Author's POV
103 Years later~
"Isang babae?! Bakit babae?! Shit! Hindi ko tatanggapin ang batang iyan! Kailangan ko ng anak na lalaki, hindi babae! Ilayo n'yo sa akin ang batang iyan!"
Dumagundong sa bawat sulok ng silid ang sigaw ng isang lalaki. Nanginig naman ang isang babaeng tagapagsilbi habang hawak ang sanggol sa braso.
"N-ngunit panginoon, a-ano pong gagawin ko sa inyong a-anak..."
Nanginginig ang labi nito sa takot dahil nanlilisik pa din ang mga mata ng panginoong sinisilbihan.
Napa-tahimik ang lalaking ama ng sanggol na hawak nito at napa-isip. Bigla itong napa-ngisi.
"Ipatapon siya sa kaharian ng Lukresha at gawin siyang Feliece." Naka-ngisi nitong ani.
Napaka-walang awa nito pati na rin sa kanyang anak. Ang sanggol na ito ay anak niya sa isang mortal na tao, nang isinilang ang sanggol na ito ay agad ding pumanaw ang kanyang ina.
Ang Feliece, na ibig sabihin nito ay, ito ay isang tribo ng bampira na nasa ilalim ng pamumuno ng kaharian ng Lukresha, na kung saan mula pagkabata ay sinasanay na ang mga bampira, mapa-babae man o lalaki. Sinasanay ang mga ito sa pakikipaglaban at hinahasa ng mga ito ang kapangyarihan na kanila mang taglayin.
Malupit ang mga bampirang nagtuturo, lahat ay kanilang gagawin maging magaling lamang ang kanilang mga tinuturuan, kahit kanila pa itong saktan ng paulit-ulit.
Kapag hindi mo natatapos ang iyong dapat gawin ay makakatanggap ka ng isang kaparusahan na siyang kasindak-sindak.
Walang magawa ang naaawang tagapag-silbi at ibinigay ang nakaka-awang sanggol sa kamay ng mga Feliece. Buong saya namang tinanggap ng mga Felician ang sanggol na ito dahil mayroon nanaman silang papalakihing bampira.
Sahara POV
"Psst."
Hindi ko pinansin ang kung sino mang tumatawag sa akin at itinuon ang tingin sa aking libro.
"...bilang isang Feliece ay kinakailangan nating sundin ang mga kataas-taasang mga bampira. Magbigay pugay sa mga mahaharlika, mga nakaka-taasang konsehal, ang prinsipe, lalong-lalo na ang hari... wala tayong karapatan magsalita hanggat hindi tayo sinasabihang magsalita ng ating pagsisilbihan. Buong puso natin silang pagsisilbihan kahit ang kapalit ay kamatay---"
Kumunot ang noo ko at tinigil ang pagbabasa. Sobra-sobra naman ata ang pagiging trato ng mga ito sa mga Feliece, at syempre kasama na ako doon. Isa akong kasumpa-sumpang Feliece na ipinatapon ng aking ama sa tribong ito. Bakit ba kasi ayaw nila sa mga babae? Bakit ayaw nilang magka-anak ng babae? Hindi ba nila alam na ang mga babae ay nagbigay buhay sa kanila?
"Psst."
Naiinis na ako sa kung sino mang sumisitsit.
Tiniklop ko ang librong binabasa kasi mga walang kwenta lang naman ang nakasulat doon, mabuti pa isasauli ko na lang ito sa library.
Nagsimula akong maglakad at hindi pinansin ang nangkukutyang tingin ng mga kapwa ko Feliece na mga babae. Alam ko naman kung bakit ganoon ang mga tingin nila.
Nandidiri sila sa mukha ko. Hindi ko naman sila masisisi kasi totoo naman.
"Nandito naman yung babaeng mummy. Ewww!"
"Girl, hindi ko talaga alam kung bakit tinanggap yan sa ating tribo."
"Ang dungis niya kung tignan."
"Bakit ba kasi puro benda ang mukha at leeg niyan?"
Napa-yuko ako. Hangga't maaari ay ayoko ng gulo.
Napabuga ako ng hangin ng maka layo layo na ako sa mga babaeng iyon, wala na talaga silang magawa kundi kutyain ang itsura ko.
"W-wag tama na."
Napa lingon ako sa paligid ng may narinig akong tinig na tila pinapahirapan. Pero nagtataka ako, bakit pamilyar?
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I felt the urge to help her.
"Nababagay lang to sayo, bitch. Wala ka nang ginawa kundi landiin ang panginoong blake."
Na alarma ako ng tinapon ng babae ang babaeng tila nahihirapan sa pag sakal niya kanina.
Mabilis akong lumapit sa babaeng tumilapon at tinulungan itong ma upo sa lupa. May iba na ding naka tingin sa gawi namin pero hindi na sila nagulat. Normal lang ito sa amin. Na mayroong mag aaway at nagkakasiraan na ng mga lugar.
"And who are you? An acquaintance of her aye?
Narinig kong sambit ng babae sa aming harapan.
Tinitigan ko siya ng matiim. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa babaeng ito sa ginawa niya sa kawawang babae sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit... bakit nga ba ako nakikialam sa laban ng may laban? Hindi naman ako ganito ah.
"I'm sorry, pero kukunin ko na siya." Malamig kong turan.
"Yuck! The mummy girl pala! Ewww!"
Nakita ko itong diring diri sa pagmumukha ko. Tss, isa na naman sa mga mangungutyang babae dito.
Mabilis kong binuhat ang babae at nawala sa harap ng babae na akala mo naman walang nakakadiri sa katawan.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)