SPECIAL CHAPTER

604 34 1
                                        

(A/n: Gosh!! Tapos naaa! Last nato! haha)

Victoria/Sahara POV

"Ito pa,  Val."

Naka ngiti kong inabot sa aking anak ang isang bote ng tubig na nanggaling sa balon ng lakas.

Kinuha naman nya ito at bumalik muli sakanyang ginagawa. Nakakatuwa dahil lumaking napaka talino ni Val, gusto nya palaging lumalakbay upang makakita ng mga kakaibang likha. Babalik lamang sya sa aming palasyo kapag may nakuha na syang kakaibang bagay o hayop.

Katulad ngayon, nakahanap sya ng isang balon na tinatawag na isang balon ng lakas dahil kapag uminom ka daw sa balon na ito ay lalakas ang iyong kapangyarihan.

At kapag nagkasugat ka daw ay maaari ka nitong pagalingin.

Mabilis akong naalarma ng makarinig ng iyak ng isang sanggol.

Napa iling ako at mabilis na nagtungo sa kwarto na pinanggalingan ng ingay. Napa ngiti ako ng maabutan doon si Alexus na kalong sa bisig si Dante. Ang aming ikalawang anak ni Alexus na nasa limang buwan pa lamang.

Napansin nya ang aking presensya kaya napalingon sa akin si Alexus na naka sampok ang mga kilay.

"Dante seems to be bothered by my scent. He's been whining and I can't get him to settle down, Victoria. It's frustrating."

Mahina akong napa tawa sa naiusal nya at nilapitan ito. Kinuha ko sa bisig nya ang umiiyak naming anak.

"Maybe Dante started hating you because you pinched his nose."

Natatawa kong wika at pinatahan sa aking bisig ang anak. Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng tumigil ito sa pag iiyak at ngumiti pa sa akin.

Nakita kong kumislap ang isang ginto nitong mata sa kanan. Ito ang namana sa akin ni Dante. He got my gold eyes pero ang nakakapagtaka ay sa isang mata nya lang at hindi pa ito nawawala na parang natural na iyon. Habang ang sa akin ay maaari ko itong maiwala at ilabas.

When Dante was born, nagkaroon ng pagkulog at pagkidlat. Kasunod ang napaka lakas na ulan.

And I can tell kung bakit. Dante has something inside him, isang dyosa ang kanyang ina at isang maharlikang bampira ang kanyang ama. Technically, alam kong magiging makapangyarihan ang aming anak kapag lumaki ito.

"He only likes you."

Rinig ko ang mahinang reklamo ni Alexus.

Napapailing ako at hinaplos ang pisngi ni Alexus at inabot ng labi ko ang gilid ng labi nya para hagkan.

Napa ngiti ako at napa pikit ng mabilis nyang inabot ang mga labi ko at hinagkan. Hinawakan pa nito ang magkabila kong pisngi para halikan ng malalim.

"Uwaaahhhh!! Uwaaahhh!!"

Napa tigil kami pareho ni Alexus at hinabol ang hininga dahil sa malakas na iyak ni Dante sa aking braso.

Nakita ko kong paano sumalpok ang mga kilay ni Alexus at binalingan ng masamang tingin si Dante.

"There, there."

Paghehele ko kaya tumahimik na din sya.

Natawa ako dahil alam kong pinatigil kami nito sa paghahalikan ng kanyang ama.

"That kid is getting on my nerves, hindi ganito si Valmire noon."

Hinawakan ko ang braso ni Alexus.

"Ano kaba halika, puntahan natin si Balmire sa hardin."

Tumango nalang ito at hinapit ang aking beywang saka sabay kaming tumungo sa hardin ng palasyo ng velkan.

Ilang taon na din ang naglipas ng bigla na lamang sumulpot sa aking harapan si Alexus. He saved us, and I was very happy when I saw him, alive. He's alive and we're living as a family in our kingdom, Velkan.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon