54

327 8 1
                                        

"Natatawa pa rin ako!" siniko ako ni Olive habang naka-upo kami sa harap ng stage.










Kakatapos lang ng endorsement shoot ko. Pagod ako sa ginagawa ko maghapon pero... narito nanaman ako sa pwestong ito at naghihintay mag start ang gig ng Eclipse. Kasama ko ngayon sina Anya at Tasha na naging close ko na din dahil laging kasama ni Olive. 










"Pucha! Sinong hindi matatawa don? Manager nila yung pinagseselosan mo?!" kantyaw pa ni Anya sa akin.










Malay ko bang may manager na ang banda nila! Tsaka hindi naman ako nag seselos nung gabing yon. Hindi lang ako sanay na may kasamang ibang babae si Ethan bukod sa mga kaibigan namin! Pero... Hindi. Ako. Nag. Seselos!










"Wag ka ngang indenial! Halata naman na mahal niyo pa ang isa't isa... So what's stoping you?" tanong ni Olive sa akin. Natulala tuloy ako at iniisip ang mga sinabi ni Ethan.










Kakabuo niya pa lang sa sarili niya. Ngayon pa lang siya bumabawi... pero heto ako, nagpaparamdam na para bang wala akong nasira. I know he's scared and Im scared too. Natatakot akong baka masaktan ko nanaman siya.









Okay din sa akin na hanggang dito muna kami. Friends. Hindi na kami naiilang sa isa't isa at ganon rin ang mga kaibigan namin. Malaya na ulit silang tuksohin kami at hindi na limitado ang mga galaw nila tuwing kasama nila kami.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon