"Aba! Mukhang blooming ka ah, parang nag bakasyon ka din ah?" puna ni Rye sa akin. Binato ko siya ng unan bago ako tumayo sa kama ko.
Kakarating niya lang at parang walang jet lag dahil sobrang ingay. Nasa kitchen si Zia kaya binati ko at tumabi sa kaniya. May pagkain kasi roon kaya kumuha ako ng pasta at mabilis na sinubo yon.
"Kamusta ang bakasyon?" tanong ko kay Rye.
"Kamusta ang puso?" sagot niya sa akin na tanong din. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi ako nag salita. "Mukhang masaya ka naman," sabi niya pa.
"Something good happen, huh?" sambit pa ni Zia.
Nag tuloy tuloy ang ganong buhay ko kaya lagi akong ganadong tumanggap ng bookings. Wala ata akong bookings na tinanggihan dahil gusto ko ring bawiin yung isang buwang pag papahinga namin.
Nasa meeting kami nila Zia para sa endorsement shoot na gagawin ko next month. Medyo matagal ang meeting kaya naman hindi ko na napansin na madilim na pala pagkalabas namin at umuulan pa. Malayo pa naman ang pinag parkingan ng sasakyan namin at open field yon kaya wala kaming choice kundi salubungin ang ulan. Hindi naman ganoon kalakas yon kaya nag lalakad lang ako habang sina Zia at Rye ay tumatakbo.
BINABASA MO ANG
Dream
RomantikHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
