CHAPTER 59: GYPSY VISITOR

185 8 5
                                        


THIRD PERSON'S POV

Bumalik si Vexia sa loob ng Auditorium kung saan halatang hinahanap na siya ni Kyle. Agad lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan sa kanyang pulsuhan.

"Sorry mukhang nabored ka na kaya umalis ka saglit" nag-aalalang sabi ni Kyle sa kanya.

"Naaah" tipid na sagot ni Vexia at umupo ulit siya sa table nila.

Ginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng Auditorium at mukhang nag-eenjoy ang mga estudyante bukod sa kanya. Bored na siya at gusto na niyang umuwi. Napansin din niyang super sweet ang mga couples na nagkalat sa kanyang harapan na pinangungunahan nina Mitch at Jeff. Napabuntong hininga na lang siya dahil hanggang ngayon ay naninibago parin siya sa inaasta ng anim.

Nagsalang ang DJ ngdisco music ang nagsitayuan ang mgacouples sa kanyang harapan at nagtungong dance floor. Naiwan ulit siya kasama ni Kyle na napansin niyang pinagmamasdan siya.

"Bakit?" Taas kilay na tanong ni Vexia sa kanya.

"Ahhh. Wala naman" nakangiting sagot niya.

"May I dance with you mademoiselle?" Sabat na tanong ni Kres habang nakangising nilahad ang kanyang kamay.

"In your dreams" seryosong sagot ni Kyle at tinignan niya ng masama si Kres.

"Girlfriend mo ba?!" Maangas niyang tanong.

"I'll be fine. Tss" sagot ni Vexia sabay tayo ngunit hindi niya inabot ang kamay ni Kres.

"May attitude huh" bulong ni Kres ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Vexia.

Kasabay ng pagpunta nila sa dance floor ay agad ding nag-iba ang kanta. Naging sweet music ito. Umalis ang ibang kumpol ng tao ngunit maraming ring naiwan.

"Kung sinuswerte ka nga naman" bulong ulit ni Kres at agad niyang hinapit si Vexia sa bewang.

Poker face lang si Vexia sabay hawak sa magkabilang balikat ng lalaki.

"Nakapagtataka kung bakit hindi kayo napupuruhan noon" parang wala sa sariling sabi niya.

Napataas naman ang kilay ni Vexia dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito.

"Hahahahaha. Siguro swerte lang kayo" nakangising sabi niya.

"Spill it out" malamig na sabi ni Vexia na siyang ikinatigil nila sa pagsasayaw.

"Wuuuuh" si Kres. "Nakakatakot" nakakalokong sabi niya.

Agad namang diniinan ang pagkakahawak ni Vexia sa balikat ni Kres. Halos mabaon narin ang kanyang kuko sa kanyang balikat.

"Ahhhhhh!!! Tang ina mong babae ka!" sigaw niya ngunit sila lang ang nakarinig dahil narin sa lakas ng sound system.

"I said SPILL.IT.OUT" nagbabantang sabi niya at tinignan niya ito sa mata.

Agad naman nagsitayuan ang mga balahibo ni Kres. Mukhang nakaramdam pa siya ng takot sa dalaga.

"O-oo na! Tang inaaa! Tanggalin mo ang pagkakahawak sa akin" utos niya.

Agad namang tinanggal ni Vexia ang pagkakahawak sa kanyang balikat at hinintay niya itong magsalita.

"Huh. Akala ko Guardians lang ang malakas" bulong ulit niya.

"I am waiting" si Vexia ulit at halata sa kanyang mukha ang pagkabagot.

"Una sa laha--"

"And why are you dancing with her?!" Malakas na sigaw ni Samie sa kanilang kanan.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon