52

357 12 5
                                        

"Ano goods na kayo?"











Tanong agad ni Anya sa akin pagbalik namin ni Ethan sa cottage. Hindi pa ako makapaniwala na naging maayos ang usapan naming dalawa. Ang ineexpect ko kasi talaga ay sisigawan niya ako at susumbatan dahil sa mga nasabi ko sa kaniya noon. 











Gaya nang pakiusap ni Ethan sa akin, normal kaming umakto sa harap ng mga kaibigan namin. Hindi na ganon ka awkward ang atmosphere namin dahil parehas na kaming nakikisali sa usapan at nakikipagtawanan sa mga biro nina Olive. Gumawa sila ng bonfire kaya lahat kami ay naka upo sa buhanginan at naka paikot roon. Katabi ko sina Olive at Anya pero halos mag katapat pa rin kami ni Ethan.










"Kanta ka naman Pao," request ni Red na hindi napagbigyan.










"Sumama ako para mag relax, hindi para kumanta pa rito." sabi niya sa pinsan na agad naman siyang inirapan.











"Ang damot mo," sabi pa ni Red.










"Pag gantong mga tahimik ang paligid, naaalala ko si Yara e." sambit naman ni Anya. "Siya lang ang bukod tanging nakilala ko na hindi na uubusan ng kaingayan sa katawan."

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon