CHAPTER 7- ANG BABALA

596 31 0
                                    

Victoria

Napa-higpit ang hawak ko sa aking mga kamay, nandito ako ngayon sa office ni Sir Jones at kami lang dalawa ang nandito habang ako naka-upo sa harap ni Sir bago ang table nya. Pero ipinatong lang niya ang dalawa niyang kamay sa table at nangalumbaba doon.

"Sir... Ano pong problema?" Pag-babasag ko sa tahimik na silid.

Napansin ko itong bumuntong hininga at inayos ang kanyang glasses sa mata bago ako tinitignan ng napaka-seryoso.

Namamawis na ako ng malamig.

"I heard you have amnesia? I'm right?" Tumango-tango ako.

"So, hindi mo alam kung bakit ka nabuntis?" Nagulat ako sa naging tanong nya pero marahan parin akong tumango.

"Are you aware that you're running as a Summa Cum Laude, right?"

Napayuko ako, naluluha na ako.

"Y-yes... at nakapag-desisyon na po ako."

"And, what is your decision?" Napa-lunok ako.

"H-Hindi ko na po ipagpapatuloy ito. For now, iisipin ko po muna ang sarili ko at ang bata sa sinapupunan ko dahil kong ipagpapatuloy ko po ito baka mapapabayaan ko yong sarili ko para lang makapasa bilang isang Summa Cum Laude."

I already made up my mind, kahit masakit. Dahil nag-hirap ako para lang makapag-tapos bilang isang Summa cum Laude pero hindi ko naman kayang pabayaan ang sarili ko lalo na't buntis ako. Napa-pitlag ako ng bigla nalang hinawakan ni Sir Jones ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.

"Your fate is so cruel." Nakita ko itong ngumiti. Pero biglang sumeryoso.

"You only have 9 months to live. But, if you beg me. I will help you." Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinitigan ito ng naguguluhan.

"Anong ibig mong sabihin, Sir Jones?" Napa-tayo na ako. Hindi maganda ang sinasabihan ka ng ganyang bagay.

Anong siyam na buwan na lang ang nabibilang kong buhay?

"What I mean is, I know why... why you're pregnant." Ngumisi ito sa akin at muling nangalumbaba sa lamesa.

Napa-atras ako ng isang hakbang. Habang tinitigan lamang ako nito ng naka-ngisi. Sunod-sunod na akong napa-atras at tumalikod na ako at tumakbo palabas sa office nito.


Hayes Jones

Hindi ko napigilang humalakhak ngunit agad ring napa-tahimik. Buong lakas kong tinabig ang mga gamit na nakapatong sa aking desk.

"FUCK!"

I cursed out loud. Just fuck! For over 20 years! Fuck! Sinubaybayan ko ang pag-laki ni Victoria, mula ng ipinag-buntis sya ng kanyang ina hanggang sa isinilang sya. I was there! I was fucking there right in that moment!

Ang akala ko okay na ang lahat. I was fucking dumb!

"FUCKING ALEXUS! FUCK YOU!"

Inagaw nya sa akin si Victoria, nagngingitngit ako sa galit. Ramdam kong pumula ang aking mga mata. Victoria only has 9 months to live, sa araw mismo na ipinanganak nya na ang batang nasa sinapupunan nya ay papaslangin sya. Hindi maaaring mabuhay ang mga human brides na naka-siping ng isang pure blood. They kill them to make their offspring purebloods.

Kapag namatay ang ina mas mananaig ang dugo ng ama, making them pure blood vampires. It's our laws, we don't need brides. We only need to make offspring for our new generation. The law of vampires.

"AAHHHH!"

Binaliktad ko ang lamesang nasa harap ko. Sunod-sunod ang aking paghinga. Walang sino mang bampira ang may lakas ng loob na labagin ang batas na ginawa ng hari. The law of the vampires, kung sino man ang lumabag... Napapapikit ako at kinalma ang sarili. I felt a tear flow through my cheek.

"Victoria."

I spoke, napa-upo ako sa sahig.

I live hundreds of years waiting for you... I was one of those vampires who is against this law.

Hindi masidlan ang saya ko ng malaman kung isisilang kang muli sa mundo pero parang pinag-bagsakan din ako ng langit dahil sa mga nangyayare.

Victoria...

"... my wife."

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon