Sahara POV
Lalabas na sana ako ng pinigilan ako ni Haven sa pamamagitan ng paghawak nito sa aking braso. Nakita kong umiling siya, kaya parang natuod ako at bumalik na lang sa tabi ni Andy.
Imbis na ako ang lumabas kanina, si Haven na ang lumabas at isinarado ang pinto ng van. Nagulat ako nang si Haven na ang kumausap at mabilis na umalis sa harap ang limang Nimbus.
Nagtataka ako—anong ginawa ni Haven para paalisin sila na hindi nagawa ni Blake Leviticus? Hindi yata normal ang lalaking ito; tila mas makapangyarihan pa siya kesa sa anak ng panginoon ng mga Feliece.
Bumalik silang tatlo sa loob ng van at nagsimula nang paandarin ni Chase ang van. Hinayaan ko na lang ang mga matatalim na titig ng mga Nimbus at inihiga ang ulo sa balikat ni Andy para umidlip.
Nagising ako nang tinapik ni Andy ang aking pisngi. Nag-unat ako ng konti at napansing kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng van at naka-hinto na ito.
"Tara na, nasa labas na ang iba."
Tumango ako at kinuha ang aking mga dala.
Pagbukas namin ng van, nasa harap namin ang walo at masama ang titig ng iba.
Lalo na si Megan at Blake.
"Let's go."
Pag-aaya ni Haven at naunang naglakad.
Napa-kibit balikat ako; ewan ko bang hinihintay pala kami habang nakatulog ako. Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid at hindi ko maiwasang mamangha.
Napaka-tikas ng pagkakatayo ng malaking palasyo na ito na tanaw na tanaw ko mula dito sa malayo. Malapit na ring pumutok ang araw, kaya konti na lang ang lumalabas na pangkaraniwang bampira na kapag dumapo sa balat nila ang sinag ng araw ay bigla na lang mapapaso.
Kinalabit ako ni Andy.
"Bakit?"
"Hindi ko alam, nakakatulog ka pala kapag gabi? Parang hindi ka bampira, alam mo 'yon?"
Natawa ako sa sinabi ni Andy.
Ganito talaga ako; mas gusto kong matulog kapag gabi. Sa umaga naman, busy ako sa pagbabasa ng mga libro hanggang dumilim. Syempre, hindi ko masyadong mababasa ang mga nakasulat sa mga librong binabasa ko kapag gabi, di ba? Mas gusto ko ang sinag ng araw kaya hindi masyadong maputla ang aking balat, gaya ng iba.
Pero kung ikukumpara sa mga tao, talagang napakaputi ko kumpara sa kanila.
Palagi ring sinasabi ni Andy na healthy daw ang balat ko at ang ganda daw ng pagka-puti. Wala na akong sinabi, kaya natawa na lang ako.
Hinila naman ako ni Andy patungo sa grupo namin dahil nakakalayo kami ng konti sa kanila. Pumasok kami sa malaking gate, at bago kami pumasok sa palasyo, may nakabantay pang dalawang bampira sa gilid. Ngunit nang makilala kami, agad nilang binuksan ang malaking tarangkahan.
Halos mamangha ako sa loob ng palasyo. Waahhhh! Ang ganda! Para itong paraiso! Gaya ng mga binabasa ko sa mga libro ng mga mortal. Maraming iba’t ibang klase ng bulaklak ang naririto, at halos napakalapad ng paligid! May mga estatwa na kung ano-ano, kaya ang ganda! May mga puno din, kaya masarap ang simoy ng hangin.
Napa-tigil ako sa pagpapantasya nang makita kong halos lahat ng mga kasama ko ay nakatitig sa akin. Nagtaka ako. Sina Amara, Andy, Miranda, Chase, at Jonathan ay natatawa sa akin, marahil sa reaksyon ko. Habang si Blake ay binigyan ako ng ang-sagwa-mo-look, at siyempre si Megan na inikutan ako ng mata.
Si Marko naman ay napakamot sa ulo habang si Haven ay nakangiti—wait.
Tinitigan ko siyang muli, ngunit biglang napawi ang ngiti nito sa labi. Napa-iling ako at naunang naglakad patungo sa kanila; masyado na akong napapahiya. Ganun na ba kahalata ang mga ekspresyon ko sa mata? Hayy.
Nang makalapit na kami sa harap ng pinto ng palasyo, bigla itong bumukas at bumungad sa amin ang isang di-katangkaran na lalaki na napakahaba ng buhok sa ulo pati sa mukha. Nakasuot ito ng tila napaka-eleganteng balabal, habang may kasamang mga kawal sa likod.
This is the king?
"Welcome! Pasok kayo! Magdali!"
Pumasok naman kami dahil sa sinabi nito na parang nagmamadali.
Nang makapasok na kami, umupo siya sa kanyang trono. Nagkalat ang kanyang mga kawal sa kanyang tabi; pati sa magkabilang upuan ay meron.
"Kayo ba ang mga Feliece na pinadala ni Edwardo?" tanong ng hari.
Nakaluhod ang isa naming paa habang nakayuko sa harap ng hari.
"Magsitayo na kayo," utos nito, kaya tumayo naman kami.
"Opo, kami nga po, mahal na Haring Harold," magalang na tugon ni Blake.
"Ikaw pala ang anak ni Edwardo. Magaling! Mabuti at pinadala ka ng iyong ama! Magaling!" tila nasisiyahan na bigkas ng hari.
Nang dumapo ang tingin ng hari sa bawat isa sa amin, nagtaka ako nang tumigil ang kanyang tingin sa akin. Siguro natakot siya sa pagmumukha ko.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng pasilyo sa trono ng hari, nakatitig pa rin ang hari sa akin na siyang ikina-kaba ko.
"Nasa inyo ang aking kaligtasan, mga mahal kong Feliece."
Napa-hinga ako nang muli itong magsalita at ngumiti sa amin.
Inihatid kami sa isang malaking bahay na halos kasya na ang benteng bampira. Nasa sarili akong kwarto ngayon, nakahiga at napapa-isip. Bakit yata kakaiba ang titig na ibinigay ng hari sa akin kanina? Parang may hindi tama.
Napagpasyahan kong bumangon at tumungo sa CR nitong aking silid. Nasa kalagitnaan ako ng pag-alis ng aking benda nang makarinig ako ng isang pamilyar na tono ng pagtili. Mabilis kong kinuha ang roba sa gilid ng shower at isinuot ito.
"Aahhhh! SAHARA!"
Lumukob ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang sigaw ni Andy na tila nasa sala. Mabilis akong nawala sa loob ng CR.
"ANONG NANGYAYARI?!"
Halos pasigaw kong tanong nang maabutan ko silang lahat sa sala.
Kitang-kita ko ang pagbilog ng kanilang mga mata na nakatingin sa akin; pati si Megan at Haven ay napagitna sa kanilang ginagawa. Nagtataka ako.
"Anong nangyayari?" ulit kong tanong.
Ngunit napahinto ako nang may napansin.
At ngayon ko lang napagtanto na kalahati pala sa aking mukha ay nakikita na nila ngayon. Shit!!
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)