Sahara POV
Ilang araw na din ang nakalipas matapos ang kaganapan sa gym, at samu't saring chismis naman ang tungkol sakin. Natalo ako kay Megan kaya nalungkot ako.
Hindi pa siguro ako ganun ka lakas. Tss.
"O? Malungkot ka naman? Okay lang yan! Kung hindi ka nawalan ng malay tiyak na ikaw ang nanalo no!"
Napa-ngiti ako sa pag-cheer up sakin ni Andy.
Buti pa to, nanalo. Nakalaban nya yung nag-bully sakanya ng una naming pagkikita. Kaya ayon naiinis sya at ginawang yelo ang babae bago pa maka-atake.
Yun yong kwento nya. Natawa nga ako e. Blinack mail kasi siya nong una ko syang nakita kaya hindi sya lumaban. Saka ice user sya pero hindi pa daw nya gaanong alam ang kanyang kapangyarihan.
At nagagalak ako kasi tumatawa na ako ng malaya, noon kasi hindi ako tumatawa ni ngiti wala.
"FELIECIANS, GATHER TO THE COURT. URGENT MEETING, PLEASE HURRY." May isang tinig ang nagpatigil sa aming lahat.
Nagtaka naman kami ni Andy pero tinahak nalang namin ang sarili sa court. Naroon ang lahat, pati ang mga guro. Pati na rin ang panginoong Edwardo at Blake na syempre naka-upo lang sa upuan nila. Psh.
"Nabalitaan nyo naman siguro ang bantog na balita sa kaharian ng Lukresha hindi ba? Ang kaharian kong nasaan tayo, ang hari ng Lukresha ang nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Ang haring Harold dito sa hilaga ay kinakailangan ng grupo ng mga Feliecian upang siya'y bantayan. Nanganganib ang kanyang buhay dahil ilang beses na siyang pagtangkaan mabuti nalang at may mga kawal sya upang sya'y iligtas at para maka-takas sya. Kailangan alamin ng grupo na ito kong sino ang may sala sa puno't dulong mga nangyayaring kaguluhan dito sa atin sa lalong madaling panahon."
Ang hari ng Lukresha dito sa hilaga? Ngayon ko lang ata nalaman, akala ko isa lang ang kaharian dito sa mundo naming mga bampira.
"Pipili kami ng mga Feliecian para sa misyong ito. Kailangan ninyong alamin kung sino man ang bumabalak na patayin ang hari. Habang nasa kaharian kayo, dapat ninyong bantayan ang hari upang wala nang magtangka sa kanyang buhay. At para sa mga pipiliin..."
Napa-tingin ako sa gurong nagsasalita sa stage.
"Sa aking tatawagin, lumapit dito sa aking tabi. Miranda Hidalgo..."
Lumapit naman itong babaeng tinawag niya sa tabi niya.
"Ano kayang mangyayari kapag nandon na sila sa kaharian? Tila napaka-seryoso nga ng mga nangyayari." Narinig kong bigkas ni Andy.
Isang hari? Nangangailangan ng tulong ng mga babae dito sa Feliece? Hindi ba ito marunong makipaglaban?
"Amara Reighns..." Bigla akong kinabahan.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Andy dahilan upang mapa-tingin siya sakin.
"Andy Bracken..."
Kumabog ang dibdib ko.
Napa-tingin sa akin si Andy ng nalulungkot bago tinahak ang sarili papunta sa stage parang...
may biglang senaryo atang lumabas sa aking isip.
Sumisigaw si Andy ng tulong, puno ng luha ang kanyang mga mata habang tila nakatitig sakin.
Nanginig ako. A-anong ibig sabihin n-non?
Nakatitig ako ngayon kay Andy. Sana mapili din ako... nais kong samahan si Andy sa misyon na ito. Ayokong may mangyaring masama sakanya.
Napa-pikit ako, nag-baka sakaling ang pangalan ko ang maitawag ngunit sino ba naman ako para piliin?
"Megan Bruce..."
Napa-mulat mata ako. Naka-ngising lumakad sa stage si Megan at lumingon sa direksyon ko at binigyan ako ng nang-iinsultong ngisi.
Bumagsak ang balikat ko, tumalikod ako. Ngunit agad na napa-tigil.
Tila nabingi ako sa huling pangalan na sinambit.
"And lastly, please assemble in the stage miss...
...Sahara Stewarts."
Nabuhayan ako ng loob, tinahak ko ng naka-ngiti ang stage at nagagalak na nilapitan si Andy na halos mapunit ang pisngi sa pag-ngiti.
Umalis na din ang ibang mga babaeng hindi itinawag, dinala naman kami ng guro sa harapan ng mga panginoon.
"Ang limang to ang napili? May ibubuga ba ang mga mahihinang mga babaeng ito?"
Tila nang-iinsulto naman ang tinig ng anak ng panginoong Edwardo na si Blake.
Palihim akong umirap, unang tunghay ko palang dito ay masama na ang timpla ko sakanya. Ayoko sa tulad nyang lalake.
"Anong akala mo? Kaya nga kami ang napili hindi ba?"
Rinig kong bulong ng isang babae sa tabi ni Andy. Palihim din akong ngumiti dahil rinig iyon ni Blake kaya tinitigan sya ni Blake ng masama.
"Ipasok dito ang apat na lalaking Feliecian para magsimula na ang pagpupulong." Sabi naman ng panginoong Edwardo.
Nag-taka ako, biglang bumukas muli ang malaking pinto ng court na isinarado matapos lumabas ang mga babaeng Feliecian. Binigyan ko ng tingin ang apat na matitipunong lalaking humahakbang papunta sa aming direksyon. Naka-ngiti ang tatlo ngunit ang seryoso ng isa.
Ng tuluyan na silang maka-lapit sa direksyon namin ay napa-tigil sila at tinitigan kami-- I mean ang mga kasama ko at napapa-sipol pa ang dalawa.
"Sila naba ang limang babaeng napili?" Tanong ng isa
Tumango naman si Blake at nilapitan ang apat na lalaki.
"Dahil kumpleto na tayo ay sisimulan ko na ang gagawing plano para sa misyon. Makinig kayong mabuti."
Lahat kami ay tumango sa bigkas ng panginoong Edwardo.
"Sahara, mabuti nalang at napili tayong dalawa! Ang saya ko! Akala ko maiiwan kita." Napapa-iling ako at hinaplos ang kanyang buhok.
Nandito kami ngayon sa loob ng aking dorm, dito sya palaging tumatambay sa dorm ko kaya hinahayaan ko nalang. Umupo ako ng mabuti ng may naisip ako.
"Sya nga pala, ngayon ko lang napansin. Akala ko isang kaharian lang ang nandito sa Velkan? Bakit may kaharian ng Lukresha?" Ngumiti naman sya sa tanong ko.
Hindi ko kasi alam, ibang libro kasi ang mga binabasa ko hindi tungkol sa kasaysayan ng Velkan.
"Eto kasi yon, sabi sa libro at ng ama ko mayroong apat na kaharian bukod sa Velkan."
Nangunot ang noo ko pero muling umayos ng upo. Mabuti pa itong babaeng to nagkakamabutihan sila ng kanyang ama saka dinadalaw sya ng kanyang ama mga isang beses sa isang buwan. She's lucky.
Sana nagbasa nalang ako ng libro. Parati ko kasi hinahakbangan ang librong patungkol sa mga kaharian dito sa mundo ng mga bampira. Ang mundo ng mga tao ang binabasa ko hindi ko alam mas gusto kong basahin ang mga libro patungkol sa mga tao. Ang weird ko, bampira ako pero mas gusto ko ang mga tao.
Huminga naman si Andy at nagpatuloy.
"Ayon sa ama ko, ng maging hari ang anak ni Haring Abraham e tila wala itong pakialam sa pag-mamahala sa mga bampira. Lumipas daw ang maraming taon e napabayaan ng bagong hari ang kanyang kaharian saka hindi batid ng nakararami ang dahilan kaya daw nagdesisyon ang dating hari na alisin ang anak sa trono pero bigla-bigla nalang daw nagkagana sa pamamahala ang bagong hari." Nangunot ang aking noo.
Napa-hawak ako sa aking dibdib ng nakaramdam ako ng bigat doon.
"Gumawa ng plano ang bagong hari na syang ikina-bigla ng mga konsehal lalong lalo na ang dating hari, at ang planong iyon ay... ang paglitaw ng apat na kaharian na nakapalibot sa Velkan. Sa hilaga, timog, kanluran, at silangan nakatayo ang mga bagong kahariang ginawa ng bagong hari at tanging nasa gitna lamang ang kaharian ng Velkan. Ang mga namumuno sa mga ito ang pinagpasyahan na maging bagong hari. Kaya tulad dito, nasasakop tayo sa kaharian ng Lukresha sa hilagang parte ng Velkan nasa pamumuno tayo ng haring Harold na siyang ating misyon."
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)