Andy POV
Napa-tili ako ng makitang nadaplisan si Sahara sa braso. Hala! Bakit ba kasi yong si Megan pa ang naka-laban!
"Nako!"
Na te-tense nako! Tanging iwas lang ang ginagawa ni Sahara, bakit hindi siya umaatake!? Sinabi ko namang ang palaso at pana ay hindi makakatulong!
Napa-singhap ako ng tumilapon sya sa ka-sulok-sulukan ng arena. Waaahhh!
Bangon! Bangon!
Buti bumangon naman sya at inihandang muli ang pana nya para tumira at mabilis nitong inasinta kay Megan. Pero umiwas ito sa nagraragasang palaso sakanya.
"BITCH!"
Nakaka-asiwa naman ang bibig nitong si Megan. Sumeryoso naman ang awrang pumalibot kay Sahara ng makitang papalapit na sa direksyon nya si Megan, nagulat pa ako ng mabilis itong tumakbo sa papuntang si Megan, balak yatang salubungin pero agad nanlaki ang mga mata ko ng lumiwanag ang hawak ni Sahara na pana.
Tila nag-slow motion ang mga nangyari, nakita kong may lumitaw na dalawang matulis na patalim sa magkabilang pana na syang ginamit ni Sahara sa pag-atake nya din kay Megan.
Napa-talbog sa malayo si Megan at napa-suka ng dugo, nakita nyang nagdurugo ang kanyang tiyan sa pag-atake ni Sahara gamit ang patalim sa magkabilang pana.
"Waahh!! Ang galing!"
Hindi ko mapigilang sigaw sa tuwa at nag-tatalon talon.
"Shut up, bitch!"
Natahimik ako sa malanding nag-sita. Napa-irap ako ng wala sa oras at tinuon ulit ang pansin sa laban.
Napa-awang ang bibig ko ng makitang namimilipit na ngayon sa sakit si Sahara, alam ko kasi nakikita ko yon sa mata nya!
Sahara POV
Bahagya akong napa-hingal sa atakeng ginawa. Siguro naman ay tapos na ang laban, napa-titig ako sa guro pero nagtaka ako ng umiling sya.
Nanlaki ang mata ko ng biglang may mga ugat na lumabas sa loob ng arena na nanggagaling sa lupa, mabilis na pumulupot ito sa katawan ko na syang ikina-inda ko sa sakit dahil humihigpit ito sa bawat pag-pupumiglas ko. Ugh! Hindi ito maaari! Hindi dapat ako matalo!
"Woooooohhhhh!"
Napa-tingin ako sa anak ng panginoon ng sumigaw ito. Nag-eenjoy pa sya. Tss.
"I won't let you win, freak."
Saad ng babaeng may gawa nito sa akin ngayon.
Kinuyom nya ang kanyang kamay na nasa ere kaya napasigaw ako sa sakit kasi mas humigpit pa lalo ang mga ugat na pumulupot sa katawan ko.
Parang mababali yata ang mga buto ko sa higpit.
"Ughh!!"
Ngumisi ito sakin.
"Bakit ba hindi mo pinapakita sa amin ang iyong mukha, freak? Siguro napaka-pangit mo no?"
Mas lalo siyang napa-ngisi.
"Ahh!!"
Napasigaw ako ng may sumampal na ugat sa aking mukha kaya nabaling ang mukha ko sa kabila dahil sa lakas ng pagdapo nito.
Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay dahil nakaipit ito. Ang sakit! Sobrang sakit na! Napa-luha ako at napa-pikit.
"W-what's happening?!! Oh my!! Bakit nalalanta ang mga ugat ko?!!!"
Naramdaman ko ang katawan kong bumagsak sa lupa bago ako nawalan ng ulirat.
"Magandang umaga, aking dalaga."
Nangunot ang noo ko. Sino ang lalaking to? Bakit hindi ko nakikita ang mukha nya? Pati din ang babaeng kinakausap nya pawang wala silang mukha sa harapan ko.
"Magandang umaga din."
Nakangiti ang lalaki sa harap nito pero hindi ko makita ang buo niyang mukha. Ang ganda ng ngiti ng lalaki na tila ba ang babaeng ito lamang ang kanyang buhay. Ang tanging babaeng kanyang iniibig...
"Palagi mong kinukumpleto ang araw ko, dalaga. Mahal na mahal kita." Nagulat ako ng niyakap nya ito at hinalikan ng mabilis sa labi.
"Mahal din kita."
Tila nabingi ako sa naisagot nito sa lalake. Sino ang lalaking kayakap nya? Bakit ang pamilyar nya? Bakit pamilyar ang mga nangyayare?
Nagmulat ako ng mga mata at napagtantong isa lamang pala iyong panaginip.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)