CHAPTER 1- ANG PAGTATAGPO

958 38 0
                                    

Victoria

Marahan kong hinaplos ang buhok ng natutulog kong kaibigan. Naglabas ako ng buntong-hininga dahil sa wakas ay nakatulog na ito. Hindi ito tumigil sa pag-iyak mula kanina at iyon ang ikinabahala ko.

Bakit ba nandito kami? Hindi dapat kami nandito. Nag-apply lang naman kami ni Andy bilang mga waitress sa isang restaurant. Pero heto kami, nakakulong sa isang napakalaki at nakakatakot na mansyon. Puwersahan nila kaming ipinasok sa nakakatakot na lugar na ito.

"Vivi..." Napatingin ako sa mukha ni Andy, namumugto na ang mata nito.

"I'm right here, Andy. Don't worry... sleep."

Kumanta ako ng isang lullaby para makatulog ulit ito. Halata ko ang pagod sa mukha niya,

Bumuntong-hininga ulit ako. What now?

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Halos nakatulog na rin ang mga kasamahan kong babae. Madaling umaga nadin ng makatulog sila dahil sa pagod kakaiyak at kakasigaw sa pintuan. Pero hindi nila pinakinggan ang mga hiyaw ng mga ito.

May kanya-kanya silang mga kama at double bed ang mga ito. At kung bibilanging kaming lahat, labing-walo kaming mga nandito at nakakapagtaka lang dahil labing-walo rin ang kamang narito. Napaka-lawak ng silid kung nasaan kami, kahit pa labing-walo ang bilang namin, e nagkasya kami at napaka-laki pa ng espasyo.

Napa-yakap ako sa sarili ng umihip ang malamig na hangin na nanggaling sa malaking bintana. Nakabukas ito at tinatangay nito ang puting kurtina. Lumapit ako roon. Hinawakan ko ang laylayan ng kurtina, mas lalo akong lumapit at tinanaw ang madilim na kagubatan. Tumungo ako para abutin ang pangsara ng bintana dahil nasa labas ito.

"Hi there."

Halos manlaki ang mga mata ko ng biglang may sumulpot sa harap ko, at ang mas nagpakilabot sa akin ay mapag-tantong nasa ere ito.

"Ahh-!"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko upang pigilan ako sa pag-sigaw. Pinag-susuntok ko siya sa dibdib pero parang wala lang iyon sakanya at hinila pa niya ako mula sa bintana. Yakap-yakap niya ako habang tila naka-litaw kami sa ere.

"Shhh... Don't make any noise, you might wake them up." Pilyo itong ngumiti habang tinitigan lang ako sa mata.

Marahan akong tumango at dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kamay nito mula sa bibig ko.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"W-who... who are you?" Naitanong ko habang pinipilit kong huwag mautal.

"Me? Well, I'm nothing. Napadaan lamang ako ng hindi ko sinasadyang masilayan ang iyong kagandahan. Napaka-ganda mong tingnan mula sa bintana, dalaga. Na tila, inaakit mo ako sa iyong alindog."

Napanganga ako. Bulag ba ang lalaking ito? Ako? Maganda? Biglang tumapat naman ang ilaw ng buwan sa mukha ng lalaking yapos ako ngayon. Napa-tigil ako. Ako dapat ang maakit, napaka-gwapong nilalang! Napakaganda ng mga mata nito na tila nang-aakit sa akin.

Itim na itim katulad ng kulay ng kadiliman, makapal ang mga kilay nito at napakahaba ng mga pilik-mata. Ang tangos rin ng ilong. Natapat ang tingin ko sa labi niya, napaka-pula!

Nagulat ako ng kumurba ang labi nito ng isang ngiti.

"Tila, nagustuhan mo na rin ako, dalaga." Pilyo niya akong nginitian.

Ang ganda... ang ganda niyang ngumiti. Napa-kurap-kurap ako. Bahagya ko siyang itinulak. Nailang ako at napailing,

"H-ha? Mali ka ng iniisip." Lumihis ako ng tingin, ramdam kong uminit ang aking tenga. Shit!

Naiilang ako sa mga tingin niya.

"Hindi ako nagkamali, maganda kang tingnan sa malapitan." Ngumiti ito. Dahan-dahan niya ako ibinalik sa loob ng bintana.

Ngumiti siya sa akin.

"Ito ang desisyon ko. Ikaw."

Muli siyang ngumiti at bigla na lang nawala sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at napa-atras. Tila puro mga maligno ang nakatira rito. Paano niya nagawang lumipad at biglang mawala sa harap ko? Ni hindi naman ako kumurap! Napayakap ako sa sarili ko sa takot. Kailangan na naming umalis lahat dito.

"Victoria!"

"Ah!"

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon