CHAPTER 31- SORROWS

343 26 0
                                    

AUTHOR'S POV

Matapos mapagtanto ng dalagang bampira na patay na ang babaeng mortal, nilisan niya ito at mabilis na nawala sa harapan ng bangkay. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, ngunit bigla na lamang pumatak ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata na hindi niya napansin, habang nanatiling bato ang kanyang ekspresyon.

Alexus POV

Nakaramdam ako ng kaba, kaya napa-lingon ako sa taas ng hagdan nang hindi ko napansin ang pagsugod ng suntok ng isang Nimbus. Tumilapon ako sa isang sulok ngunit mabilis na tumayo.

Hindi maaari. Tinalasan ko ang aking pandinig at napansin ang pagsugod ng isang Nimbus. Hinawakan ko ang kanyang leeg at walang pasabing binali iyon.

Narinig kong humalakhak ang isa sa kanila, na siyang ikina-irita ko.

"Wala na siya."

Nang pantig ang aking tenga sa kanyang sinambit, mabilis akong nawala sa aking kinaroroonan at tumungo sa ibabaw ng hagdan. Binuksan ko ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Victoria.

Tumindig ang aking mga balahibo sa katawan. I was afraid, afraid of losing her. I froze.

Lumapit ako sa sahig na may bahid ng dugo. I tasted the blood. I stopped for what I was doing. Nanginig ang buo kong katawan sa galit. This is her blood!

"Where the hell is Aaron?! I told him to protect her while I finished the Nimbus!"

Rage surged through me, a hot, burning wave.  I slammed my fist against the shattered windowpane, the pain a welcome distraction from the fear gnawing at my gut.

"FUCK SHIT!!"

Nanggagalaiti kong sigaw at mabilis na tumungo sa bintana kahit naka sira ang mga ito.

Where the hell are you Victoria? Please! Be fucking safe! I will fucking kill aaron if something fucking happen to you!

AUTHOR'S POV

Tila isang nakakatakot na halimaw ang awra ni Alexus, nanlilisik ang mga mata nito sa galit at namumutawi ang pula nitong mga mata sa dilim. Puro mura ang lumalabas sa mga bibig nito.

Habang si Aaron ay naka-sandal lamang sa gilid ng pader ng mansyon at tahimik na pinakiramdaman ang paligid. Nakaramdam siya ng isang nakakapanindig-balahibong awra na siyang nagpasunod-sunod ng kanyang paghinga.

Hinawakan niya ang duguan nitong tagiliran.

"Gumising na nga ang natatago niyang lakas. Kung kailan huli na ang lahat... mahal na hari, bakit mo ito ginagawa sa iyong nag-iisang anak? Sana ay hindi mo ito pagsisisihan."

Bulong ng binata. Ngumisi naman ang lalaking naka-tago sa dilim. Tumalikod ito at biglang naglaho.

Eagan POV

Naka-upo lamang ako sa sanga ng puno habang tanaw ang walang buhay na katawan ni Lady Victoria. Malayo rin ang kinaroroonan ko, pero may taglay na lakas ang isang bampira na matanaw ang malayo kahit pa gabi.

Kay pait naman ng sinapit ng kanilang pag-iibigan, at sa araw pa talaga ng kanilang kasal. At kung sa akin ito nangyari, na siyang hindi ko naman naiisip kasi hindi naman ako nagmamahal. Pero ramdam ko ang takot ni Alexus, at halos maramdaman ko ito sa simoy ng hangin.

Ang kanyang nakakapanindig-balahibong awra na ngayon lang muli lumabas matapos ang dalawang daang taon. Pero mas lalo pa yatang tumindi ang mga anino ko sa dilim, at natatakot.

Napa-pikit ako ng mariin at nadako ang paningin ko sa seryosong mukha ni Caleb sa kabilang sanga. Tanaw niya rin ang bangkay ni Victoria.

Pawang wala kaming magagawa dahil parehas naming alam ang mga mangyayari sa kanya.

Sinama kami nina Aaron kung saan-saan siya pumunta, na sana hindi na lang namin siya sinundan.

Napabuntong-hininga kami pareho. Huli na ng dumating kami, nalagutan na ng hininga si Victoria, at nakita namin ang taong pumaslang sa kanya na agad ding umalis. Alam kong isa itong babae, pero nagulat kami kasi sa direksyon ng kamay ni Victoria na tila inaabot ang taong nasa kanyang harapan.

Tama nga siguro ang mangkukulam, baka isa sa malapit sa kanyang puso ang papaslang sa kanya. Napa-yuko ako ngunit agad ding napa-tingala ng may dumaang kasindak-sindak na presensya sa aming harapan na nagpakuha ng aming atensyon ni Caleb.

Hindi ako nagkakamali! It's Alexus! At napaka-tindig-balahibo ang kanyang awrang papunta sa direksyon ng bangkay ni Victoria!

Napa-tayo kami ni Caleb sa gulat! Bawat napapa-nadadaanan nitong puno ay nawawasak dahil nakalipad lamang ito.

"Shit!" Rinig kong mura ni Caleb.

Halos masira ang kagubatan. Lumindol pa ang lupa.

"Fuck! Anong nangyayare kay Alexus?! He's destroying everything!"

Napa-mura kong sigaw at tumalon sa isang puno dahil nilamon ng lupa ang punong kinaroroonan namin kanina ni Caleb. Sumunod naman siyang tumalon papunta sa akin.

"Sundan natin siya." Seryosong wika ni Caleb.

Tumango ako at sumunod sa kanya.

AUTHOR'S POV

Napamulagat ang binata sa nasaksihan. Sinundan niya ang amoy ng dugo ng dalaga at tinangay siya ng sarili sa direksyon na ito. Nanghina ang kanyang katawan sa nasaksihan, hindi niya mapigilan ang emosyon na dumaloy sa kanyang pisngi.

Umiiyak ang isang bampira, na siyang kamangha-mangha sa maaaring nakakita. Dahan-dahan siyang lumakad sa direksyon ng dalagang nakahiga sa damuhan, at puno ng dugo ang maganda nitong damit at puno din ng dugo ang leeg at labi.

Nanginginig ang kanyang mapupulang labi pati na rin ang maputing mga kamay. Napa-luhod siya ng wala sa oras sa tapat mismo ng iniibig na dalaga.

Iniangat niya ang kamay at hinaplos ang maputlang pisngi ng dalaga. Naka-mulat ang mga mata nito, na siyang ikina-hagulhol ng malakas ng isang tila batong binata.

Ni sino man ang makakasaksi sa pighati ng nakakaawang prinsipe ay tiyak na manlalambot.

Nanginginig ang kamay na isinara ng binata ang naka-mulat na mga mata ng dalaga. Impit na ang kanyang naging pag-iyak, ni hindi niya man lang ito naabutan ng buhay! Ni hindi niya man lang nasilayan ang huling ngiti ng asawa.

Rinig sa bawat sulok ng paligid ang isang dumadagundong kulog mula sa langit at ang pagbuhos ng napaka-lakas na ulan na tila sumasabay sa pighati ng binata.

Dahan-dahan niyang binuhat ang walang buhay at duguang dalaga sa kanyang bisig at niyakap ito ng pagka-higpit-higpit. Hindi man nakikita dahil sa ulan, ay wala ding humpay ang pagtulo ng luha ng binata na tinatangay lamang ng tubig ng ulan na lumalandas sa kanyang pisngi.

Tahimik na nagmamasid ang ilan, naroroon ang ilang Nimbus na nakatayo lamang sa malayo at tanaw ang naghihinagpis na prinsipe. Ang dalawa niyang kaibigan, si Caleb at Eagan, na makikita sa mukha ang lungkot at awa.

Ang nagmamasid na si Aaron habang nakatingala sa langit habang bumubuhos ang malakas na ulan. Ang hari na hindi naman mababakasan ng anumang emosyon at bigla na lamang nawala sa pinagtataguan.

Halos lahat sa nakasaksi ay tikom pa din ang bibig. Hindi makapaniwala na ganoon ka tindi ang pag-ibig nito sa isang mortal. Mas lalo pang tumindi ang kulob sa langit.

Tumingala si Alexus sa itim na itim na langit.

Masisilayan sa kanyang mukha ang labis na lungkot.

"Pagbabayaran ng kung sino man ang pumaslang sa iyo, Victoria. Pahihirapan ko siya ng paulit-ulit, nais kong iparamdam sa kanya ang sakit na iyong naramdaman gayundin ang sa akin. Hanggang sa magmamakaawa siya sa kanyang buhay. Papatayin ko ang sino mang may kinalaman sa iyong pagkamatay. Papatayin ko silang lahat."

Dumagundong ang napaka-lakas na kulob matapos bigkasin iyon ng binata sa harap ng kanyang dalaga. Ang malambot na ekspresyon ng binata ay nawala at napalitan ng nanlilisik na mga pulang mga mata at mahahaba at matutulis na pangil.

Isang nakakapanindig-balahibo ang pinakawalan nitong sigaw sa sentro ng pag-ulan at pag-kulob.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon