Eagan POV
Hindi ko napigilang humagikhik sa ginagawa ni Walter. Yung gago, sinunod-sunod pa ang bawat galaw ng hari. Nakakatawa pa nung sinunod niya ang seryosong ekspresyon ng hari.
Langya!! Para siyang aso na nakanguso pa at tinatry kunutin yung kilay para sumalpok. Whahahahaha! Gago talaga!! Hahaha.
"Hey." Siniko naman ako ni Aaron kaya tumigil ako sa pag-hagikhik.
"Father."
Sabay kaming napa-tingin sa pinto nang pumasok doon si Lord Alexus. Naglakad siya at umupo sa tabi ng kanyang ama. Ramdam namin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nag-away ba ang mag-amang ito?
"As I was saying weeks ago, isang taon mula ngayon ay papalitan ako sa pamumuno ng aking anak."
Woah? Napatingin naman ako kay Alexus na tila dumidilim ang anyo nito. Pakshet. Galit na ata.
"I didn't agree with this," malamig na turan ni Alexus.
Napakagat-labi ako sa tensyon na namumuo sa loob ng silid. Tila nagsusukat ng talim ng mata ang mag-ama. At ramdam kong halos lahat ng mga konsehal na naririto ay kinakabahan.
"You're my heir. My only son, and whether you like it or not, ikaw ang susunod na mamumuno sa Velkan."
Napansin kong ngumisi si Alexus, na siyang nagpatindi pa lalo sa tensyon. Tangenge! Gusto ko atang lumabas.
AUTHOR'S POV
Nandilim lalo ang mukha ni Alexus sa tinuran ng kanyang ama. Alam niyang kahit ano ang kanyang gawin, buo na ang desisyon ng hari tungkol sa pag-alis nito sa kanyang trono upang siya'y palitan. Nabalot sa tensyon ang mga bampirang naroroon. Ramdam ng bawat isa ang matatalim na tinging iginagawad ng mag-ama sa harap nila.
Tumikhim ang isang konsehal upang basagin ang katahimikan at lalo na ang tensyon na sumusukob sa loob ng silid-pulungan.
"Bilang isa sa kataas-taasang konsehal at namumuno sa hilagang parte ng Velkan, ako ay sumasang-ayon sa kagustuhan ng hari."
Napatitig ang lahat sa nagsalita, maliban lamang sa prinsipe na matalim pa rin ang tingin sa ama, na akala mo'y kahit ilang sandali ay sasakmalin nito ang katitig.
Ang nagsalita ay si Harold Lewis. Siya ang namumuno sa hilagang parte ng Velkan at isa siya sa mga lords ng mga bampira na may taglay na kapangyarihan sa kaharian.
"Ako rin ay sumasang-ayon," sambit ng isang konsehal na nagngangalang Luke Walker. Si Lord Luke ang isa sa nangangalaga sa silangang bahagi ng Velkan.
"Bilang matapat na alagad ng hari, naririto ako upang magbigay ng buong pagsang-ayon sa desisyon ng hari," ani ni Sebastian Foster, ama ni Aaron. Si Lord Sebastian ang nangangalaga sa timog bahagi ng Velkan.
"Ako'y sumasang-ayon," turan ni Rafael Jones. Si Lord Rafael ang nangangalaga sa kanlurang bahagi ng Velkan.
Samu't saring pagsang-ayon din ang tinuran ng ibang mga konsehal, at doon na napatingin ng nagtatagis si Alexus. Tinitigan niya ang mga bampirang nagsang-ayon.
Ngumisi ito, na siyang ikinagulat ng lahat, gayundin ng hari. Tumayo siya at pinatong ang dalawang kamay sa mahabang lamesa sa harap.
Alam ng lahat ang ugali ng prinsipe. Ayaw na ayaw niyang may nagdedesisyon para sa kanya dahil, ika niya, walang sino man ang may karapatang kontrolin ang kanyang buhay; tanging siya lamang ang may hawak ng kanyang kapalaran.
"Ako ang nais ninyong mamuno sa kaharian na ito?"
Madiing pagkaka-tanong ni Alexus sa kanila.
Tumango sila ng hindi nagdadalawang isip, na siyang nagpa-ngisi lalo sa kanya. Tumalikod siya at humakbang paalis. Napa-tayo ang kanyang ama sa akala nito'y lilisan ang anak. Lumingon ng kaunti ang prinsipe at binigyan ng isang nakakapanindig-balahibong ngiti ang mga ito.
"Nasa huli ang pagsisisi."
Matapos sambitin ng prinsipe iyon, mabilis siyang nawala sa kanyang kinatatayuan. Halos pigil-hininga ang lahat, at nakapag-hinga lamang sila nang mawala na ang presensya ng prinsipe.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirosVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.