Hayes JonesMarahan kong hinaplos ang pisngi ng aking pinakamamahal na babae. At last... for almost a hundred years. I embrace her. I will never ever let you die again Victoria. I promise.
I felt my tears flow through my cheeks, damn. I was fucking happy. I look at her angelic face, in this life… I will surely make you live.
“I love you, my Victoria.”
I kissed her head.
“I won’t let you die. Kahit patayin ko pa ang bata sa iyong sinapupunan.”
I carry her bridal style. Tumalon ako ng mataas at binalanse ang sarili sa isang sanga ng puno at sunod-sunod ding tumalon sa ibang puno papunta sa aking mansyon.
Masukal ang kagubatang ito na tangin ako lang ang nakaka-alam. This is my territory, even ‘them’ don’t know this place. At wala akong balak na magkaroon sila ni katiting na kaalaman sa lugar na ito. But still…
I only prepare this place for me and for my wife… Victoria.
Naningkit ang aking mga mata. I will surely make Victoria fall in love with me… I will… like before.
Victoria
“Napaka ganda mong tignan mula sa bintana, dalaga. Na tila, inaakit mo ako sa iyong alindog.”
S-sino ka? Bakit hindi ko makita ang iyong mukha?
“Ito ang desisyon ko. Ikaw.”
Anong ibig mong sabihin? Magpakilala ka. Sino ka?
“Hmm.”
Dahan-dahan akong napamulat ng aking mata. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa isang kwarto ako, napa-tingin ako sa naka-glass ngunit naka-sirang bintana.
Madilim na sa labas.
“S-sandali… si Sheila!”
Mabilis kong hinawi ang kumot sa aking katawan ngunit napatigil ng mapansin kong iba ang aking kasuotan. Isang kulay asul na bestida ngunit napaka ganda ng disenyo. Off shoulder ito… pero, sinong nagpalit sa akin?
Napa-tingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Mahigpit akong napa-hawak sa kumot habang nakaupo sa kama.
“Bakit mo ako dinala dito?”
Ngumiti ito at lumapit sa akin, pinatong niya muna ang dala-dala niyang tray sa lamesa dito sa loob ng malawak na kwarto.
Pagkatapos niyang nilapag yon ay lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Doon ko nasilayan ng buo ang kanyang kabuuan. Hindi na ito naka-suot ng glasses at iba na rin ang ayos ng kanyang buhok. Iba kasi ang ayos niya kapag nasa school na parang nilalagyan niya ito ng gel o anu para maging maayos tignan pero ngayon parang ang lambot nitong hawakan. Iba narin ang kanyang kasuotan ngunit napaka gandang tingnan sakanya.
“Maayos ba ang pakiramdam mo?”
Pati ang pagsasalita nito, napaka malumanay ng tono ng kanyang pagkaka-tanong. Napa-pitlag ako ng hinawakan niya ang aking noo na parang ini-examine iyon pero napa-tigil ng napansin niyang nakatingin ako sakanya. Ngumiti siya at ramdam kong dumadausdos ang kanyang kamay mula sa aking noo papunta sa aking pisngi.
“Pamilyar ba ako sa’yo, Victoria?”
Ang lambing ng tono ng kanyang pagsasalita. Pati ang mga mata niya napaka malumanay kong tumingin sa akin at ngayon ko lang napansin na kulay asul pala ang kulay ng mga mata nito.
Napaka gwapo nga niya. Nagulat ako ng idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at pumikit.
“A-anong ginagawa mo?”
Hindi ako makagalaw… tila, ibang tao ang nasa harap ko.
“H’wag kang gumalaw. Ka’y tagal ko itong hinintay noon, at sa bawat taon na nakalipas ay nagdusa ako sa iyong pagkawala. Ni Nais ko ring sundan ka, Victoria. Pero hindi ko nagawa… dahil nangako ako sa’yo at alam kong babalik kang muli. Hinintay kita, kahit masakit… hinintay kita kahit matagal. Tiniis ko ang lungkot ng nag iisa, Victoria. Dahil, dahil mahal kita…”
Napansin ko ang luhang lumalabas sa naka-pikit niyang mata. Napa-hawak ako sa aking dibdib ng tila nakaramdam ako ng kirot mula doon… ang kanyang salita.
Ilang taon siyang nagdusa dahil sa akin? Ilang beses siyang naghintay? Alam ko kong gaano kasakit ang maiwan ng minamahal dahil nangyari na ito sa akin.
Ang aking mga magulang, I was 13 when they died. Kaya maagang taon akong kumayod para sa sarili.
Hindi ko alam kong bakit pero gumalaw ang aking mga kamay at hinawakan non ang pisngi ng lalaking naka dikit sa aking noo. Pinunasan ko ang kanyang luha.
Authors POV
Nagulat si Hayes ng may dalawang mainit na kamay ang dumapo sa kanyang mukha at pinunasan non ang kanyang lumalandas na luha. Napa mulat sya at naabutan nito ang nakangiting mukha ng babaeng kanyang inaasam asam. Ang babaeng pinaglaanan nito ng kanyang pag ibig ng magpakailanman.
Napalayo ng kaunti ang binata, hinawakan nito ang kamay ng dalaga mula sa kanyang mukha at nagpakawala ng isang napakagandang ngiti sa labi na hindi nito naipapakita mula ng mamatay ang pinakamamahal nitong babae.
"Please, remember me again." Puno ng hinanakit ang tuno ng binata.
Hinalikan nito ang palad ng dalaga.
Makikita sa mukha ng dalaga ang lungkot at pagka lito. Hindi nito alam ang gagawin. Muling tinitigan ng binata ang dalaga ng puno ng pagmamahal.
"Patawarin mo ako, patawad sa mga nagawa ko sa'yo nitong mga nakaraang araw."
Sinserong paghingi ng tawad ng binata, walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang tumango.
Ramdam nyang totoo ang paghingi nito ng tawad.
"Sya nga pala, nag handa ako ng pagkain para sa iyo."
Naka ngiting turan ng binata at dahan dahang ibinaba ang kamay ng dalaga bago tumayo at kinuha ang tray ng pagkain mula sa mesa.
Inabot ito ng dalaga at nag simulang kumain ng tahimik. Matapos nitong kumain ay nagpasalamat ito.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.