CHAPTER 50- I'M NOT VICTORIA

358 26 0
                                        

A/n: Pic above is how sahara look like.

AUTHOR'S POV

Samu't saring bulungan ang maririnig sa loob ng silid Levere, na kung saan ang silid na ito ay ang silid kaparusahan para sa mga bampira. Halos magulat ang lahat at hindi alam ang magiging reaksyon sa mga nangyayari sa kanilang harapan.

Hindi alam ng dalaga ang gagawin; tila nabato ito sa kinalalagyan dahil sa lalaking mahigpit siyang yakap. Nakaramdam siya ng ilang, kung kaya't bahagya itong nagpumiglas sa yakap ng lalaking kanina ay tanaw niya lamang sa ikalawang palapag at napaka-lamig pa ng tingin sa kanya noon.

"B-bitawan mo 'ko."

Nagpumiglas na ito lalo dahil nahanap na nito ang kanyang tinig mula sa pagkagulat.

CLANG!

Mabilis na dumausdos pababa ang mga braso ng dalaga nang makalas na ang mga kadena nito sa kamay at paa. Dahil sa kahinaan, bumagsak na lamang ito sa braso ng binata.

"V-victoria? Fuck! It's fucking you!"

Halos manindig ang mga balahibo sa balikat at batok ng dalagang si Sahara sa hiningang lumandas dito mula sa binatang mahigpit pa ring yakap sa kanya.

Iniangat ng dalaga ang mga braso nito at inipon ang lakas upang ilayo sa kanya ang katawan ng lalaking dikit na dikit na ngayon sa kanya.

"L-let me go!"

Mabilis na lumayo ang dalaga sa binata, at mabilis naman siyang nilapitan ng kaibigan nitong si Andy.

"S-sahara? Ayos ka lang ba?"

Halos suriin ni Andy ang kabuuan nito at sa huli ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang maayos na si Sahara.

Bumaling naman ang tingin ng dalawang dalagita sa lalaking nakatayo sa kanilang harapan na tila hindi pa rin makapaniwala. Bahagyang lumaki ang mga masisingkit nitong mata, at halos magulat si Sahara sa emosyon na nakikita nito sa mukha ng lalaki.

"Mahal na hari!"

Muling bumalik sa pagiging bato ang ekspresyon ng binata.

Lumuhod ang isang kawal sa kanyang gilid, at tila ngayon lang ulit bumalik sa katinuan ang lahat, na nagresulta sa samut-saring komento.

"Fudge! Si Mareng Victoria ba ito? Putsangina! Buhay ka?!!"

Hindi makapaniwalang ani ni Caleb habang sinasapok-sapok pa ang mukha.

"I can't believe this! Totoo nga ang salita o propesiya ek-ek ng matandang hukluban!!"

Si Eagan, na hindi pa rin makapaniwala, ay lihim na kinukurot ang braso.

Sahara POV

Mahigpit ang yakap ni Andy sa aking braso habang nakatingala pa rin kami sa lalaking ito.

Parang sumikip ang aking dibdib sa tila nasasaktang emosyon na nanggagaling sa mga mata nito. Kanina ay nanabik, ngunit ngayo'y tila nasasaktan. Pero bakit?

Bakit parang naging mas pamilyar siya sa malapitan? Bakit pakiramdam ko'y napakalaki ng puwang niya sa aking puso? Bakit tila nasasaktang emosyon ang nakikita ko sa kanyang maiitim at magagandang mata?

"Mahal na hari!"

Napalingon ako nang wala sa oras sa sumigaw.

Ngunit hindi man lang bumaling ang mga tingin ng lalaking ito, at nang ibinalik ko muli ang tingin sa kanya, nagbalik ang dati nitong tila batong emosyon, parang piniga naman ang aking puso sa malamig niyang pagkakatitig.

"Fudge! Si Mareng Victoria ba ito? Putsangina! Buhay ka?!!"

"I can't believe this! Totoo nga ang salita ng matandang hukluban!!"

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon