Victoria
Napaka-lalim ng bawat paghinga ko nang makalayo ako sa opisina ni Sir. Napahawak ako sa aking dibdib at napapikit.
“Anong ibig niyang sabihin?”
Naguguluhan ako at natatakot.
Bumalik ako sa silid-aralan at naabutan kong may bagong propesor na ang nakapasok at nagdidiscuss. Naka-yuko akong pumasok at dumiretso sa upuan ko katabi ni Sheila.
“Anong sabi ni Sir?” Rinig kong bulong ni Sheila sa tabi ko.
Nginitian ko lang siya at pumokus nalang sa harap.
Nang matapos ang klase ay nagsi-uwi na kami. Nandito kami ngayon ni Sheila sa sofa, mahigpit kong hinawakan ang mug kong hawak na naglalaman ng gatas.
“Anong sabi ni Sir sayo?”Huminga muna ako ng malalim.
“Sige, wag mo na sabihin. Alam ko na, sa mukha mo palang, e.”
Nilapitan ako ni Sheila at umupo sa tabi ko. She tapped my shoulder and smiled.
“I’m sorry. Pero bilib ako sa’yo. Ang isipin na lang muna natin ay ang kalusugan mo at ng baby mo.”
Tumango-tango ako. Napansin ko namang napatingin siya sa kanyang relo sa kamay.
“May pupuntahan ka?” Tanong ko sa kanya kasi nakaayos ito ngayon.
“Oo, eh. Hindi siguro ako makakauwi mamayang gabi. Pinatawag ako ni Mom and Dad, alam mo na.”
Napapakamot ito sa ulo, napahagikhik ako. Ang cute niyang tignan. Kaya di ko namalayan, kinurot ko na pala ang pisngi niya.
“Arayyy! Ako ba pinaglilihian mo?”
Hinimas niya ang parte ng pisngi niyang kinurot ko, napa-peace sign ako.
“Hala sige, alis na ako.”Hinalikan niya ang pisngi ko. Lumakad siya papuntang pinto pero agad namang bumalik. Napansin kong bumalik ulit siya sa pinto at napabuntong-hininga.
“Sige, ingat ka.” Naka-ngiti kong paalam nang tuluyan na itong nakalabas.
Pagkatapos niyang lumabas ay isinara kong muli ang pinto dahil iniwan niya itong bukas.
Nakatalikod ako sa pinto at tumingala sa wall clock. Alas sais y media pa lang pala. Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng makapal na jacket. Iginaya ko ang aking paa palabas ng apartment.
Itinaas ko ang aking mga paa sa ere at dinamdam ang ihip ng hangin, sinasabay ko ang pag-swing ko ng aking paa sa duyan. Napapangiti ako dahil tumataas ang paglipad ng duyan. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napatingin sa wrist watch ko.
“Alas syete palang naman.”
Muli kong inilipat ang pansin sa pagduduyan.
“Nakakatuwa, tila para tayong itinadhana na muling magkita, dalaga.”
Napa-tigil ako sa pagduduyan ng may nagsalita sa gilid ko. Nangunot ang aking noo, maya-maya pa ay napa-irap.
“Ikaw nanaman?” Napa-tayo ako. Yung lalaking naka-cap at naka-mask nung isang gabi na nandito rin ako.Lumapit siya at tumigil sa harap ko kaya muli akong napatingala. Napa-gitla ako nang yumuko siya upang pantayan ang aking mukha. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at dahan-dahan itong inilapit sa aking mukha. Nagulat ako kaya tinabig ko iyon.
“Manghaharass ka na naman ba? Hoy! Para malaman mo, wag ako!”
Tumayo ako at lumayo sa mama. Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad.
“Alam ko na ang nangyari, patawad. Ang alaala mo.” Malungkot niyang sabi.Wala sa sariling napalingon ako sa kanya, nakita ko siyang tinanggal ang kanyang cap at mask.
Napatigil ako, napaka-pamilyar niya. At… napaka-gwapo niya pala.
Napansin kong napa-ngiti ito. Anong nginingiti ng lalaking ‘to?
“Anong ibig mong sabihin? May alam ka ba kung bakit nawala ang mga alaala ko? Kilala ba kita?”
Napa-lapit ako ng ilang hakbang papunta sa kanya. Maaliwalas itong ngumiti sa akin. Napa-kunot ang aking noo nang dahan-dahan itong lumapit sa akin.
Alexus
Hindi ko mapigilang ngumiti sa maamong mukha ni Victoria. Sa babaeng ito lang yata ako napapa-tigil dahil sa kanyang presensya.
Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan. Gaya ng araw na inangkin ko siya. Napa-ngiti akong muli sa kadahilanang iyon.
“Kilala ba talaga kita?”
Ang pag-kunot ng kanyang noo, ang pag-sunod-sunod ng kanyang pag-lunok. Nakakatuwa siyang tignan. Lumapit ako sa kanya ng may tatlong hakbang sa pagitan namin.
“Gusto kong alalahanin mo akong muli, Victoria.”
Humakbang ako ng isang hakbang malapit sa kanya.
“Gusto mo bang alalahanin muli ang lahat?”
Isang hakbang pa ang aking ginawa ngunit hindi man lang siya humakbang palayo. Napa-ngiti ako at hinaplos ang kanyang mukha.
“Gusto mo ba—“
Napa-tigil ako na siyang kanyang ipinagtaka.
Sininghot-singhot ko siya, may ibang amoy akong naamoy mula sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso nang nanlaban ito. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang leeg.
Napatiim bagang ako, hindi ito amoy ng aming anak.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.