CHAPTER 45- SACRIFICE

284 15 0
                                    

Sahara POV

"Isa kang air user?"

Hindi makapaniwala kong tanong kay Haven dahil nakalipad kami, nakatakas kami sa mga nimbus at sa lalaking hindi ko nakita ang mukha.

"Yes."

Ikli niyang sagot.

Mas lalo niyang binilisan ang lipad, kaya napa-kapit ako sa beywang niya ng sobrang higpit.

Takot... takot na malaglag. Sumakit ng kaunti ang ulo ko nang may dumaang imahe. Isang lalaki at babae... sila'y magkayakap habang nasa harap ng bintana ngunit nakalipad. Mabilis kong ipinikit ang mata at umiling.

"Ayos ka lang ba?"

Bakas sa boses ni Haven ang pag-aalala.

Tumango ako.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa palasyo. Nasa himpapawid kami, kaya walang nakapansin sa amin. Ngunit halos malaglag ang panga ko nang makita kong nakarating na pala rito ang mga kawal na nakita namin kanina. Nasa loob na sila at ginagawa ang kanilang dapat gawin. Napa-pikit ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib ni Haven.

Hindi ko ata makaya ang mga nasaksihan ko. Napakaraming dugo, ngunit walang mga bangkay. Maaaring inihip na ng hangin ang kanilang abo pagkatapos nilang mamatay.

Ramdam ko ang paghawak ni Haven sa aking batok at ang paghigpit ng paghawak niya sa aking beywang.

Walang pasabing inilapit niya ang kanyang labi at inilapat ito sa aking natatabunang bendang noo. Napa-pikit ako ng wala sa oras.

"H-Haven."

Tinitigan niya ako at walang pasabing binitawan ang aking batok at beywang.

"Aahhh!!" Malakas kong tili.

Hindi ako makapaniwala na bigla-bigla nalang akong bibitawan ni Haven sa ere! At alam kong nasa tuktok kami noon ng palasyo. Waahhh! Ayoko pang mamatay!!

Sandali...

Ang tanga ko! Hindi pa ako mamamatay; isa akong bampira, kaya kong lumapat sa lupa ng walang kahirap-hirap. Hayy! Ang tanga ko rin minsan! Naimpluwensyahan lang ako ng pagbabasa ko ng mga libro ng mga tao. Tss. Pero hindi naman imposibleng masugatan ako dito, diba?

Mabilis ang naging pangyayari at mabilis din akong bumulusok sa kisame ng palasyo. Malakas ang impact ng pagkalaglag ko mula sa pinakamataas, kaya nasira ang kisame at nalaglag ulit ako mula rito.

"Aaahh!"

Hiyaw ko nang malaglag ako.

Napa-hawak ako sa aking noo dahil nahilo ako mula sa pagkahulog. Bwisit! Bwisit na Haven!

Walangya! At napapamura na talaga ako! Shit lang! Napa-hawak ako sa aking braso nang makitang may malaking sugat akong natamo mula sa kisame ng malaking palasyo.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at halos malaglag ulit ang panga ko nang makitang napakaraming mga mata ang nakatingin sa akin. Ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang pares ng mga maiitim na mata na nakatitig sa aking direksyon.

Siya! Siya yung kanina!

"Sahara!"

Napa-lingon ako sa pamilyar na boses.

"Andy!"

Thank God, she's safe!

Nakita ko rin sa paligid sina Miranda, Jonathan, Blake, at Chase. Napako ang tingin ko kay Megan na nakatayo sa tabi ng mga kawal. Isa nga siyang kalaban.

Ang hari, para yatang isang sampal sa mukha ang estado niya. Nakatali siya sa paanan ng trono niya.

"Paano niyo nagawa ito sa isang hari? Sino kayo?!"

Buong tapang kong sigaw sa mga kawal at sa mga Nimbus, lalo na sa lalaking mariin ang titig sa akin.

Napaigtad ako sa sakit nang may mga braso na mahigpit na kumapit sa magkabila kong kamay.

Mga Nimbus! At shit! Isang mura pa, ang lalakas ng hawak nila! Hindi ba nila alam na may sugat ako?! Wala nga silang awa!

"Kami? We're from the Center Kingdom."

Napa lingon ako sa nagsalita.

Maaliwalas ang mukha nito at alam kong pala ngiti ito, nasa tabi sya ng lalaking nakakapanindig-balahibo. Pero ang nakakapag taka ay napaka pamilyar ng kanilang mga mukha para sakin.

"Stop making chats, let's just end this now."

Kita ko ang pagka-bored sa mukha ng isa namang lalaki na nasa kabila din ng lalaking tahimik lang.

Center? Ang kaharian ng velkan? Ang sentrong kaharian?

"Slaughter."

Tila napugto ang hininga ko ng magsalita ang nakakatakot na lalaki.

Napaka lamig ng kanyang boses at ni anong emosyon ay wala kang makikita sa kanyang makisig na mukha.

Sino ang lalaking ito? Bakit tila... tila nakita ko na sya?

Bumilis ang paghinga ko ng lumakad ito palapit sa hari. Nagpumiglas ako sa hawak ng dalawang nimbus ngunit para lamang akong isang lantang gulay sakanila.

Bat ba ang lalakas nila?!

"M-m-ma-mahal n-na h-h-hari..."

Nagulat ako sa panginginig ng boses ng haring Harold habang naka tingin sa papalapit na lalaki sakanya.

Ano? Hari? Ang ibig niyang sabihin...

"Slaughter."

Ulit nitong bigkas sa ganoong tono, malalim at malamig.

"P-patawad! P-patawarin mo ako, mahal na hari!"

Lumaki ang mata ko sa tinuran ng haring Harold.

Sino ba talaga ang nilalang na ito?! Bakit ganun nalang ang takot sa mukha ng hari?

"I will slaughter any kingdom that disobeys me."

At ano daw?

Bumaling sa amin ang tingin ng nakakatakot na lalaki hanggang sa ang malalim at malamig niyang mga mata ay dumapo sa akin. Nanginig ang aking mga kalamnan.

Nakakatakot ang mga titig niya.

"Patayin silang lahat."

Narinig ko ang pagsinghap ng nakararami. Tuluyang nanginig ang aking mga paa kaya nasalampak ako sa sahig. Nabitawan na rin ako ng mga may hawak sa akin. Ito ang unang misyon, ito rin pala ang aming katapusan. Napapikit ako.

'Hindi maaari.'

Samu't saring ungol ang aking narinig, mga nagmamakaawa, mga nagkukumbinsi upang huwag paslangin ngunit ang tunog na lamang ng espada ang huli kong narinig ng tila nabingi na ako sa mga desperada nilang pakikisamo.

Napaka-lupit... Ang lupit ng lalaking ito!

"Aahh! Bitawan ninyo ako!"

Napa mulat ako ng wala sa oras ng marinig ko ang inda ni Andy.

"Andy!!"

Hiyaw ko ng hilahin siya ng isang kawal.

Hindi pa gaanong hasa si Andy sa kanyang kapangyarihan kaya alam kong hindi niya kaya ang kawal na iyan sapagkat nakatali siya at lalong lalo na ay napaka laki ng kawal na may hawak sakanya.

Ramdam kong nag init ang aking mga mata ng masaksihan kong inambahan siya ng espada sa dibdib.

'Hindi ako makakapayag!'

Mabilis akong nawala sa aking puwesto.

...

"S-sahara."

Utal nitong tawag sa aking pangalan. Pinilit kong ngumiti.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi, habang siya ay hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"A-a-andy."

Naka ngiti kong turan bago sumalampak sa kanya dahil sa kawalan ng lakas.

Ramdam ko ang matulis na espada sa aking tiyan. Oo, sinalo ko ang saksak na dapat ay para kay Andy. Ako muna ang mamamatay bago nila mapaslang si Andy. Hindi ko alam ngunit ramdam kong tila wala akong magawa upang iligtas siya sa mga imahe sa aking isip. Kaya nais ko itong tuwirin, nais kong may magawa bago nila mahawakan ang aking munting kaibigan. Ramdam ko ang mainit na likidong lumabas sa aking bibig.

Napangiti ako ng mapakla bago mabilis nilukob ng dilim.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon