"Himala? sa akin ka tumawag hindi kay Rye," nasa kabilang linya si Eros.
"Ayoko lang abalahin yon dahil baka mag sawa na sa akin at hindi na bumalik yan dito." sabi ko. Natawa siya sa kabilang linya.
"Oh, bat ka nga napatawag ano ba yon?"
Hindi kasi ako mapakali sa iniisip ko. Siya ang tinawagan ko dahil kapwa niya lalaki ang problema ko. Parang sasabog na ang utak ko. Was it my guilt?
"May nasabi ba sayo ang friends nyo na may jowa na siya?" tanong ni Eros sa akin pag katapos kong ikwento ang nangyare nung gabing yon.
"Wala naman silang nabanggit sa akin kaya hindi ko talaga alam,"
"Ano ngang sabi niya sayo?" tanong niya ulit.
"Sabi niya sana raw hindi na kami magkita kahit kailan."
"Aray." sabi niya na parang mas nasaktan siya kesa sa akin.
"Pinagsisisihan niya na nakilala niya ako," naiiyak na sabi ko.
"Aray lalo." nag react na naman siya. "Wala tayo magagawa don kung ganon ang naging usapan niyo, kasi nasaktan mo siya e. Ikaw ang nang-iwan, ikaw ang tumapos kaya karapatan niyang sabihin lahat ng yon sayo."
Lalo akong nastress at nakonsensya sa sinabi niya. Alam kong may kasalanan ako at alam kong ako yung nakasakit. Naguguilty ako sa mga nagawa ko kay Ethan, nahihiya din ako dahil sa mga nasabi ko nung gabing yon. Masyadong halata na nangungulila ako sa pag mamahal niya.
"Kisses, itong two piece ang isuot mo mamaya para matchy tayong tatlo." sabi sa akin ni Olive habang nasa sasakyan kami. Papunta na kami roon sa beach resort.
Kinuha ko na lang yon kahit wala naman akong planong mag pasexy doon. Sumama lang naman ako para mag unwind, mag relax ganon. Puro mga beach dress ang dala ko dahil wala rin akong planong lumangoy sa dagat.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
