THIRD PERSON'S POV
BANG BANG BANG BANG BANG!!!
Sunod-sunod ang mga putok ng baril mula sa tumatakbong itim na van. Agad kumilos si Clei upang alamin kung sino ang nasa likod ng mga putok na iyon. Walang hirap siyang tumalon mula sa garden, gamit ang kanyang latigo, hanggang tumuntong siya sa unang palapag ng Mansion para makuha ang plate number ng van ngunit sa kasamaang palad ay walang plate number ito.
Tumingin naman siya sa kanyang mga kasama at nakapwesto na si Liya para pasabugin ang van na papalayo sa Subdivision. May lumabas na kotse sa Mansion at nakita niyang si Deeja ang sakay nito. Hindi na siya nagdalawang isip upang sumakay sa kotse at mabilis na pinaharurot ni Deeja ito para maabutan ito.
Walang imikan ang dalawa habang nasa biyahe, abala si Deeja sa paghabol sa van at abala din si Clei sa pag-aayos ng Beretta ARX-160. Napapangisi siya dahil sa unang pagkakataon ay gagamitin niya ang isa sa mga pinakamamahal na "baby" ni Deeja.
Vexia Calling...
"Oh" sagot ni Clei sa tawag.
[Kill and burn] malamig na utos niya.
Halos manindig ang lahat ng balahibo niya sa paraang pagkakasabi nito. Kahit sa telepono lang niya sinabi ay ramdam ni Clei ang masama niyang aura.
"I will" sagot niya sabay baba sa cellphone.
"Game on" nakangising sabi niya sabay kasa sa armalite.
"Then hold on" sagot ni Deeja at mas lalong pa niyang pinaharurot ang kotse.
Tinutok ni Clei ang baril sa van nang biglang umikot-ikot ito hanggang tumirik ito sa gilid ng kalsada.
"What the!?" Sigaw ni Deeja.
"Sniper" naiinis na sabi ni Clei.
"Argh! Akala ko pa naman ay masosolo ko na! Este tayo pala!" Naiinis niyang sigaw habang bumababa sa kotse.
"Shut up and kill them" sagot ni Clei at naglakad papunta sa van.
"Fine!" Sagot ni Deeja at kinuha rin niya ang isa pa niyang Beretta ARX-100 at kinasa ito.
"Long distance or short distance?" Tanong niya.
"Whatever!" Sagot ni Clei at pinaulanan ng putok ang van.
"Yeah! Whatever!" Sabi din ni Deeja at sinabayan niya ang pagpapaulan ng bala.
"Stop! He's mine!" Sigaw ni Clei sa lalaking gumagapang palayo sa butas-butas na van.
Agad tumakbo si Clei papunta sa lalaking naghihirap at tila nag aagaw buhay.
"Argh! Wala na bang gagapang diyan?!" Sigaw din ni Deeja.
"Tanga! Matapos umulan ng bala sa tingin mo kaya may buhay pa?" Sigaw sa kanya ni Clei.
Dahil frustrated si Deeja ay nag indian sit na lang siya habang hinihintay si Clei.
Nang makarating si Clei sa lalaki ay agad niyang tinapakan ang tyan nito.
"Ma-maawa ka" naghihirap na bulong sa kanya ng lalaki.
"Ayoko nga!" Sigaw niya. "Sino ka?" Maawtoridad niyang tanong.
Hindi sumagot ang lalaki at tila napapapikit na ito.
"Hoy! Sino ka? Sagot! Kundi tutuluyan kita!" Sigaw niya at sinipa-sipa pa niya.
"Ayaw mo? Okay" dagdag niya at kinuha niya ang kanyang hunter knife at sinaksak sa mismong dibdib ng lalaki. Hinugot niya ulit ang kanyang kutsilyo at pinaputukan ng ilang beses.
![](https://img.wattpad.com/cover/16178349-288-k242916.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.