Victoria
Abala ako sa pagbabasa ng notes. Ng matapos ko iyon ay inilapag ko ang libro sa aking desk. Nandito ako ngayon sa classroom namin, isang linggo na rin ang nakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang chismis tungkol sa akin.
Nubayan, at isa pa itong si Sheila hindi ba naman umuwi ng ilang araw. Pero nag-text naman siya sa akin sabi niya mag-stay muna siya sa bahay ng parents niya. Napatayo kaming lahat na nasa loob ng classroom ng pumasok si Sir Jones.
Napansin ko kaagad ang madilim nitong mukha. Tumingin ako sa ibang direksyon, simula ng nangyari noong nakaraang linggo ay hindi ko ito pinagbibigyan ng pansin.
Nakikinig lang ako sa klase niya pero hindi ko siya tinitignan kahit bawat tanong niya sa akin niya lahat tinatanong.“Take your seat. And Ms Sanchez, see me at my office at the end of class.”
Nagdadalawang isip pa ako bago tumango. Buong klase akong lutang. Ano kaya ang pag-uusapan namin ni Sir? Haist! Isa-isa kong niligpit ang aking gamit at tumayo na dahil tapos na ang klase.
Habang tinatahak ko ang office ni Sir ay napapaisip ako sa maaaring mangyari. Napa-tampal ako sa noo. Mahigpit kong niyakap ang aking libro sa dibdib.
Tumigil ako sa harap ng pinto sa office nito.
“Hoo.”
Huminga muna ako bago pinag-pasyahang buksan ang pinto.
“Sir?”Hindi muna ako pumasok ng tuluyan, nangangamba pa rin ako.
“Come in.”
Napa-tango-tango ako at dahan-dahang pumasok. Mabilis kong napansin ang babaeng naka-upo sa harap ng desk ni sir Jones.
“Sheila?”
Naka-upo ito sa isang upuan, tumingin siya sa akin at napansin ko ang mugto niyang mata. Mabilis akong lumapit sa kanya.
“Anong nangyari? Ha?” Hinawakan ko ang kanyang mukha.
“V-Victoria…”
Niyakap niya ako ng napakahigpit. Anong nangyari sa kanya?Sheila
Mahigpit akong napayakap kay Victoria. Ayoko nang bumalik pa kay Hayes. Please… ayoko na.
“Sshh. Sshh. Tell me, anong nangyari?”
Hindi ko mapigilang ngumiti, ngayong nandito na si Victoria hindi ako mapag-bubuhatan ng kamay ni Hayes. Alam kong parang ginagamit ko si Victoria pero si Victoria lang ang kahinaan nito. Ni saktan si Victoria ay hindi nito magagawa gayong napaka-walang awa nito sa amin. Ang kinatatakutan ko lang ngayon ay ang maaaring sabihin ni Hayes sa kanya.
“Take a seat, Victoria.”Umupo naman ito sa harap kong upuan habang nasa harap kami ng desk ni Hayes. Napapikit ako. Natatakot ako. Isa lamang akong alipin na binili ni Hayes.
Wala akong laban sa isang tulad niya. Kaya niya kaming paglaruan kahit kailan niya gusto. Ako ang inatasan niyang maging malapit kay Victoria upang bantayan ito para sa kanya. Ngunit, nang malaman niya ang nangyari sa kanya, mula nang napabilang si Victoria sa Mecca ay buong araw niya akong pinarusahan.
Ramdam kong nanginginig ang aking kamay pero hindi ko iyon pinahalata kay Victoria. Malalagot ako kay Hayes, magaling akong magtago ng anumang emosyon pero sa loob-loob ko, gusto ko itong ilabas. Hindi niya ako pinaslang dahil ang sabi niya may pakinabang pa ako…
“Bakit n’yo po ako pinapunta dito, Sir Jones?”Napa-tingin ako kay Victoria nang nagsalita ito. Pansin kong tinapunan ako ng tingin ni Hayes. Isang tingin na ang tulad lamang namin ang nakaka-alam.
“Ms Sanchez, napag-isip mo ba ang sinabi ko sayo a week ago?”
Kita kong napatigil si Victoria. Nanatili akong tahimik. Sheila… k-kahit anong mangyari huwag kang magsalita. Wag ka magsalita, ayoko pang mamatay.
“T-tungkol doon…”
Pansin kong nagdadalawang isip si Victoria habang sumasagot. Imbis na magbigay ng malungkot na tingin ay tiningnan ko ng naguguluhang tingin si Victoria.
Huwag kang pumayag… please, wag.Victoria
Nanlalamig ang aking kamay.
“B-bakit n’yo po ako sinabihan na siyam na buwan na lang ang natitira kong buhay? Alam n’yo ba kung paanong hindi ako makatulog sa kakaisip ng tungkol doon?”
Tinitigan ko si Sir Jones at napansin kong titig na titig ito sa akin.
“What I said is all the truth, Victoria. Just come to me, then I will help you. I will sacrifice everything for you.”
Napa-tingin ako kay Sheila, pero umiwas ito ng tingin. W-what is happening? May alam ba si Sheila? Hinawakan ko ang kamay ni Sheila.
“Sheila, tell me. Why are you here? May sinabi ba si Sir Jones sa’yo?”
Niyugyog ko ang braso niya pero tikom parin ang kanyang bibig. Binalingan niya ako ng tingin at kumunot ang kanyang noo.“A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan, Victoria. Walang sinabi si Sir Jones sa akin, Bakit? May sinabi ba siya sa’yo?” Naguguluhan ako.
Parang biglang umiba yata ang ekspresyon niya… kanina lang ay… Binalingan ko ng tingin si Sir. Nakangisi ito sa akin. Parang may mali…
“Ang sabi mo noon, a-alam mo kung bakit ako buntis hindi ba Sir? Ngayon, sabihin n’yo po kung bakit ako buntis ngayon.”
Nanginginig ang aking labi habang sinasabi ko iyon. Napakalakas ng aking pakiramdam na may alam nga siya kung bakit ako buntis. Kung bakit bigla-bigla nalang akong nagising sa hospital na walang kaalam-alam sa nangyari sa akin sa kagubatang iyon. Gusto kong malaman ang mga nangyari.
Kung bakit namatay si Andy at kung bakit buntis ako ngayon. Ayokong maging mangmang sa mga nangyayari, akala ko ba pandalihan lang ang pagkawala ng aking alaala? Na babalik daw ito sabi ng doctor?Napa-baling ang tingin ko kay Sir Jones ng tumayo ito at umikot mula sa lamesa at tumigil sa aking harap. Napa-kislot ako ng hawakan niya ang hibla ng aking buhok.
Pinaglaruan niya ito ng kanyang kamay.
“Then, remember everything.”
Tinignan niya ako sa mata at ganun din ang aking ginawa. Yumuko siya at pinantayan ang aking mata, nagulat ako ng pumula ang mga mata nito.
“A-anong…”
“Titigan mo lang ang aking mga mata, Victoria.”
Napa-lunok ako ngunit sinunod ang kanyang sinabi. Anong mangyayari kapag tinitigan ko ito?
“Ugh!”
Napa-hawak ako sa aking ulo, Bigla itong sumakit na parang pinipiraso. Napa-sabunot ako sa aking buhok ng tila mas lalo itong sumasakit.
Umiikot ang sari-saring alaala sa aking isipan. Ang mansyon. Ang kagubatan. Si Andy. Mga b-bampira? Bakit ito lumalabas sa aking isip? Hindi! Anong nangyayari?
“Ahh! Hindi! Wag! Wag niyo siyang kunin! Andy!”
Hindi. Hindi! Saan nila dadalhin si Andy? Bampira… mga bampira sila. Walang awa nilang pinaslang si Andy! Mga demonyo sila!
“Victoria! Tumigil ka! Nimbus! Dalhin sa akin ang babaeng iyan ng buhay. Bilisan ninyo!”
“AAAAAHHHHHH!”
Nahulog ako… sa isang bangin. Nasa dulo ako ng kagubatan… bakit parang may humahabol sa akin? P-pero may tumulak sa akin. Sino siya? Bakit niya ako tinulak?
“Victoria! Victoria!”
Napa-mulat ako ng mata, at bumungad sa akin ang mukha ni Sheila. Umiiyak ito. Napa-tingin ako sa likod niya. Hindi ko alam, pero parang nawawalan ako ng hininga habang isa-isa kong pinoproseso ang alaalang pumasok sa aking isip, inaalam ang bawat pangyayari.
Napa-tayo ako ng humihingal sa pag-kakahiga sa sahig. Ramdam ko ang ilang butil ng luhang lumandas sa aking pisngi.
“I-ikaw… i-isa kang b-bampira?”
Hanggang dito ba naman ay makaka-tagpo muli ako ng bampira? Hindi makapaniwala na bigkas ko. Ngumiti ito na syang nagpa-kilabot sa akin. Dali-dali kong hinila si Sheila papunta sa akin.
“Sheila, umalis na tayo dito.”
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirosVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.