Sahara POV
"Ano ba?! Hahayaan mo lamang iyang mangyari? Nahihibang ka na, Sahara! Wala kang awa!" Nakagat ko ang labi sa sigaw nito sa akin.
"Hindi ikaw ako, Victoria. Ilang beses ko bang sasabihin iyon?!"
Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Natahimik ito at muling umiyak.
"Bakit? Kailan mo ako tatanggapin? Kung kailan huli na ang lahat? Ayokong pagsisihan mo ang naging desisyon mo, Sahara."
Bigla itong nawala, at muling dumilim ang paligid sa pagkawala nito, ngunit kaya ko namang makakita. Napa-buga ako ng hangin at napapikit. Walang awa ba ako? Naguguluhan lang naman ako at hindi alam ang gagawin.
"Ina..."
Napaangat ang aking tingin nang biglang bumukas ang pinto ng silid na ito at bumungad sa akin ang gwapong binatang anak ng hari.
"Narinig ko ang inyong usapan."
Seryoso nitong ani at lumapit sa akin.
"Tama siya, Ina. Kayo'y iisa. Bakit hindi mo siya tanggapin upang hindi ka naguguluhan? Kapag tinanggap mo ang liwanag na iyon, lalabas ang totoo mong kapangyarihan. Hindi nagsisinungaling ang isang tulad nito. Siya ang iyong gabay, Ina. Kaya tanggapin mo siya."
Mabilis akong niyakap nito matapos sambitin ang mga katagang iyon. Napa-pikit ako at yumakap pabalik sa kanya.
"Nasaan ang iyong ama?"
"Nasa hardin, nanganganib siya. Nakikita ko ito sa aking prediction." Kumapit siya sa aking braso at naiyak. "Ina, tell me... hindi mamamatay ang ama ko, 'di ba? Hindi siya mamamatay, 'di ba?"
Nanlambot ang aking mukha sa puno ng luha nitong pisnge. Mabilis kong pinahid ang mga luhang iyon at hinalikan siya sa pisnge.
"Hindi. Hindi mamamatay ang iyong ama, Valmire. Hindi ko hahayaan iyon."
"SAHARA! SI SAHARA!"
Napa-lingon ako sa gawing kanan nang may narinig akong tinig. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Andy at Chase na mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nabitawan ko ang kamay ni Valmire dahil doon.
Narito kami sa pasilyo ng kaharian upang tahakin ang daan palabas. Kailangan kong tumulong.
"Andy, mabuti't ligtas ka."
Natutuwa kong sabi dito, ngunit nag-iba ang kanyang ngiti.
"Nasa panganib ang sentrong kaharian, Sahara. Hindi namin alam kung anong mga nilalang ang lumulusob dahil hindi sila natatablan ng mga armas na ginagamit namin. Natatablan lamang sila kapag ginamit natin ang ating mga kapangyarihan sa kanila."
Tumango ako. Ano nga bang nilalang ang mga ito?
"Ang iba? At bakit kayo nandito? Akala ko umuwi na kayo ng Lukresha?" taka kong tanong, napa-tingin kay Chase.
"Hindi kami umalis; balak ka naming iligtas ngayon, ngunit ito ang bumungad sa amin. Kaya halika na, Sahara. Umalis na tayo bago pa tayo mapaslang ng mga kakaibang nilalang dito!"
Hinila ako nito, ngunit pinigilan ko siya.
"Sahara?"
Taka nitong tanong at tinitigan ako. Napa-ngiti ako sa kanya.
"Hindi ako aalis. Kayo ang dapat umalis dito, Andy. Napaka-delikado ng sitwasyon ngayon sa Velkan. Ayokong mapaslang ka."
Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin? Sahara, umalis na tayo dito sa lalong madaling panahon! We're all gonna die if we stay a little longer! Please, Sahara, please!"
Napa-pikit ako at inalis ang braso nito sa kamay ko.
"Go."
Tinitigan ko si Chase at kinausap sa isip, na sinang-ayunan niya lamang. Hinila nito si Andy sa braso, ngunit pilit na nagpumiglas si Andy. Alam kong sumigaw ito bago sila nawala sa aking harapan.
Napa-lingon ako kay Valmire at naluluhang hinalikan ang tungki ng kanyang ulo, niyakap ito ng kay higpit.
"Kailangan mo na ring lumisan, anak."
Nanlalaking mata niya akong tinignan.
"Naaalala mo na ba ako, Ina?"
Ramdam ko ang saya sa tono nito. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan. Kay tagal ko itong pinangarap, sobrang kay tagal.
"Hindi pa ng lubos, Val. Hindi ko pa tuluyang natatanggap ang kanyang liwanag."
Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa aking dibdib. Napa-ngiti ako.
"Okay lang, Ina. Basta naaalala ninyong mayroon kayong anak, ay maayos na sa akin."
Dahan-dahan kong hinaplos ang malambot nitong buhok.
'Handa ka na ba, Sahara? Pinakita ko na sa iyo ang mumunting alaala noon, kaya nais kong maghanda ka dahil marami pa ang iyong malalaman.'
Bahagya akong tumango sa salita ni Victoria mula sa aking isip.
"Val."
Umangat naman ang tingin sa akin ng gwapo kong anak. Napa-ngiti ako at pinagmasdan ang mukha nito. Manang-mana siya sa kanyang ama, ngunit namana niya ang kulay ng aking mga mata.
"Ina?"
Hinaplos ko ang mukha nito.
"Tumakas ka na habang may oras pa. Nais kong dalhin mo ito."
Inabot ko sa kanya ang pulseras na binigay sa akin noon ni Alexus. Noong araw ng aking kaarawan, niregaluhan niya ako ng pulseras, nilagyan ko iyon ng kapangyarihan upang kahit papaano'y maprotektahan nito ang aking munting anak.
Natagpuan ko ang pulseras na ito kahapon nang maglibot-libot ako sa napakalawak na silid ni Alexus. Nang masilayan ko ang pulseras, tila may humahatak sa akin upang kunin iyon kaya ko ito nakuha.
"Ang iyong pulseras, Ina?"
Tumango ako.
"Tumakas ka. Kailangan mong magpaka-layo mula dito. Huwag kang mag-alala, hahanapin kita. Mahahanap kita sa tulong ng pulseras na iyan, anak ko."
Ginawa kong kulay itim ang pulseras at isinuot ko ito sa kanya. Muli kong hinaplos ang pisngi nito, ngunit mabilis akong nagulat nang may sumulpot na dalawang nilalang sa aming harapan.
"GO!"
Sigaw ko kay Valmire, ngunit umiling-iling lamang ito.
"UMALIS KANA, VAL! ALIS NA!"
Binalingan ko ito ng tingin. Tumulo ang aking luha at nginitian ito ng matamis. Tumango naman siya at mabilis na nawala. Napaka-bata pa ni Val, kaya batid kong hindi siya marunong makipaglaban. Maaaring halos isang daang taon na ang kanyang edad, ngunit ang kanyang isip ay tila sampung taon lamang.
"AH!"
Napa-talbog ako sa pader at halos mawasak ito sa lakas ng impact ng kanilang pinakawalang pwersa. Mabilis akong tumayo at umalis sa kinabaksakan kanina, ngunit mabilis ulit silang nagbato ng itim na pwersa.
Napa-hawak ako sa bandang tiyan ko nang mapansin kong dumudugo iyon.
'Sisimulan na natin...'
Napa-ngiti ako nang muling magsalita si Victoria sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirosVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.