CHAPTER 2- TWO DAYS BEFORE THE "MECCA"

816 30 0
                                    

Victoria

"It's me, Andy!" Niyakap ako nito at hinimas ang aking likuran.

"Ha! It's you..." Napabuntong-hininga ako, mabilis kong isinara ang nakabukas pang bintana at bumalik kami sa higaan namin.

"Mabuti pa matulog na tayo." Inayos ko ang higaan namin.

"Okay ka lang? Natakot yata kita. I'm sorry."

"No, wag ka humingi ng tawad. Matulog nalang tayo." Tumango ito at tumabi sa akin.

Pilit kong ipinikit ang aking mata at nagpatangay sa antok. Naalimpungatan ako at nagulat sa malakas na pagsigaw ni Andy.

"Victoria! Huk! Victoria! Gising! Victoria!"

Napamulat ako ng mata dahil sa ingay.

"Andy? Saan n'yo dadalhin ang kaibigan ko?" Mabilis akong tumakbo sa direksyon nila.

Kinakaladkad nila si Andy palabas ng kwartong ito. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang ibang mga babae pero hindi sila tumutulong. Parang silang takot sa mga Nimbus na kumakaladkad kay Andy.

"Andy!"

BLAGG!!

Biglang nagsara ang pinto ng kwarto, napasigaw ako sa inis. Naluha ako. No... No please, no.

"ANDYY!! OPEN THE DOOR!!"

Kinalampag ko ang malaking pinto at ramdam ko ang sakit ng palad ko sa bawat hampas ko doon.

"AAHH!" Sumigaw ako ng sumigaw ngunit tila walang nakakarinig. Napa dausdus ako sa paanan ng pinto.

"Andy... no... ibalik n'yo siya."

May naramdaman akong humawak sa braso ko. Tumingala ako.

"Hindi namin alam kung anong gagawin nila sa kanya. I'm sorry... wala kaming magagawa, hindi natin sila kaya."

I just looked at her, habang ang luha ko ay tumutulo pa rin. Inalalayan nila ako sa aking kama at pinaupo doon.

Ginamot nila ang kamay ko, nakapasa ako roon. Nilagyan lang nila ng gamot.

"Ano bang nangyari? Bakit tayo nandito? Anong gagawin nila sa atin?" Rinig kong sabi ng isang babae at humagulhul.

"Para na lang tayong mga ibong di makalipad. Ikinulong na nila tayo. Wala na tayong kawala."

Nagsimulang umiyak ang lahat, habang ako ay nanatiling tulala.

Lumipas ang dalawang oras, tumahan na rin ako. Pumikit ako at bumuntong-hininga. Kailangan kong alamin kung saan nila dinala si Andy. I need to save her. But first, I need to get out of this room.

"Magandang araw, mga binibini!"

Nabaling ang atensyon naming lahat sa pinto ng pumasok roon ang ginang na nagdala sa amin dito may kasama na siyang limang Nimbus sa kanyang likod. Nimbus ang tawag niya sa mga ito at alam kong hindi sila normal na mga nilalang. Bigla silang sumulpot sa harap namin sa araw nang aming pagdating dito na tila nagmula sila sa kawalan.

"Sa araw na ito, dalawang araw mula ngayon ay magsisimula ang aming tradisyon na tinatawag na MECCA. Pumipili kami ng mga kababaihan upang ihandog sa aming mga panginoong kinakailangang magkaroon ng tagapagmana. At swerte kayo sa panahon na ito ay idadaraos, sasali ang aming kataas-taasang anak ng hari. At napakasaya ko dahil nakapili na siya mula sa inyo! HAHAHA!"

Napa pikit ako, napakuyom ko ang aking palad sa kanyang halakhak. Tumayo ako at naglakad malapit sa kanila.

"Nasaan siya?" Buong tapang kong tanong. Tumigil ito sa kanyang halakhak at pinagkatitigan ako.

"Nasaan si Andy! Ibalik n'yo siya sa akin!" Tumulo ulit ang luha ko sa sigaw na iyon. Pero tinitigan lamang ako nito ng blanko.

Lumapit pa ako, tinitigan ko siya sa mata. At hindi ko ikakailang nakakatakot ang kanyang titig.

Napalunok ako.

"Ang babaeng kinuha n'yo kanina. Ibalik n'yo siya dito." Nakita ko siyang ngumiti ng nakakatakot.

"Gusto mo siyang makita?" Tumango ako ng sunod-sunod. Pero ngumiti lang ito.

"Ipasok ang bangkay!" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. B-bangkay? Lumihis ang tingin ko sa pinto.

Kitang-kita ko ang buhat ng isang Nimbus papasok. Tumakbo ako papunta sa kanya. Tinapon naman nito ang kaibigan ko sa akin at parang tumigil ang paligid ko. Unti-unting lumipad palapit sa akin ang katawan nya, sinalo ko ito.

Ramdam ko ang lamig ng katawan ni Andy. Napa hagulhul ako ng hindi ko mahanap ang kanyang pulso.

"Ahhh! Andy! No! Andy gising!"

Niyugyog ko sya sa balikat pero hindi sya nagising. Niyakap ko sya ng napakahigpit.

"Andy! Please!!"

Sinapo ko ang mukha nya, halos wala na itong kakulay kulay napaka putla nito na parang patay!

Na agaw ng pansin ko ang leeg nya ng may dalawang maliit ngunit bilog na sugat roon, mayroon din syang mga ganon sa kamay, dibdib, paa, at ng tingnan ko ang tiyan nya mayroon din itong sugat na ganoon.

"V-vampire bites?"

Hindi makapaniwala na bigkas ko, at halos lahat sa mga babaeng kasama ko ang humiyaw sa sinabi ko.

"You're right, dear." Napatingin ako ng matulis sa babaeng nasa tapat ko, naka ngiti lang ito habang tinitignan ako.

"We are vampires."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at halos lahat sa mga babae ay umiyak at humagulhul sa nalaman.

"At ang mga sinasabi kong darating dalawang araw mula ngayon, they are also vampires. They will chose among all of you to satisfy their needs. Not just in sex... but also to drink your bloods."

Humalakhak ito bago umalis. Kinuha rin nila ng sapilitan ang bangkay ng kaibigan ko. Habang ako pinipigilan ng mga babaeng kasama ko para sundan sila. I want to take my friend. Andy... im sorry.

"Ano na ang gagawin natin? Natatakot na ako. Huhuhu!"

"Pagsasamantalahan nila tayo! At hindi lang yon! Papatayin nila tayo gaya ng ginawa nila sa andy kanina!"

"Sana naniwala nalang ako sa mama ko. Dapat hindi ako nagpadala sa uto."

"We are done. Wala na tayong kawala. Isang araw na lang darating na ang sinasabi nilang mga panauhin."

Tahimik lamang ako sa isang sulok.

Hindi na rin ako umiiyak ngunit parang gusto ko nang mamatay. Wala na si andy. She's gone... forever.

May naramdaman akong humaplos sa aking likod. Ang gumamot sakin kanina at Lily raw ang pangalan nya.

"I'm sorry sa nangyari. Pero magpakatatag tayo. Makaka alis din tayo dito." Napatitig ako sa kanya.

Ngumiti ako.

Yes, makaka alis din kami dito. Napatingin ako sa labas ng bintana at halos dumilim na ang paligid.

Gaya kanina ay may nagdala sa amin ng pagkain at pag katapos non ay nag linis kami ng katawan sa CR ng kwartong kinasisidlan namin. Natapos akong naligo pero hindi ako kumain, alam kong malalim na ang gabi pero gising pa rin ako.

Naka upo ako sa malaking bintana at tumanaw sa malayo. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang lalaking aking nakilala sa bintanang ito. Ngumiti ako ngunit biglang nawala. Isang butil ng luha ang lumandas sa aking pisngi at di ko mapigilan umiyak.

"Andy... Andy please, rest in peace."

Naka pikit kong ani at dinamdam ang lamig ng simoy ng hangin. Nanatili akong ganoon.

Napagpasyahan kong matulog, Kaya isinara ko ang bintana pero napa tigil ako. Pakiramdam kung may naka tingin sa akin.

Dali dali kong isinara ang bintana sa takot at dumiretso sa aking kama.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon