo pa rin ako binibigo. Ikaw lang talaga ang tanging babaeng isisigaw ng aking puso. Victoria, mahal na kita... at lahat gagawin ko para sa’yo."

Mahinang turan ng binata.

Victoria POV

Napapahimas ako sa aking umbok sa tiyan; apat na buwan na rin ito. Napa-ngiti ako at tinahak ang sarili patungo sa kusina nitong mansyon.

"Are you hungry?"

Napasinghap ako nang may basta na lamang mga braso na pumulupot sa aking beywang, at ramdam ko ang hininga nito sa aking leeg. Si Alexus. Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kamay sa aking tiyan. Hindi ko alam, pero napaka gaan ng pakiramdam ko kapag nasa tabi ko lang si Alexus; para bang secured na secured ako sa kanya.

Sa bawat yakap niya sa akin, nakakaramdam ako ng kaginhawaan. Talagang nasanay na ako sa presensya niya at hinahanap-hanap ko pa ito.

"Oo, gutom na kami," natatawa kong sagot.

Hinalikan niya ako sa pisngi at hinawakan ang aking kamay, saka tinangay ako papasok ng kusina. Hinandaan niya ako ng makakain na agad kong kinain. Masaya kong nilalamon habang siya’y nakaupo lang sa harap ko at naka-titig sa akin.

"Hindi ka kakain?" tanong ko nang nakakunot ang noo.

Ngumiti siya at tumalikod para kumuha ng isang kutsara, humarap sabay kuha sa plato ko ng pagkain. What?!

Sinamaan ko siya ng tingin na siyang tinawanan niya lamang. Hinayaan ko na lang siya at tinapos ang pagkain. Inayos niya ito, at lumabas na kami sa kusina at dumeretso sa malaking sala niya. Noong una kong pagpunta dito, walang TV; ngayon, meron na at ang laki pa.

Binuksan niya ang TV kaya doon napunta ang atensyon ko habang siya’y tumabi sa akin at sumiksik sa leeg ko habang niyayakap ako. Literally, sinisinghot ako.

"Damn."

Rinig ko namang nagmura ito. Napa-tingin ako sa kanya at napansin kong bahagyang pumula ang kanyang mata. Hindi na ako nabigla dahil kapag ginagawa niya sa akin iyon, bigla na lang pumupula ang mata niya at babalik din kaagad sa normal na itim. Hindi ko namang sinasabing normal ang itim na kulay ng mata, pero talagang ang ganda.

"Lumayo ka kasi sa akin ng kaunti."

Nasabi ko at napatingin ulit sa TV. Pero hindi pa rin siya tumigil at mas lalo pang sumiksik sa akin.

"Alexus! Whatsup?! Kamusta ang baby natin??!"

Sabay-sabay kaming napa-lingon sa sumigaw. Si Caleb, tatlong buwan na ang nakalipas. Hindi ko na kasi siya nakitang dumalaw ulit pagkatapos ng araw na bumili siya ng pagkain ko.

Pero ngayon, may kasama na siya at tatlo sila. Yung isa, katulad niya, nakangiti, may itim na buhok at naka-tindi na parang manok. Yung isa naman, seryoso ang mukha, at yung nakaagaw ng pansin ko ay may kulay asul na mga mata ito, pero malamig ang bawat titig niya. Walang ka-emotion-emotion; puti naman ang buhok niya.

Ito namang si Caleb, pabibo, ngiti lang ng ngiti; sa mukha pa lang, parang chick boy, tulad ng naka-tinding buhok na parang manok. Ang puputi ng mga bes! Oo nga, bampira e.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon