AUTHOR'S POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Mabilis ding inayos ng binata ang araw ng kanilang kasal, pinaghandaan niya ito bago pa sumagot ng oo ang dalaga.
Hindi mapawi ang kanyang ngiti sa labi na halos lahat ng bampirang kanyang nasasalubong ay nakikita ito sa prinsepe. Maraming ginagawa ang lahat. Marami doong mga bampira na umaayos ng pag didisenyo sa likod ng kanyang mansyon dahil doon niya nais ikasal sila ni Victoria. Sa ilalim ng puno na namumukadkad.
Halos maayos na ang lahat, tanging ang ikakasal na lamang ang kulang.
"Binibining Victoria, isuot mo na po ang inyong belo." Tumango naman ang dalaga sa sinambit ng muchachang tumutulong sa kanyang maghanda.
"Napaka ganda nyo po. Kaya pala kayo nagustuhan ng prinsepe kasi napaka ganda nyo sa loob man o sa labas." Puri ng muchacha rito.Hindi napigilang ngumiti ng dalaga, napaka ganda nito sa suot na puting-puting gown. Kitang-kita ang umbok sa tiyan at hindi ito hapit sa kanyang katawan, naka lubo lamang ito hanggang paa. Nakikita ang balikat nito at ang mga maputi at makinis nitong leeg dahil naka pusod ang kanyang buhok. Litaw na litaw ang kanyang kagandahan at nagkikislapan ang kanyang mga mata.
"Lumabas na po tayo, magsisimula na ang prusisyon." Tumango ito.
Nagsimula mag salita ang isang naatasang magkakasal sakanila, hindi isang pari o pastor kundi isang mangkukulam na may kakayahan na magkasal dahil iyon ang nais ng prinsepe. Ang ikasal sila at itali ni Victoria. Sila lang yata ang bampira at isang tao na nagkasal. Nasa posisyon ang lahat habang unti-unti namang naglakad si Victoria sa kulay berdeng halaman na may binadbaran na puting petals. Naka ngiti niyang sinalubong ang naka ngiting mukha ng lalaking iniibig.
Hindi nito mapigilang maiyak sa tuwa.Naglahad ng kamay ang binata na siyang inabot naman ng dalaga, pawang sila naka ngiti. Ang mga bampira sa paligid ay naupo na ng naka tayo na ang dalawa sa harap ng magkakasal.
Seryoso ang mukha ng tatlong nasa gilid. Matitipuno ang mga ito ngunit hindi man lang nag bigay ng isang ngiti. Halos lahat sa mga dumalo ay lalaki.
Nagsimulang magsalita ang magkakasal hanggang sa nagtanong na ito.
"Ikaw panginoong Alexus, tinatanggap mo ba si binibining Victoria upang iyong maging asawa? Sa hirap man o sa ginhawa? Sa--"
"Fuck, YES." Hindi pa natatapos ang salita nito ng sumagot na kaagad si Alexus.
Naka ngiti ito habang titig ang dalaga.
"Ikaw binibining Victoria, tinatanggap mo din ba ang panginoong Alexus bilang iyong kabiyak?"Tanong ng nagkakasal sa dalaga.
Ngumiti ng matamis ang dalaga.
"Opo, tinatanggap ko po." Magalang nitong sang-ayon.
"Kung gayon, dahil sa katungkulan hinandog sa akin kayo na ay mag asawa. Maari mo nang halikan ang dalaga, panginoon."
Pagkuway mabilis na inalis ng binata ang naka tabing belo sa mukha ng dalaga at nasilayan nito ang mala anghel nitong mukha. Walang pagdadalawang isip na sinakop ng binata ang malambot na labi ng babae.
"Damn. Wala kanang kawala pa sa akin, dalaga." Pilyo nitong hayag.
Muling tumayo ang lahat at nagsipalakpakan, masasabing isang napaka engrandeng kasal iyon ngunit puro mga bampira ang panauhin. Napaka saya ng dalawa at kitang-kita iyon sa kanilang mukha.
"Isang pagsasalo ang magaganap!"Sigaw ng isang bampira kaya naghiyawan ang iba at mabilis na tumungo sa hapag.
Hindi batid ng lahat ng susunod na mangyayari. Nagsimulang makaramdam ng kakaibang sakit sa tyan si Victoria at hinawakan ito.
Naka ngiti naman ang binata habang naka akbay sa asawa.
"Ugh."
Nangunot ang noo ng binata ng biglang dumaing ang ka akbay. Naka hawak ito sa kanyang tiyan at tila namimilipit sa sakit.
"Ahh! Alex! Manganganak na ata ako! AAAHHH!!" Namimilipit ito sa sakit at napapahiyaw.
"Shit! Shit! Hey! Tumawag ka ng babaeng magpapanganak sa asawa ko! Hurry fucker!!"
"Aahhhh!"
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.